Liam's P.O.V.
"Grabe, Liam. Ngayon lang ako nakakita ng babaeng walang paki sayo," pang-aasar ni Dan.
"And so?"
"Wala lang. Mukhang sya lang ang unang babaeng tumanggi sa offer mo," patuloy pa ni Dan.
"Can you shut up," galit na sabi ko at nilagok ng diretso yung wine.
Nasa mansion kami ngayon ni Yuan.
"She's amazing and cute," nakangiting sabi ni Yuan na mukhang nagde-daydream.
"Okay lang ba ang isang yan?" Tanong ko Kay Dan na nakatingin din kay Yuan.
"Who's that?" Tanong ko kay Yuan.
"That girl who called you as Mr. Kapreng pervert," natatawang sagot ni Yuan.
"Did you like her?" Sabay naming tanong ni Dan.
"Ewan ko." Bigla naman syang nag-iwas ng tingin.
"For sure he likes her," komento ni Dan.
"Pano mo nasabi?" Tanong ko.
"Ah gumamit lang naman ako ng dila."
"Tss."
Nakakainis talaga yung babaeng yun. Arghh. Napakatapang nya para maghamon ng away. Huh?! Kung ganun ikakasigurado kong mae-encounter nya ang impyerno.
Anong akala nya sa kin na di ko sya kayang labanan por que babae sya? Nagkakamali sya.
Sino ba kasi ang impaktang yun?
***
Jia's P.O.V.
"Beshy lagot ka," pananakot sa kin ni Elle.
Nandito na kami sa bahay. Kakauwi lang namin.
"Anong lagot?"
"Kilala mo ba yung kinalaban mo?" Tanong nya sa kin.
"Oo. Si LiamKapre," sagot ko.
"Hay na ko. Ano ka bang babae ka? Si Liam Carl Gutierrez ay isang gang leader..."panimula nya.
"Ahh kaya pala panget," dugtong ko.
"Tumigil ka nga. Nagsasalita pa ko. Alam ng lahat pwera sayo na isang gang leader si Liam. Malakas ang impluwensya ng pamilyang Gutierrez kaya kahit kilala si Liam at ng gang nya eh hindi sila nahuhuli ng mga police," sabi nya.
"Oh tapos? Masasayang lang laway mo kada magsasalita ka about sa LiamKapre na yun. Kahit magkwento ka dyan di naman ako nakikinig. Wala namang kwenta yung kwento mo," bored kong sabi.
"Bala ka nga dyan. Sinasabi ko lang sayo kung sino yung kinakalaban mo. Mahirap na. Tyaka, jiji warning lang, magsimula ka ng matakot sa Liam na yun dahil di sya basta basta," sabi nya na may pag-aalala.
"Basta. La na kong paki. Sya sa LiamKapre na napaka walang kwenta. Tapos," sabi ko at iniwan na sya. Dumiretso na ako sa kwarto ko.
Kinuha kong cellphone ko sa drawer. Binuksan ko yung data ko at nag-facebook.
Nabitawan ko bigla yung phone ko dahil sa gulat nang nakita ko ang isang post.
Kinuha ko yung cellphone kong nahulog at tiningnan yung post.
Holy shit.
YOU ARE READING
When JijiCrazy Meets LiamKapre
RandomNORMAL? ❌ ABNORMAL? ✔️ GIRLY? ❌ BOYISH? ✔️ MAGANDA? ❌ PANGET? ❌ TAO? ✔️ DUWAG? ❌ MATAPANG? ✔️ MASIPAG? ❌ TAMAD? ✔️ AKO NA LANG ANG NATITIRANG BABAENG GANYAN. ANG NAG-IISANG JIA KATELYN MONTES. MAS KILALA AKO BILANG JIJI. AT AKO NA LANG ANG NAG-II...