Chapter 3: Unexpected Weekend

9 1 0
                                    


Cecily's POV:

Nagising ako sa biglaang pagring ng phone ko. At nung tignan ko kung sino ang tumatawag, si Solar, as I expected. For sure kukulitin naraman ako nito para sa gala namin mamaya. Anong oras na ba?

Nagulantang ako sa kama ng makitang alas-dose na ng tanghali. Kaya binabaan ko muna siya at nagmadali akong bumaba para kumain at maligo. Nasa kwarto na ulit ako para magbihis ng bigla ulit syang tumawag.

Cecily: Oo na, mamayang ala-una aalis tayo, para mag-mall at magperya, kasama sila Clint...Mina...Rancher...at Puck.

Inunahan ko na, kasi paniguradong kukulitin agad ako niyan.

Solar: Ahhh-ehh, oo, pero di kami makakasama, si Mina kasi ay sinama ng Nanay niya para sa family gathering. Sinabihan niya na ako na sabihin yan sayo. Si Clint naman eh umuwi galing abroad ang tatay niya, kaya susunduin nila. Sinabihan niya na din ako na ipasabi iyan sayo, Ako naman eh sinama ako ng magulang ko para i-celebrate ang kaarawan ng Lola ko, sinabi kong di ako sasama, pero ayaw nila. At si Puck naman eh may trabaho talaga siya ngayon, dahil nga working student siya. At~

Cecily: At ano??

Solar: Si Rancher kasi, nandun na sa mall, sinabihan ko na siya na intayin ka niya at di na kami makakasama. Nalungkot siya pero sinabi niya na hihintayin ka parin daw niya. Kaya lumayas ka na diyan at lumarga ka na. Nakakahiya kay Rancher kung mag-isa lang siyang uuwi dahil di ka sumipot kaya bilian mo na diyan.

Cecily: Ano!!!???

Solar: Narinig mo ako

Cecily: Ano pa nga bang magagawa ko. Nahihiya kasi ako, di naman kami close, baka di kami mag-usap hanggang makauwi.

Solar: Di yan, kung binilian mo na noh.

Cecily: Oo na, taray mo naraman.

Solar: hehe, sorry na, sige ingat.

Cecily: Sige.....

Solar: Sorry hah, di ko din toh inasahan.

Cecily: oo na.

Solar: wag ka magalit.

Cecily: oo na.

Solar: weh??

Cecily: oo nga, kulit

Solar: promise.

Cecily: promise.

Solar: o sige ingat hah.

Cecily: uhm.

Agad akong umalis para kitain na si Rancher, hayyy, nubayan, di ko ineexpect to hah. Hayy Ewan, bahala na nga.

-----------------------------------------------------------------

( Sa tapat ng mall )

Sa di kalayuan, nakita ko na si Rancher.

Sa pagtuloy ko sa paglalakad papunta kay Rancher, nagulat ako ng biglang may humila sa braso ko, sa paglingon ko, nagulat ako nung makita ko kung sino ang humila sa braso ko...si Clint.

Cecily: ki-Clint...

Clint: Oo ako nga.

Cecily: Pero~

Clint: nagpaalam ako na di na sasama at pumayag naman si Mama....Oh ano, tara na. Tatayo nalang ba tayo dito.

Cecily: Nagulat ako, kala ko kung sino. Btw, bat ka sumunod dito kaysa sa pagsundo sa Papa mo.

Unforgettable LoveWhere stories live. Discover now