2. Fione

0 0 0
                                    

The hand reached out to me and I tried to grab it pero sobrang lakas ng humihila sa akin.

'Help.' yun lang ang huling salita na laman ng isip ko bago ako nilamon ng kadiliman.

Nagising ako sa tunog ng rumaragasang tubig at bigla akong napabalingkuwas nang maalala ko ang nangyari.
'Teka, nasan na ako?' tanong ko sa isip ko.

I looked around at napansing parang nasa loob ako ng kuweba. Pero parang hindi pangkaraniwang kuweba. May something na hindi ko mawari pero parang tinatawag ako... Ang aking kaluluwa.

"Oh. You're awake." Sabi bigla ng boses. I whipped my head around at dumapo ang aking mga mata sa isang napakagandang nilalang. Ang buhok nya, kasing dilaw ng sinag ng araw. Ang kanyang mga mata, kasing kulay ng malalim na lawa. Ang kanyang mga labi, kasing pula ng rosas. Nakasuot sya ng puting damit na may mga perlas at dyamanteng nakadikit kaya tuwing galaw ay tila kumikinang sya!

 Nakasuot sya ng puting damit na may mga perlas at dyamanteng nakadikit kaya tuwing galaw ay tila kumikinang sya!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Sabi ko na sayo eh. Kailangan mo nang alisin yang mga burloloy mo sa damit mo. Masyadong nakaka-agaw atensyon." sabi ng ibang boses.

Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses at laking gulat ko nang makakita ng babae sa tubig na may nilalarong bungo! Maganda din naman sya. Slim sya with a long slender neck, medyo maputla ang balat, dark olive lips that seemed to conceal too much secret, at yung mga mata nya ay kulay dilaw na parang kanya ng pusa. Beautiful yet dangerous.

Bumangon ako ng bigla at kumaripas atras kahit na nahihilo ako dahil sa biglaang pagbangon ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Bumangon ako ng bigla at kumaripas atras kahit na nahihilo ako dahil sa biglaang pagbangon ko.

"Tingnan mo ang ginawa mo. Natakot tuloy sya. Okay lang yan. Hindi ka nya sasaktan." pag-aalo sa akin ng magandang babae.

"Kasi wala akong choice." sagot ng babaeng may bungo sa kamay. Ngayon, iniikot nya yung bungo sa hintuturo nya. 'Whaaa... Nakakatakot! Nasaan na ako? Patay na ba ako?' sabi ng boses ko sa loob ng aking ulo.

"Goodness! Hindi ka patay. Ano ka ba?" gulat na saad ng magandang babae.

'Nababasa nya ang iniisip ko?' sabi ko sa isip ko.

"Okay. From the top. Hi, ako nga pala si Fione. At sya naman," tinuro nya yung babaeng may bungo sa kamay, "si Greta. Hindi mo kailangang matakot. Mabubuti kami."

"Mabubuting espirito." dagdag nung Greta.

"... Espirito?" narinig kong sabi ng boses ko.

"Ah. Ako ay isang water nymph. Sya naman ay isang sirena. Pero..."

Hindi nya pa natapos ang sinasabi ay hindi ko mapigilang mapatili. "Eeepp! Yung sirena? Yung nanghihila ng mga tao at kinakain ang biktima pagkatapos?!" sabi ko sa maliit na boses.

Nag-ayos ng pagkaka-upo yung Greta. "Hey. Oo, I admit na ako nga yung sirena na pinagsasabi mo dyan pero yung huli? Yung "kinakain"? Yuck! Duh, nanghihila lang ako, hindi nangangain."

"P... Pero, yung mga bangkay. Hindi man nakita yung mga bangkay." pagtututol ko. Eh, ano pa ba ang magagawa ko? Alam kong ako na ang isusunod nya sa collection nya ng mga bangkay.

"Ah. Yun ba? Andun sila oh." turo nya sa lugar a few feet from me. Expecting to see skeletons, nagulat ako nang makakita ng tatlong ilaw.

"Es-- espirito na sila?!" sabi ko habang nangiginig ang boses.

"Aba! Excu~se me!" sabi ng isa sa mga ilaw sa boses ng babae.

'Hala! Tatlong babae ang nawawala. At ako na ang pang-apat. Huhuhu.' iyak ko sa isip ko.

"Aubrey! Tama na. Ganyan ka rin naman nung unang beses mo kami nakita diba?" sabi ng isang mahinhin na boses.

'Teka lang, Aubrey? Sya yung pangatlong babae na nawala ah.'

"Tumahimik ka nga dyan, Diana. Nakaka-insulto kaya. Alam kong spirit creatures na tayo pero yung pagkasabi nya kasi ng "espirito"... Alam mo yung imbis espirito talaga yung ibig sabihin ay parang ginawa nyang multo!" sagot ni Aubrey.

"May tama naman sya, Aubrey. Kung ganun nga. Kasi, diba iniwan na natin ang ating mga katawan?" sabi ng isang boses na parang may saya sa bawat salita na binibigkas nya.

"Oo na. Tatahan na. Eto na oh! Palibhasa, wala ka namang problema sa sinapit mo. Diba Edith?" pagmamaktol ni Aubrey.

'Diana? Edith? Sila yung iba pang mga babae na nawala ah.'

"Yung mga nawawala! Teka lang, ano ang nangyari sa inyo? Bakit... Paano kayo nagkaganyan?" tanong ko sa kanila. Yung dalawang magagandang diwata kaya ang may kagagawan nito sa kanila? Sila ba?

😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍

😅Ah, hehehe... Pasensya na. Now lang nakapag-update tapos maigsi pa. 😔 Hays. Next time po hahabaan ko pa. Sana Naman magparamdam kayo na nagbabago para naman mabuhayan ako Ng loob. 😙😊
Matta Ashita! Til next time.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 27, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Into the UnknownWhere stories live. Discover now