This short story is very close to me. In fact, I am in love with the characters here. Masyado kasing melodramatic (LOLZ). I actually shed some tears while writing the last part. I do hope you enjoy this literary piece as much as I do. –ELIXIR
DISCLAIMER:
This short story is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are the product of the author’s imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events, locales, or persons, living or dead, is coincidental.
Copyright©2012 Patiently Wait You in Heaven by Elixir John
All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, distributed or transmitted in any form or by any means, or stored in a database or retrieval system, without the prior written permission of the author
PATIENTLY WAIT YOU IN HEAVEN
YPROLOGUEY
Ala una na ng madaling araw at nasa Nurses’ station ako. Katatapos lang naming mag-ikot para tignan ang mga pasyente sa kani-kanilang kwarto. Nakatitig ako sa Bulletin Board at binasa ang mga nakapaskil doon. Ilang beses ko na itong ginagawa; sa sobrang dami ay kaya ko nang sabihin ang mga nakasulat doon kahit na papikitin pa ako. Wala akong magagawa dahil wala naman akong magawa. Nabaling ang atensyon ko sa radyo na halos katabi ko; tumutugtog to ngayon ng nakakabagot na awitin. Napabuntong-hininga lang ako.
And I know you’re shining down on me from heaven
like so many friends we lost along the way…
Ang pagkanta ni Mariah at Boyz2men ng awiting One Sweet day. Magaling, magaling, magaling! Isang awiting pampatay sa ospital. Hindi nakakatuwa. “Shit”
“Hoy, Sean” ang tawag sa akin ng kapwa kong nurse na si Maricar. “Bakit ka nagmumura diyan?”
“Paano ba naman kasi yang kanta; nakakakilabot” ang pagpapaliwanag ko sa kanya. Tumaas ang kilay niya.
“Magtiis ka, alangan namang magpatugtug tayo ng Lady Gaga sa hating-gabi. Ano to bar?” ang sarkastiko niyang tugon sa pagrereklamo ko sa napakaliit na bagay. Muli kong ibinalik ang atensyon ko sa bulletin board sa harap ko. Kung nakakalusaw lang ang tingin, malamang naging tubig na ito.
And I know eventually we’ll be together
One sweet day”
Ang pagpapatuloy ni Mariah. Waring gusto akong inisin sa pakulot-kulot ng kanyang boses. Tinakpan ko ang aking tenga para hindi na mapakinggan ang salot na kantang yun sa hindi tamang oras at hindi tamang lugar. Anong susunod? Di Kita Malilimutan? Nasa paggawa ako ng mga kastilyo sa hangin nang may bumatok sa akin. Napalingon ako at nahuli si Maricar na Binaba ang kamay. “Tangina naman, bakit ka nambabatok?”