A/N: This is the first installment of my newest series, Argente Series. I did not proofread this so expect grammatical errors along the way. Happy reading everyone!
Simula
At first, it was fine for me.
I was showered with dim lights and silhouettes of people dancing sensually to the music. Nagpalit ng DJ kaya mas dumami ang mga tao ngayon na nagsasayawan. Kung hindi lang sumakit nang bahagya ang ulo ko ay baka sumali na rin ako at nilibang ang sarili.
"Ma'am, do you want some drinks?" tanong ng bartender.
Iginiya ko ang mga mata ko sa kabuoan ng silid. Although, it was dark, I can still see the refreshments behind him. Lumamig ang sikmura ko. Gusto kong maduwal ngayon kahit gabing gabi na pero pinipigalan ko ang sarili ko.
These past few days I've been feeling tired easily. Baka hindi lang sanay ang katawan ko sa mga pagbabago...
"Island iced tea, please." Wala namang alcohol 'yun diba? Hindi ko gusto magpakalasing lalo na't may kikitain ako ngayon.
He nodded bago tumalikod at inulit ang proseso nang paggawa ng inumin. I gave him the tip also.
I licked my dry lips. I need some beverage right now. Ilang buwan na din simula nung makapunta ako sa ganitong klase na lugar. I'm not a party girl but growing up in States did its thing to me.
Inisip ko muli ang mga plano ko.
I want to build a hotel on my own. Ang lupa na binigay ni ate ang gagamitin ko upang makapagtayo. For now, I don't have any financial support. Cinut-off ni mommy ang allowance ko kaya aasa na lamang ako sa perang nakalaan para sa akin. I can just easily ask help from my relatives pero pinipigilan ko ang sarili ko.
Ayaw ko nang humingi pa ng tulong kina Tito Ed. They've helped a lot. Siguro oras narin para maghanap ako ng tirahan at bumukod.
I checked my phone again for notifications. There's nothing in there.
Nakita kong may paparating na lalake sa aking daanan. I tried to dismiss it. Pero bago pa ako makatayo at iwan ang inumin ko doon ay naka-abot na ito sa banda ko.
"Hi! Can I ask for your number?" tanong niya at napakamot sa ulo.
Matangkad ito at medyo bakat dahil sa suot nitong button down shirt ang matipuno nitong katawan. My eyes were fixed on his face. He smiled and his dimples showed. Pamilyar ang kanyang mukha, hindi ko nga lang maalala kung saan kami nagkita. He blushed. Para itong kamatis kung tignan.
Natawa ako. Inabot niya sa akin ang kanyang cellphone.
Unang bumungad sa akin ang larawan ko. I'm his locksreen! Nagtaas ako ng kilay.
Damn!
"I'm s-sorry for that." Dali dali niyang inagaw ang kanyang telepono sa akin at siya na rin ang nagclick sa phone book na app nito.
Natawa ulit ako.
"It's okay..." I smiled. Habang nagtitipa ako ng numero ko ay hindi ko na rin mapigilan ang sarili na punahin ito. He looks great. Not just great, actually. Wearing a pair of khaki shorts and long sleeves, he looks more like a soft boy 'yung tipong gugustuhin ng mga magulang mo para sayo. May taong sumagi sa isipan ko.
God! Nahihibang na ba ako nito?
Tumuwid ito ng pagkatayo. Wala nang bakante pang upuan at mukhang hindi narin ito nag-abala pa na kumuha ng isa dahil hindi rin naman ito magtatagal.
"Ba't ka nga pala nagpunta dito?" tanong niya.
I straightened up. Tumikhim rin ako.
"I'm sorry if I sound so talkative," dagdag nito bago pa ako makasagot.