1. Beginning

6 0 0
                                    

A/N: Hello po, my dear readers!!! 😊 Ito po Yung first tag-lish story na gagawin ko sa Wattpad. Sana magustuhan nyo.

🧚🧜🧚🧜🧚🧜🧚🧜🧚🧜🧚🧜🧚

The birds are singing and dancing on the branches of the nearby tree. The wind is gently blowing.

A woman. A woman is looking at me. Who is she? She is so beautiful! Her eyes the color of the sky and her hair the color of Earth.

She is singing. Such soft-toned voice. So melodious. I try to reach her but a dark mist appeared and sucked her in slowly but the woman is still singing.

"No! Wait! Stop!"

The woman is slowly disappearing. Yet she still continues to sing, to me.

'Come my darling homeward bound..."

"Wait!" I shouted while crying. Why am I crying?

"WAIT!" sigaw ko.

Pawis na pawis ako at hinihingal. It's that same dream again! I've been dreaming that dream since I turned 16 and last year, and every month may dumadagdag sa panaginip na yun.

Nilibot ko ang aking paningin at nakita ang pamilyar na silid. And aking silid.

Tiningnan ko ang pocketwatch na binigay sa akin ng aking papa nung aking nakaraang kaarawan.

"Hala! Alas singko na Ng umaga! Bakit hindi ako ginising! Ma? Pa?" tawag ko pagkalabas ko ng kwarto ko.

"Ma? Pa? Saan Kaya sila? Bakit walang sumasagot." pagtataka ko.

Pagkadating ko sa kusina, may nakita akong papel na pinapatungan ng baso. Kinuha ko yung baso at binasa ang liham.

"Nak, punta na kami sa bayan para magbenta at nang magkapera. Malapit na pa naman ang kaarawan mo. May pagkain diyan sa kaldero. Kumain ka nalang. Magsaing ka narin mamayang hapon para sa ating hapunan. Darating kami sa ganung oras parin. Ingat ka jan. Mahal ka namin ni Papa mo. -- Mama❇️

Hay, si Mama talaga. Minsan may pagkadalaga. Pero pasalamat ako ng buong puso sa kanila dahil kung hindi dahil sa kanila, hindi ako mabubuhay.
Nakwento kasi ni Mama na napulot lang nila ako sa sapa sa gitna ng gubat noong nangangahoy sila 17 taon nakakalipas. Ang nakakatawa dun, nakasakay daw ako sa isang pugad ng ibon, parang kanya ng agila dahil sa laki nito. Tapos ako daw, halos mapuno daw ako ng balahibo ng ibon! Akala nga daw nila, isa akong di pangkaraniwang nilalalang. Nang binuhat ako ni Mama mula sa pugad, may munting hangin na umuhip at nilipad nito ang mga balahibo. Nang makita nilang mukhang isang normal na sanggol ako, sobrang saya daw nila.
Limang taon na daw nun silang nag-asawa sa isa't isa pero wala paring anak. Pero nang mga panahong iyon, nabuhayan sila ng loob. Agad daw nila ako dinala sa chief para ipakita. Si Papa naman, pinulot at dinala yung pugad. Nang pinayagan sila na ampunin ako, dinala nila ako sa bahay nila.
Isang araw matapos nun, napag-isip si Papa at natandaan ang pugad. Inukay nya ito at doon nya nakita yung espesyal na puyod at kwintas. Yung puyod ay nakakurteng bulaklak at sa bawat petal ay parang may metal na kasing nipis ng sinulid na nagmukhang hangin na umiikot. Sa kwintas naman, may gem itong crystal blue at may metal na nakakurteng pakpak pero maliit lang. Yung pakpak yung humahawak at sumusuporta sa gem.
Sabi ni Papa baka yun daw ang tanging clue sa kung sino ako at kung saan ako nanggaling.

Pumunta na ako sa kung saan nakalagay ang mga kaldero, kumuha ng plato at kutsara at nagsimula nang kumain.

Matapos nun, lumabas na ako ng aming bahay at nagwalis. Matapos nun ay nagdilig ako ng aming mga bulaklak at mga prutas at gulay. Napakarami naming halaman, parang kompleto na ang mga prutas at gulay sa bahay kubo!

Kahit isa lang akong village girl, nakapag-aral ako sa kabilang village kung saan mas maganda ang kanilang pasilidad. Kahit hanggang first year high school lang ako, sapat na yun para sa kaalaman na kakailanganin ko sa pang-araw araw. Sabi nila Mama at Papa, kapag nakapag-ipon na sila ng sapat ay makakapag-aral na ako muli.

"Hmm, let's see. Walang panggatong... Wala naring mga dahong pantsa-a. Sige, pupunta ako sa gubat. Pero bago yan, maliligo muna ako."

Kumuha ako ng tuwalya at damit pambihis at naglakad na. Halos isang kilometro ang layo ng ilog mula sa aming barangay.

Pagkarating ko doon, naglakad pa ako pupunta sa pinakapuno at nakita muli ang talon. Napakaganda talaga nito. Kahit ganun lang sya kaliit, napakaganda parin nito lalo na at napapalibutan ito ng mga malalagong halaman at bulaklak.

"It never gets old. Ang ganda parin kahit ilang beses ko na syang nakita."

Naghubad na ako bago lumusong sa tubig. Safe naman ako dito dahil walang pumupunta sa liblib na lugar na ito. At may sabi-sabi rin na may sirena dito na nanguguha ng kung sino man ang minamalas na makapunta sa lugar na iyon pero ilang beses na ako pumunta dito pero wala namang nangyari sa akin at wala rin akong nakitang kakaiba.

Lumusong na ako sa tubig at sumisid. Naligo ng ilang minuto at plano ko na sanang umahon pero parang may biglang humawak sa aking binti.

"Wha-? Ah!" sigaw ko nang bigla akong hinila ng kung anumang nakahawak sa aking binti pailalim ng tubig.

Sinubukan kong tingnan kung ano ang humihila sa akin pero sobrang labo ng tubig at nahihilo narin ako sa sobrang bilis ng paghila sa akin.

'Hala, nauubusan na ako ng hangin! Kailangan ko nang umahon or else malulunod ako...'

Sinubukan kong kumawala sa pamamagitan ng pagsisipa pero wala parin, at ang mas malala ay nauubos na ang aking lakas.

'This is bad! Kailangan ko na ng hangin! Nauubusan na ako ng hangin...'

I stretched out my hands to the surface hoping against hope na makakaligtas ako.

'Ganito nalang ba ang buhay ko? Dito na ba ako mamamatay? Hindi pwede to! Hindi pa nga ako nakakapagdebu! Hindi... Tulong... Please, anyone... Hel...p me...e..'

Unti-unting may namumuo na black and white spots sa aking paningin. Nararamdaman kong nanghihina na ang aking katawan.

Bago ako tuluyang mawala sa kadiliman, may nakita akong kamay na umaabot sa akin and with the remaining ounce of my strength, I reached my hand out in desperation.

😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊
So, ayun na po ang unang chapter! Yeah. Kung may gusto kayong itanong, feel free to ask me. Pakipindot narin Ang maliit na star to vote. Thank you berry munch!😘

Into the UnknownWhere stories live. Discover now