3 years later..
I closed my eyes as I felt the summer breeze carressing my skin. It has been three years huh? Bumaba na ako at pumasok. "Welcome to Ninoy Aquino International Airport." dinig ko pagpasok namin. Yes. I am back.
Hindi pa naman talaga sana ako babalik kaso mapilit sina Mom and Dad. They said they wanted to be with me on my birthday. Ang sabi ko naman, they can fly over to Australia para makasama ako pero ang dalawa eh nagtampu tampuhan pa sakin. Kaya here I am!
Maraming nagbago nang umalis ako. I am not the so called 'Queen Bee' anymore. Nagsoul searching ako and I'm glad I've found that certain part of me. Pero kahit na nanatili ako ng ilang taon sa Australia, may kulang parin sa pagkatao ko. Na kahit anong gawin ko ay hindi mabuo-buo. It could probably be my twin sister. Yung bond ng pagiging kambal namin. Sa puso ko naniniwala akong buhay pa ang kapatid ko. Pero wala namang naikukwento sakin ang pamilya ko. And it's been over three years. Siguro ay huminto na sila Mom and Dad sa paghahanap sa kapatid ko. Maybe coming here would help me find my peace and accept the reality I am in. Ang buhay na wala si Winter.
I looked around the area, trying to find any of my family member. Ang sabi nila susunduin nila ako? I decided to walk and sat in a nearby bench habang kinakalikot ang cellphone ko. I tried calling Fall pero unavailable ito. Even Ate Spring, Mom, and Dad. Edi-nial ko ulit ang number ni Fall. And after a few more tries ay nagring na din.
"Fall Seasons! Bakit ngayon lang kita nakontak ha?"
"Ate, good morning!" garalgal na bati nito. Halata na kakagising lang.Kumunot ang noo ko. "Where in the world are you? Kanina pa nakalapag ang eroplano. Sino ang susundo sakin?"
He groaned. "It's only 3:30 AM. Ofcourse I'm in the house, sleeping."
Nagpanting ang tenga ko. "What about Mom? Dad? Ate Spring? Don't tell me walang susundo sakin?" Pinagloloko ba nila ako? They said na susunduin nila ako tapos hindi pala? Lokohan ba toh?
"Ate, malamang tulog pa sila. At saka, ang sabi ni Mom ay mamaya pang alas otso ng umaga ang dating mo. Bakit naman napaaga masyado? Tulog pa lahat ng tao dito kaya malamang na walang makakasundo sayo. Magtaxi ka nalang. Take care dearest sister. Good mornight! *toot!*"
"H-hello? Hello? Fall!" inis na pinatay ko ang tawag. Binabaan ako ng tawag? My brother just hanged up on me? I muttered a curse silently. Padabog na hinila ko ang maleta ko at lumabas ng airport. Ang sabi ko kay Mom 3:30AM ang dating ko. Ba't niya kinalimutan. Nagpalingon lingon ako para makahanap ng taxi. Pero kapag minamalas ka nga naman walang dumadaan ni isa.Naiinis na umupo ako sa maleta ko. "Lagot talaga kayo pagdating ko ng bahay. Nakuu!" nanggigigil na saad ko.
'
'
'
'
'
'
'
'
'
'
'
I was just staring in nothing particular while waiting for a cab when I saw someone, very familiar, walking. Agad akong napatayo. Am I hallucinating or what?
Bakit ko nakikita ang kakambal ko? And she's even smiling while walking to my place. Minumulto na ba ako kasi hindi ko matanggap na wala na siya? Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Namimiss ko lang ng sobra ang kapatid ko that even seeing her vision makes me cry so hard. Para kasing buhay na buhay siya ngayon at healthy. My sister never smiles like that at hindi ko pa siya nakikitang may ganyang kinang sa mga mata.