Chapter II

34 3 0
                                    

"Vatria Furiosinto!" Sigaw ko ng malakas and a ball of fire suddenly emerged out of nowhere and consumed the cluster of leaf into nothingness.

Napangiti ako ng makitang nag improve ang power nung spell na ginamit ko. Dati maliit lang ang na cre-create na apoy pero ngayon malaki-laki na.

Ilang araw na ang nakalipas ng makadating kami dito sa City of Lagsimana nina Jeriel at ang tatay nito na si tito Ariel. Napakalaki nitong siyudad at kung ikukumpara sa bayan namin ay parang isang distrito lamang ng siyudad na ito ang bayan namin.

Kasalukuyan akong nasa gubat, sa labas ng siyudad para mag practice dahil bawal ang paggamit ng mahika ng mga minor de edad na kagaya ko sa loob ng siyudad. Si tito Ariel naman at si Jeriel ay naggagala at nag sa sightseeing sa Lagsimana.

"Mag ta-try out ka din ba para sa Lugsinns?"

Napalingon ako sa gulat ng may biglang nagsalita. May isang lalaki na papalapit sakin na hindi ko man lang napansin. Magarbo ang kasuotan nito at napaka linis tignan. Ang mga mata nito'y kulay abo kagaya ng buhok nito. Sa itsura pa lang ay halatang anak ng isang mayaman at Ilustradong pamilya.

Medyo naging alerto ako dahil hindi ko alam kung anong pakay nito sa paglapit sakin lalo na't sa isang tingin pa lang ay halatang galing sa isang Ilustrado na pamilya. "Sino ka at anong kailangan mo sakin" mapanuring sabi ko dito.

"I mean no harm. No need to be alerted" nakangiting sabi nito.

"Well I didn't asked you that didn't I? Ang sabi ko sino ka."

"Ako si ken. Kenedrick Ajet." pakilala nito sa sarili at sabay lahad ng kamay niya.

I reluctantly accepted his hand as I introduced myself "Kahel. Kahel Peixoto. Para sa tanong mo kanina, oo I'm trying out for Lugsinns Academy." Mukha namang walang balak na masama si Ken at gusto lang talagang makipag kaibigan.

Akala ko mga arogante at mababa ang tingin ng mga ilustrado sa mga kagaya ko na isang hamak na commoner lamang pero meron din naman palang mababait at hindi mababa ang tingin samin.

I nodded at him, senyas na ipagpapatuloy ko na ang naudlot kong ginagawa dahil sa pang-iistorbo niya.

"uhhhm..."

Napatigil ulit ako sa ginagawa ko. Ano pang kailangan niya?

"Would you mind if I join you"? Awkward nitong tanong at halatang nahihiya.

Medyo nagulat ako dahil sa sinabi niya. Yung sa pagka-kaibigan medyo hindi na nga kapanipaniwala, ito pa kaya? Sa pagkakaalam ko bata pa lang ang mga ilustrado ay nag tra-training na ang mga ito at ang nagtuturo pa sa mga ito ay kilala at magagaling na sorcerers.

Isinantabi ko na lang ang mga nasa isip ko't pumayag dito. Hindi na ako nagulat ng nilabas ni Ken ang magic wand niya sapagkat kita naman agad na sa mayamang pamilya ito nanggaling.

Aaminin ko na medyo nakakainggit. Ang mahal ng magic wand, kahit na yung pinaka mura pa ang bibilhin. Di naman nakakapagtaka dahil kaya nitong palakasin ang mga spells ng isang sorcerer at ang mga kinakailangan na sangkap para gawin ito ay mahirap din makita.

"Gusto mong i-try?"

Inabot sakin ni Ken ang magic wand niya. Napansin ata nito na nakatitig ako sa hawak niya. I nodded at him at dahan dahan na inabot ang hawak niyang magic wand.

First time kong makahawak nito at ang lakas ng tibok ng puso ko. Tinignan ko ulit si Ken to make sure na totoong pinapahiram niya sakin ito. Tinanguhan ako nito.

itinapat ko ang magic wand sa isang puno sabay sigaw ng "Vatria Furiosinto!"

Nagulat ako dahil sa laki ng apoy na lumitaw. Siguro mga 4 times ng laki kaysa kanina. Mabilis na nasunog ang mga dahon nito at unti-unting tinutupok ang kabuuan ng puno.

