Chapter 2

19 0 0
                                    

Nandito na kami ngayon ni Lola sa probinsya. As usual, nagsidatingan ang mga amigas ni Lola.

"Malaki na pala ito si Amelia, Vicky. Pwede na itong magkanobyo. Ipapakilala kita sa apo ko na nasa London," sabi ni Lola Marge kay Lola at tumingin sa akin. NagbiBible study sila ngayon sa sala. 

"Bawal pa magkanobyo si Amelia. Alam niya yun. Pag-aaral muna bago pag-ibig. Kaya Marge, wag mo munang ipakilala yang apo mo," sabi ni Lola.

Nagtawanan sila at ako naman ay ngumiti at binasa ulit ang Bibliya.

Oo, nga pala. Hindi alam ni Lola na may nagmamay-ari na ng puso ko. Natakot akong sabihin sa kanya kasi nga strikta. Ayaw niya na matulad ako kina mama at papa. Ikwekwento ko nalang sa inyo sa ibang time.

Pagkatapos ng Bible study ay pumunta sina Lola sa hardin para makapag-tsaa. Nagpaalam ako na pupunta ako sa burol para magpaint pero ang totoo niyan ay nagbabasakali na magpapakita si Aiden doon.

Sa may burol kasi kami nagkakilala. Ako nagpapainting at siya naman kumukuha ng litrato. 

Napangiti ako habang naalala ko iyong time na nagmeet ang aming mga mata. Sana talaga makita ko ulit siya.

Nabitawan ko ang aking easel nang nakita ko ang pamilyar na likod.

Totoo ba ito? Sabi ko sa sarili kon habang nagbabanta na tumulo ang luha sa mga mata ko.

Nang lumingon siya sa direksyon ko, hindi ko mapigilan ang sarili ko na kumaripas ng takbo patungo sa kanya. Itinapon ko ang aking sarili at niyakap siya ng mahigpit.

"Aiden!" sabi ko na mangiyak-ngiyak. Kinuha niya ang kamay ko at kumalas siya sa aking yakap.

"Sorry pero...sino ka?" tanong niya na nakakunot ang noo. Halos magdugtong ang kanyang kilay dahil sa pagkalito.

Natigil ako sa aking pag-iyak at napalitan ng gulat at lungkot ang kasiyahan na nadama ko ilang minuto ang nakalipas.

"Hin-di mo ako kilala?" tanong ko sa kanya.

"Sorry, pero hindi eh." sabi niya na walang pag-alinlangan.

"Aiden, hindi ito nakakatuwa." sabi ko.

"Miss, pasensya na pero hindi talaga kita kilala. Bakit alam mo ang pangalan ko?"

"Kasi kilala kita at kilala mo ako." sabi ko, tumulo naman ang luha sa mata ko.

Natahimik siya. Tiningnan lang niya ako.

"Anong pangalan mo?" tanong niya sa akin pagkatpos ng ilang minutong katahimikan.

"Hera, Hera Amelia. Hindi ba pamilyar ang pangalan ko?" 

Kumunot ulit ang noo niya , baka maalala na niya.

"Sorry pero hindi talaga."

Hindi ito maari. May amnesia kaya siya? Yun lang ang  makakapaliwanag kung bakit hindi niya ako maalala. Alam ko tatlong taon kami hindi nagkita, pero mas pipiliin ko pa yung hindi kami magkita pero naalala pa niya ako kaysa ngayon na nasa harap ko na siya pero kahit pangalan ko ay hindi niya maalala.

"May tanong ako..." sabi ko sa kanya.

"Ano yun?"

"May nangyari ba sa iyo sa nakaraang tatlong taon? Naaksidente or ano..." 

"Wala naman." sagot niya.

So bakit hindi niya ako maalala? Aiden anong nangyari sa iyo?

Habang akoay nakapako sa kinatatayuan ko, lumakad siya palapit sa akin at kinuha ang paintbook at easel ko na nalaglag.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Forgotten PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon