Kabanata 1
Kapatid
Sobrang init ngayong araw na toh kumpara sa nakaraang nagdaang araw. Balita ko dahil daw sa La Nina. Pinunasan ko ang pawis na tumutulo sa aking noo. Ramdam na ramdam ko ang sakit na nanunuot sa aking balat. Ang uhaw!
"May tubig ka ba?" Tanong ni Ryan, isa sa mga kaklase ko.
I shook my head instantly. Hindi ko alam kung dapat ba akong mandiri sa tanong niya. I don't share my water bottle kahit kanino lalo na sa mga lalake.
"Ah, okay," aniya at umalis.
Hindi ko muna ginalaw ang lalagyan ko baka kasi may makakita at hingan pa ako.
Nagsidatingan ang iba kong mga kaklase galing CR at ang iba ay basa parin ng pawis.
"I'm so tired! Ba't ang laki pa kasi ng campus!" reklamo ng iba.
Inayos ko ang mga notebook ko pati na rin ang pencil case ko. Break namin ngayon at galing pa kami nag-PE. Pinagpapawisan ang lahat dahil nilibot namin ang whole quadrangle.
Pinusod ko rin ang aking buhok at tinali 'yun ng maayos.
"Sama ka?" Si Drei. Nakapagbihis na siya samantalang ako naman ay ang pang-itaas lang lang
Tumango ako. Ginilid ko ang paningin para sana hanapin si Ayana kaso baka sumama 'yun sa kanyang jowa.
"Sa'n si Ayana? Hihintayin pa ba natin siya?" tanong ko.
Nagkibit-balikat si Drei, walang alam din.
"I don't know. Baka nagbihis?"
I nodded.
Saktong paglabas namin ay bumungad sa amin si Ayana na nakabihis na ng uniporme. Her hair is already tied and fixed, too, just like mine.
Kumurap kurap siya.
"Oh? Lunch break na pala—"
"Oo. Wala daw kasi ma'am Castiño. Mabuti na lang talaga at wala siya kundi zero na naman ako nito sa kanyang pasulit," si Drei at humagikhik.
"Talaga?" si Ayana at pumalakpak pa.
Ako naman ay nanghihinayang. I studied so well kagabi at pinaghandaan ko 'yun nang maigi but oh well...
Medyo advance ang topics namin kumpara sa ibang section. At sa amin din sila minsan kumukuha ng contestant para sa mga paligsahan kaya gusto ko magpapansin kay ma'am.
"Tara na guys? Baka maunahan na naman tayo ng seniors. Ang taas pa naman ng pila pag break din nila..." litaniya ni Drei.
Humalakhak ako at nagsimula naring maglakad.
Pagdating namin sa Canteen ay wala pang masyadong tao. Mga kaklase lang namin. Ang ibang section ay wala rin.
Luminga linga ako.
Tinapik ako ni Drei at bumaba ang kanyang tingin sa aking wallet. "May bente ka ba diyan, Lil?"
I smiled at kumukaha kaagad ng bente.
Tumawa si Alyana at umiling iling.
"Ano?" Si Drei, nagtataka.
Kumunot din ang noo ko. Hindi ko alam kung anong nakakatawa dun.
"Palagi ka nalang umuutang! Eh hindi mo pa nga nababayaran si Lil sa mga utang mo noong nakaraan!" Tawa niya.
"Hindi ko naman siya sinisingil kaya okay lang!"