Chapter 11 - The New Guy

982 29 10
                                    

Nagbakasyon ako, sinulit ko pagkaabsent ko sa school. hohohoho. :)

ANG DAMI KONG NAMISS. 

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kay:

After lang naman ng sobrang madramang araw kahapon, dumating naman ang sobrang nakakatamad na Monday. Ayoko talaga ng Mondays sa lahat. May mahabang flag ceremony pa lagi tapos ang daming tao nagmamadali sa mga sakayan ng jeep at tren, nakikipaggitgitan pa at nang-iipit. Feeling mo mamatay sila pag late na sila ng konting minuto pero kahit ganuon hindi ako badtrip ngayon. Ewan ko ba kung bakit.

"Oi babae, ano ba nginingiti mo dyan?" hampas sakin ng napakabait ko lang namang kaibigan.

 "Ah Grace Good Morning! Anong nginingiti? Hindi nga ako masaya ee. Bad mood nga ako kasi Monday ngayon." was I smiling? Grabe ah. Hindi ko alam mismo sa sarili ko na ngumingiti na pala ako. 

"Ganyanan ah, sige pagdamot mo pa. Mamaya patay ka sakin pag tapos na ang flag ceremony. Ilalantad mo pa sa akin lahat ng nangyari." Di na naman ako makakatakas nito. Ayoko ikwento sa kahit kanino ang nangyari especially kahapon kasi err, pano ko ba iexxplain. ewan ko ba.

As usual, mahaba na naman ang speech ng principal namin. Sobrang inaantok ako ngayon. Di ako masyadong nakatulog kahapon. Matutulog nalang ako saglit sa homeroom. Wala naman siguro important na announcements. \(-_-)/

Dumiretso ako kaagad ng classroom at natulog, naririnig ko pa may sinasabi si Ma'am Armas na kung ano-ano pero hindi ko na nga ito pinansin at siguro naman hindi ako masisita at mapapagalitan kasi nasa likuran yung upuan ko kaya hindi ganun kavisible sa mata.

ZZzzzz... (-_-)

ZZzzzz... (-_-)

ZZzzzz... (-_-) *pokes*

ZZzzzz... (-_-) *pokes*

ZZzzzz... (-_-) *pokes*

ZZzzzz... (-_-) *pokes*

ZZzzzz...(╬◣_◢) *pokes*

ERRRR! SINO BA YUNG NANGGAGALABIT?! 10 MINUTES PALANG AKO YATA NAKAKATULOG  EE!

"If you want to sleep, then go home. This is not a place for you to be sleeping at in the first place." tinayo ko ang ulo ko sa pagkakadukmo at nakita ko may isang lalaki na nakatayo sa harap ng desk ko. His face was very familiar.

"huh? (O.O) YOU! ..........THAT IRRITATING GUY THE OTHER DAY! BAKIT KA NANDITO?!" napatayo ako bigla kasi yung lalaki na namwisit sakin nung isang araw habang paputang rooftop nandito ngayon sa school ko, sa loob ng highschool department, at currently nasa loob ng classroom at section ko?!

"because this is the school where I'll study from now on. Halata naman siguro sa uniform na suot ko ngayon no?" at umupo siya at linapag ang gamit niya sa vacant seat na  katabi ng upuan  ko.

"WHAT?!" my goodness... 

"Tulog ka kasi ng tulog." pabulong niyang pagkasabi.

"Ehem, Ms. Lazaro. Could you please lower you voice? It seems na kilala mo ang transferee ng class natin. It would be a big help if you temporarily assist him of his needs and do please tour him of the school grounds." sabi ng homeroom adviser namin.

"But Ma'am..." hindi ako payag tulungan tong weirdo na to. 

"Thank you Ma'am, it would be great if Ms. Lazaro will accompany me for a while" singit agad niya.

"Take your seat Ms. Lazaro, homeroom will soon end. Alam niyo na lahat ng upcoming events ng school nating. I'll take my leave" at umalis na nga yung teacher namin. 

I don't have a thing for this guy.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon