Prologue

518 65 38
                                    

This is a work of fiction, names, character, business, places, events, and incident are either the products of the authors imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance
to actual persons, living or dead , or actual events is purely coincidental

Do not distribute, publish, transmit modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way please obtain permission.

READ AT YOUR OWN RISK

Hi I'm Jcatzx, the one who loves the characters in my story so if you don't like them. You can skip it and find another story.

And just a reminder that this story is not as perfect as the others. So please bear with my grammatical errors, or whatever errors you will be encounter.

And NOW!

Enjoy reading loves!

Keep safe always and Let's read it together!

____________________

PROLOGUE

Tumakbo lang ako nang tumakbo. Lumingon ako sa likuran ng makita ko sinusundan pa rin niya ako.

Hindi ko makita ang mukha niya dahil sa dilim.

Hanggang sa may nahanap ako pwedeng matataguan ng bigla ito nagpaputok ng baril.

Napapikit ako at tinakpan ang tenga. Nanginginig n rin ako sa takot na baka mahuli niya ako. Sa sobrang takot ko ay parang naiiyak ako, pero kailangan kong maging alerto. Lalo na sa sitwasyon ngayon.

Sino ba kasi siya?

Bakit niya ako sinusundan?

Papatayin niya ako. Yun ang sinisigurado ko kaya kailangan ko mailigtas ang sarili ko.

Mas lalo ako kinabahan na makita ko ang anino niya malapit sa pinagtataguan ko. Nanginginig na rin ako sa takot. Hindi ko na din kasi alam anong gagawin. Masyaso na ako'ng pinanghihinaan ng loob ngayon.

Ayaw ko pa mamatay sa walang kwentang dahilan. Muli ko nakita ang anino niya na humahakbang papalapit mula sa pinangtataguan ko.

Alam ba niya nandito ako?

"Lumabas ka na dahil hindi ka makakatakas pa ng buhay!" pananakot niya saakin.

Yung boses niya...

Naging mas matindi ang kaba nararamdaman ko, dahil iniisip ko wala na ata akong matatakasan pa.

Ano ba naging kasalanan ko sakanya para gawin niya to saakin?

Bakit niya ako gustong patayin?

Napahawak agad ako sa bibig ko na muntik na akong makagawa ng ingay,  sa biglaan niya'ng pagputok ng baril.

Wala akong laban. Iyon lang ang tangi kong naiisip ngayon sa mga oras na ito.

Ni isa wala akong mapang gagamitan na pwede kong ipanglaban sakanya,  mahirap din kalabanin ang taong may armas... lalo na baril ang hawak.

Hindi patas!

Kung meron rin akong baril handa ako makipag barilan sakanya. Kaso wala, naibaling ulit ang atensyon ko sakanya na mag salita siya.

"Inuubos mo talaga ang pasensya ko babae ka. Tangina mo lumabas kana dahil hindi ako nakikipag taguan sayo!"

Kung kanina, natatakot ako dahil nadala ako sa takot. Pero ngayon, parang may tumutulak saakin na lumaban sakanya kahit may baril.

Dahil wala naman akong pagpipilian pa, kaya naman hanggang may lakas loob ako ay dahan dahan na ako tumayo mula sa tinataguan ko. Kung hindi ako kikilos, baka talaga tuluyan na ako mawala sa mundong ito.

Tinignan ko kung nasaan ang lalaki sumusunod saakin. Mula dito, nakita ko nakatalikod pa 'to saakin, papunta siya sa unahan ng pinagtataguan ko. Kaya naisipan ko lumabas na walang kahit ano man ingay at agad ako pumunta sa kabilang sulok na hindi makikita ang anino ko, para agad ko siya matakasan.

Hinahanap niya pa 'rin ako sa mga liblib na sulok, agad ako tumago sa isang sulok na makita ko siya'ng nag lakad papunta kanina sa pinagtataguan ko.

Muntikan na ako!

Nang makompirma niya na wala ako doon ay nagpatuloy siya humanap saakin. Natatanaw ko na papalapit na siya sa sulok na pinagtataguan ko ngayon.

Isinantabi ko muna ang nararamdaman kong takot at inihanda ang natitirang lakas, para sipain ang kamay niya dahilan kung bakit nabitawan niya ang hawak nya'ng baril.

Nakita ko kung paano siya nagulat sa ginawa ko at sa pagkakataon na iyon agad ako tumakbo papunta sa baril, at nang nasa kamay ko na ito. Agad ko 'yon itinutok sakanya.

Kung kanina halos manginig ang buong katawan ko sa nerbyos at takot, pero ngayon halos gusto ko na siya barilin dahil sa galit na nararamdaman ko.

Matalim ko siyang tinignan habang mahigpit ang pagkakahawak ko sa baril.

"Gago ka! Ngayon sabihin mo kung sino ang hindi makakatakas ng buhay ngayon! "

Mas lalo ako nainis sakanya na marinig ko ang nakakairita niyang tawa. Nakikita ko sakanya na wala man lang 'tong takot na kahit may hawak na akong baril ngayon.

"Ang galing mo 'don, " sarkastiko niya sabi.

Nakaupo pa rin siya ngayon dahil sa pagkakasipa ko sakanya. Na hindi ko pa rin makita ang buong pagmumukha niya.

Sa oras na ito ay nakahinga ako ng maluwag, pero hindi ko iyon ipinahalata sakanya.

You need to be calm

Naalala ko ang sinabi niya kaya iyon ang ginawa ko, mabuti at naturuan ako sa mga ganitong paraan.

"Sino ka?" mahinahon kong tanong.

"Gusto mo ba malaman kung sino ako?"

Dahan dahan naman siya tumayo habang tumatawa na parang baliw.

Iniisa-isa niya na hinubad ang nakabalot sa mukha niya. Kinakabahan ako. Dahil parang pamilyar siya saakin lalo na 'yung boses niya.

Matapos niya hubarin ang kopya isinunod naman nya ang kanyang itim na mask.

Hindi ako makagalaw sa mismong kinakatayuan dahil sa gulat ng makita ko kung sino ang nasa harapan ko.

Hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko siya. Napatanto ko na siya pala ang tao na gustong pumatay saakin, at ang taong sumusunod saakin.

Sa lahat ng tao na pwede ko makita bakit siya pa?

"Bakit?" hindi ko makapaniwalang tanong sakanya. "Bakit ikaw?"

Humalakhak lamang siya parang demonyo. Pagkakaalam ko hindi siya ganito'ng tao.

Hindi...

"Suprise?"

Pagkatapos niyang sabihin iyon isang putok na baril lamang ang narinig ko.

When She FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon