Chapter Six

214 14 3
                                    


Gigil na gigil na bumalik si Danica sa mesa niya malapit sa stage. She can't believe it. Nakaisa na naman itong si Cielo sa kanya. Kiss na yon eh! Bad trip! Magbi-birthday na si Cielo in few minutes dahil malapit ng maghating gabi. Maganda sanang birthday gift iyon dito at tamang score lang sa kanya.

The band was playing a requested song, Belle of Boulevard of Dashboard Confessional. Nangingibabaw ang violin ni Cielo habang swak na swak na nagbi-blend sa piano ni Limien at acoustic guitar ni Hamiel ang blending ng boses nina Hinaro, Geo at Hamiel.

Don't turn away, dry your eyes, dry your eyes. Don't be afraid but keep it all inside, all inside. When you fall apart, dry your eyes, dry your eyes. Life is always hard for the Belle of the Boulevard.

"Haaayyy, Cielo Pontez!" she sighed while driving her mind with her wildest fantasies. Sa imagination niya, walang ibang tao kundi siya at si Cielo lamang. He was hopelessly, begging for her love, her affection, her attention. He was ready to be her slave and willing to command her order. Napangiti si Nica. Napaka-imposibleng mangyari ng iniisip niya. Isinusumpa siya ni Cielo. At ginagawa niya lahat para lalong maasar ito at umamin muli sa kanya na siya pa rin ang mahal nito.

Nakapikit ito at damang-damang ang bawat notang lumalapat sa violin nito. Nag-iibang anyo talaga si Cielo pag tumutugtog. Aakalain mong napakabait nitong tao dahil na rin sa maamo nitong mukha. Ang di alam ng lahat, antipatiko ito at walang konsensya.

She remembered her embarrassing moment a while ago. Hindi pa rin siya nakaka-recover sa takot sa mga chow chow babies nito at sa katotohanang ipinangalan sa kanya ang mga yon. At ako daw ang mommy? Pambihira!

"Gusto mo bang makaisa kay Cielo?" Richael sat beside her. "May planadong gimik sina Hamiel para kay Cielo for his birthday. Pabor yon sa'yo."

"Talaga friend? Anong gagawin?" She smiled with excitement.

"Nothing special. May chance ka lang naman na mahalikan si Cielo at hindi siya makakapalag promise!"

"I love that!"

The crowd cheered after the song ended. "Hmm time check, Mien ko?" Lumingon si Hamiel sa asawa nito. Simpleng gesture lang pero nagpakilig yon sa buong Senang Hati. The crowd cheered again. "Kayo naman, konting sulyap lang sa misis ko, uuuy agad." The crowd burst with laughs. He moved closer to Limien, nagbulungan ang dalawa pagkatapos ay sinenyasan ni Hamiel ang mga kabanda maliban kay Cielo.

"Okay it's 12:20 in the morning and that means birthday na ng ating lovable charming violinist. Ang pinsan kong cute, Cielo Prudence Pontez. Batiin natin siya," sambit ni Limien.

"Happy Birthday, Cielo!" Nakisigaw si Danica sa nakararami. Binuntutan pa niya yon ng "I love you forever, Cielo baby!" Napatingin sa kanya ang ibang tao roon pero wala siyang pakialam. Mula noong first airing ng show niya ay sinasabi nga niya yon sa National TV, bakit naman siya mahihiyang sabihin yon sa buong Senang Hati?

Tinapunan lang siya ni Cielo ng masamang tingin bago ito ngumiti ng matamis nang bumaling ito sa crowd. Hindi yon nakatakas sa mata ng mga tao roon kaya marami ang natawa. "Thank you po," sagot lang nito.

"Ayan, at dahil birthday mo na bro at kilala ka namin bilang matulungin at mapagbigay sa kapwa, may gift kami sa'yo. Actually, the crowd has participation for this. Cielo, dito ka sa center stage."

Pumunta nga sa gitna si Cielo. "Siguraduhin ninyong okay ito ha. Malalagot kayo sa nanay ko pag hindi," banta nito na ikinatawa ng lahat.

Bukas Na Lang Kita Babastedin (Published Under Psicom Publishing, Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon