Picture Frame

10 0 0
                                    

*UNO---*



I felt a little pain inside my head when I woke up from slumber. I later realized what happened earlier that I passed out.

"Hey! Gising ka na pala? You got unconsious pagdating natin kanina e" Sabi ni Avah habang papalapit sakin na may dalang tray na may mga pagkain

I took a glance at the wall clock, to my surprise it's already 8 in the evening. Ganun ba 'ko katagal na nawalan ng malay?

"Hmm.. yeah. And I'm sorry 'bout that. Pagod lang siguro ako sa byahe kaya ganun."

I look around the room, it's kinda familiar to me but I can't really remember that I already went here before. Even the whole house. Yes, I know na dito nga kami nakatira dati pero I can't really remember any single memory.

"Avah, who's room is this?" Tanong ko kay Avah na nakaupo sa sofa.

"Hmm.. Uno, it's your room before. Honestly, while your sleeping earlier I called your dad. I found out na alam mo na pala kaya ka andito. But I want to say sorry kase I can't tell you too kung ano yung alam ko kahit gustong-gusto ko na sabihin sa'yo kase it's too complicated now. I want you to remember them in your own. Don't worry, sa school natin makikilala mo sila." She said and give me a smile of assurance that everything will be okay in time.

Napatango na lang at napangiti ako. Naiintindihan ko at gusto ko rin naman na kusang ako ang makaalala sa nakaraan ko. Ginusto ko naman 'to, ako ang naglagay sa sarili ko sa sitwasyong to kase gusto kong malaman ang lahat ng itinago sakin ng parents ko sa matagal na panahon.

"Uno, kung ano man yang iniisip mo.. you better cut it out muna. Kumain ka na dyan. Kase panigurado gutom ka na. Uuwi na muna ako samin. Sila manang muna ang bahala sayo. Don't worry kilala ka nila."

"Sige. Salamat sa pagsundo sakin kahit na pinaghintay mo ko, bitch!" Pabiro kong paalam sa kanya.

"Siraulo! Pero bago makalimutan, susunduin na lang pala kita bukas. Para makapunta ka sa school bukas. Di pa pala kase totally ayos yung school papers mo sabi ni Tito kanina. Bye!"

Tumango-tango naman ako sa kanya at kumaway bilang paalam.

Pagkatapos kong kumain pumasok lang ako sa cr para maglinis ng katawan at magbihis na rin ng pangtulog. After that kumuha ako ng sigarilyo na nasa bag ko at pumunta ako sa terrace ng kwarto ko. I have a bad habit na everytime that I feel stress, nagsisigarilyo ako. Iniisip ko kase na kasabay ng pagbuga ko sa usok ng sigarilyo marahil ay kasabay din nito yung lungkot at problema na nararamdaman ko.

Bumalik na ako sa loob ng kwarto ko para matulog dahil panigurado maaga babalik si Avah para sa school bukas, pero something caught my attention. A picture frame na kagaya nung picture na nasa scrapbook. Sino kaya dito si Dos?













Nagising ako sa katok na nanggagaling sa labas ng kwarto ko.

"Maam Calix, gising na daw po kayo sabi ni Ms. Avah. Malapit na raw po siya." Sabi ng boses na galing sa labas.

"Sige po salamat." Sabi ko habang papungas pungas pa. Hindi ko na namalayan kung anong oras na ba ako nakatulog kagabi dahil sa mga pag-iisip ko.

Bumangon na ako at dumiretso sa cr para maligo at mag-ayos. Pumili lang ako ng damit na comfortable ako at naayon na din sa temperature dito. Pagkatapos ko naman ay bumaba na rin ako para makapag-almusal ako bago umalis.

"Hey, bitch! Andito ka na pala." Bati ko kay Avah na kakapasok lang ng pintuan.

"Hindi. Hologram lang ako and wow naman! Wala man lang goodmorning ha" Pairap nyang sabi.

"Nga pala, ipapakilala ko sayo sila Manang. Alam ko di mo sila naaalala pero sobrang importante din nila sayo. Tara na sa kusina baka andon sila" Pahabol nya sabay hatak sakin papunta sa kitchen.

Naabutan namin ang tatlong babae na abala sa pag-aayos ng dining table. Isang nasa 60 yrs. old na ata at yung dalawa ay nasa 35-40 yrs. old naman. Bat ang daming pagkain? Almusal pa lang naman ah?

"Oh! Uno, halika na dito kain ka na. Pinaluto ko lahat ng paborito mong pagkain." Sabi ng pinakamatanda sa tatlo

Pilit naman akong napangiti sa kanya.

"Pasensya ka na, hindi mo nga pala ako natatandaan. Ako si Manang Luz, ang pinakamatandang kasambahay nyo dito. Ito naman si Maria at Sela." She said while genuinely smiling at me.

"And take note, cous. Si Manang Luz din yung nag-aalaga satin when we were kids. Pero ikaw pinakapaborito nya" Napatingin naman ako kay manang bigla na hanggang ngayon ay nakangiti pa rin.

"Namiss kita ng sobra, iha. Tatlong taon din kitang hindi nakita." Sabi nya habang naluluha-luha na. I don't know what's got inside me to smile genuinely to her and bigla kong nasabi na "Namiss ko rin po kayo."

"Hay naku! tama na nga ang drama. Kumain na kayong dalawa baka mahuli kayo sa eskwela."


We happily finished the food and ang dami ko ring narinig na magagandang kwento galing kay Manang Luz. Unti-unti siguro matatapos ko rin yung ipinunta ko dito. Masasagot din lahat ng tanong ko sa sarili ko.

"Manang, alis na kami ni Uno. Hatid ko na lang sya mamaya pagkatapos. Thank you sa food." Paalam ni Avah

"Osige mga iha, mag-iingat kayo ha. Ingatan mo yang alaga ko kung hindi, hindi na kita papakainin ng mga luto ko."

Natawa naman ako bigla sa sinabi ni Manang. Mahal nga talaga nila ako.

"Wag naman ganon manang. Iingatan ko to kahit mas bakulaw pa to sakin."

Pagkatapos ng pagpapalaman namin ay sumakay na kami sa kotse ni Avah. "Are you ready, cous?" tanong ni Avah habang pinapaandar nya ang sasakyan.

"Hmm.. yeah. I'm ready. Let's go!" Alanganin kong sagot. Kinakabahan ako na naeexcite sa totoo lang. Hindi ko alam kung ano bang mangyayare sa pagsisimula ko sa paghahanap ng mga sagot.

E M P T Y S P A C EWhere stories live. Discover now