Sino yung kasama ko?

3K 69 42
                                    

October 31, 2012

Ako to si Maria, Mahaba ang buhok ko, hanggang baywang. 23 years old. Kinulong sa loob ng isang Cabinet ng limang araw. Natagpuang patay at duguan, nakabukas ang mata.. iniwan ako ng magulang ko. inabanduna nila ang katawan ko at binigay sa isang eskwelahan. Nabaliw ang kaluluwa ko.. kaya kung ayaw mo kong makita mamayang 1:01am, ipasa mo to sa sampung tao. wag mo tong baliwalain. May nawala ng mga tao dahil hindi nila pinasa tong sulat kong to.. Ang pagkakaalam ko.. Hindi na nila kinayang makita ang kaluluwa ko kaya nagpakamatay sila.. at sumama na sa akin..

Wag mo tong baliwalain.

"There's no second Chance.. I'll haunt you until the end" 

Ang weird na naman ng mga nababasa ko sa facebook. Ayoko na -.-

"Ate, kumain ka na ba?"

"Hindi pa. Dadating nga pala mamaya yung boyfriend ko, baka dun muna ako matulog sakanila. ikaw na bahala dito ha?"

"Sige ate"

"Mag ingat ka dito, wag mong bubuksan yung cabinet sa room ko okay?" 

Andito ako sa condominium ng ate ko sa Manila, dito na kasi ako mag -aaral. Before, nakakausap ko naman si ate sa phone nung nasa province pa ako pero matagal na yun siguro months ago pa kaya ngayon ko lang talaga na realize na nagbago ang ate ko. Hindi naman sya ganito dati eh, parang sobrang cold nya na sakin. Hindi na sya katulad nung dati na nakikipag kwentuhan muna sakin bago kami matulog, nakikipag harutan, magkasamang namimili ng mga gamit sa malls, yung mga ginagawa ng mga magkapatid.

Siguro kasi may boyfriend na sya or baka ganito lang talaga sa Manila. 

Kagabi lang ako dumating dito and yan agad yung una niyang sinabi sakin yung darating ang boyfriend niya at dun sya matutulog. Okay lang naman sakin na mag isa ako dito ang sakin lang, baka mapagalitan siya ni mama lalo na't hindi alam ni mama na may boyfriend siya.

Bali nagkahiwalay kami ng kwarto ni ate, ayaw nya daw kasi na may kasama siya sa kwarto niya kaya pumayag na rin ako kahit natatakot ako. First year college pa lang ako sa pasukan kaya medyo scaredy cat pa ang tingin sakin ng karamihan. Buti nga pinayagan ako ng parents namin na mag study dito sa Manila, malayo pa kasi yung pinang galingan ko.

Ang weird nga ng condo unit ni ate eh walang calendar, walang bilog na orasan puro digital lang tapos may white na tela yung salamin. Kaya pag mag sasalamin ka, kailangan mo pang itabig yung tela. 

Oo nga pala, kagabi nung dumating ako, pinagtitinginan ako nung mga tao sa labas bago ako makapasok dito sa condo unit ni ate. Ewan ko ba, siguro curious lang sila? mga chismosa.

Pumasok ako sa room ni ate para tingnan yung design ng kwarto niya, mahilig kasi talaga mag design si ate eh kaya for sure maganda tong room niya.

Hindi man ako ma-------

Wait, may laptop pala dito eh! Sobrang tago siya pero buti na lang nakita ko! Facebook, twitter, tumblr here i co--

1:01am -Yunis2oTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon