ANYA POV
"Parang bitin 'yung day-off mo ah?"
Inangat ko naman ang tingin kay Ferlyn, "Sinabi mo pa," nakanguso
ko'ng sabi dahil tama naman siya.
Nabitin naman talaga ako sa day-off ko kahapon parang gusto ko lang matulog maghapon eh.
"Halata nga sayo, gusto mo ba magkape muna?" pag aalok niya saakin.
"Sige. " tumayo naman ako at saka kami sabay lumabas ng opisina. Mamaya pa siguro matatapos yung meeting.
"Miss isang Cafe Americano and----ano sayo Anya?"
Tingnan ko naman ang menu at nakita ko 'dun ang pinakapaborito ko.
"Hmm. Eto nalang hot chocolate. "
"Hindi ka talaga nagbabago."
Bahagya naman tumawa si Ferlyn at may binulong na hindi ko naman narinig. May nakakatawa ba?
Pagkakuha namin ng orders agad kami naghanap ng mauupuan.
"Kamusta naman ang pagiging Personal Assistant?" nakangiti sabi niya saakin.
"Okay lang naman nakapag adjust na ako." sagot ko naman sakanya.
"About kay Sir?"
"Okay lang 'din, mabait pala siya minsan pero mas nangingibabaw talaga' yung pagiging masungit niya," natatawa ko pa sabi at nagpatuloy.
"Saka alam mo ba sa tuwing nagsusungit siya nakikita ko lang sakanya si majimbo, hindi ko maintindihan bakit mainitin ang ulo 'nun. Gwapo pa naman siya at saka-----"
Napahinto ako dahil nakita ko kung paano namutla ang mukha ni Ferlyn na animo'y may nakakatakot sa likuran ko.
"Ah.. Anya. "
"Pffft"
Bigla ako napalingon sa likuran na may marinig ako'ng maliliit na tawa.
BINABASA MO ANG
When She Found
AksiyonAnya Guerero and her sister have been orphans, so Anya has the responsibility to be a mother to her sister to support her needs. Unexpectedly, she was hired as a Personal Assisstant of the intense, breathtaking, and heart-fluttering appearance of Da...