"Wow" pambihirang saad ko sa sarili ko. Hindi ako makapaniwala na ganun pala ang epekto ng magic wand. Napaka laki ng contrast pag may wand at wala.

"Aguaculus"

A downpour of water appeared at the top of the tree and extinguished the fire immediately.

Iba pala talaga pag Ilustrado. Maski walang wand napaka lakas pa rin ng kapangyarihan nila. Maski hindi ko na tignan kung sino yung gumawa nun alam na naman na si Ken ito.

Parang ang liit ko tuloy. Alam ko naman na hindi ako ganun kagalingan at kalakas. Nagagawa ko lang ang mga kaya ko ngayon dahil pinag hirapan ko ito.
Hindi ko na lang pinansin ang mga nasa isip ko, basta't stay positive lang maa-achieve ko din balang araw ang mga pangarap ko. Tinaas ko na ang ulo ko't nakangiting hinarap si Ken.

"Agacalus? Pwede mo ba akong turuan nun?" Hopeful na tanong ko dito.

"It's not Agacalus. Aguaculus yon. Oo nam-"

Naputol ang sasabihin nito ng biglang may malakas na hangin na umihip.

"Ang bahay koooo!"

Ahhh, Napatakip ako sa tenga ko dahil sa napakalakas na tili na inilabas ng isang babae na kasulukuyang nasa harapan ng puno na pinag praktisan namin ni Ken.

Natakot ako ng bigla itong humarap samin at nanlilisik ang mga mata. Kulay itim ang buhok nito at napaka puti. Isang tingin mo palang ay mahuhumalig ka na agad.

"Ang ganda niya" wala sa isip na sabi ko. Unti-unti itong lumalapit sa'kin at sa bawat hakbang nito'y kumakabog ng malakas ang puso ko.

"Kahel! Snap out of this!" Biglang harang ni Ken sa harapan ko at sinampal ako.

"A-Anong nangyayari" nauutal at naguguluhan kong tanong. Napahawak din ako sa pisngi ko. Nanginginit ito't sumasakit.

"She's using her charms on you. We need to leave now" sabi nito at mabilis na hinila ako at nanakbo

Naguguluhan man ako ay nanakbo na rin ako. Nararamdaman kong sinisigaw ng utak ko na delikado ang nangyayari. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang tumingin ako sa likod. Hinahabol kami ng engkantong babae at mabilis itong nakakaabot sa amin.

"Wag kang tumingin sa likod, Kahel. Just keep running malapit na tayo sa City!" Sigaw ni Ken sakin.

Malapit na kami sa city gates. Tanaw ko na ito kaya mas binilisan ko pa ang takbo ko papunta dito. Sa wakas! Nakapasok kami sa loob ng siyudad at hinihingal na tinignan ulit ang engkanto na humahabol samin ni Ken. Pinipilit ng engkanto na makapasok sa siyudad. Maigi na lang at mga tao lang ang nakakadaan sa barier nito.

Nagkatinginan kami ni Ken at sabay napatawa.

"That... Was unexpected" Saad ni Ken. Pinagpagan nito ang sarili at umaayos ng tayo. Inayos ko din ang sarili ko't huminga ng malalim saba'y buga nito.

Kinuha na nito ang wand niya sakin at nagpaalam na dahil may tumawag dito na mukhang isang katulong nila.

Napabuga ulit ako ng hangin ng maisip ko nanaman yung nangyari. First time ko 'tong na experience. Malay ko ba na may nakatira pala sa puno na yun. Next time do-double check ko na kung may naninirahan sa mga pag pa praktisan ko para hindi na maulit yung nangyari kanina.

Pumunta na ako sa tinutuluyan namin ngayon dito sa Lagsimana. Sa bahay ng pumanaw na Magulang ni tito Ariel. Pagkadating ko sa bahay ay wala pa ang mag-ama.

Pumunta na muna ako sa tinutulugan ko at nahiga. 'Di kalaunan ay unti unti ng tumitiklop ang mga talukap ng mata ko't nakatulog na ako ng tuluyan.

[A/N]

Sana'y nagustuhan ninyo ang chapter 2 ko.

Sorry din kung may typo at grammatical errors.

Salamat din sa mga kaibigan ko na tumulong saakin. Sina Lorebel at Jeriel. Thank you sa inyong dalawa.

Please support and leave a like

-F. Durante

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kahel: Lugsinns AcadamyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon