ATE BURGER

24 2 0
                                    

ate burger....ate burger....ate burger isang tindahan sa labas ng school namin ewan ko ba kung bakit parating bumibili ang mga schoolmate ko dun sabi nila masarap pero isip isip ko wala namang pinagkaiba yun sa mga ibang burger kaya nung unang pasok ko sa grade 9 ay napag isip isip kong bumili dito para naman matikman ang kanilang burger pero ako'y nagulat dahil may sampung(10) araw silang hindi man lang nag bukas kaya kinabukasan ay tinanong ko ang aking kaklaseng nakatira doon.......


"alex bakit hindi pa nagbubukas yung tindahan ng burger sa inyo may sampung(10) araw na rin yung sarado"


tanong ko ngunit ngumisi lang ito at hindi na ako pinansin....


"aba,bastos to kinakausap ko hindi man lang sumasagot"


..kaya naisip kong sundan siya kinabukasan upang malaman kung bakit hindi pa nagbubukas yung tindahan kasi gustong gusto ko na bumili dun.


Kinabukasan ay pumasok ako ng maaga upang silipin ang garahe nila. Ngunit bigla lumabas si alex sa kanilang garahe at may tinawag sa may gilid at laking gulat ko ng makita ko ang mga kaklase kong babae.

Balak ko sanang magtago para hindi nila ako makita pero nakita parin nila ako,


"Uy President, bakit nagtatago ka dyan sa sulok?, sama ka saamin sa bahay nila alex magpapakain daw ng almusal si alex!" ang sabi ng isa kong kaklase.


"Ahh sige."


pumasok na kami sa loob ng bahay nila alex at umupo na kami sa sala ng bahay nila.

Habang kami ay kumakain at nagkukwentuhan ay napansin ko na medyo madilim pala ang loob ng bahay nila alex at napansin ko rin na walang kahit anong simbulo ng kanilang relihiyon kaya nagtaka ako kung ano ba ang relihiyon nila, pero hinayaan ko na lang at hindi ko na lang pinansin...... 


Nagulat na lang ako ng malapit ng mag 6 am kaya inaya ko na ang mga kaklase ko pero nang makita ko sila nakatulog at ayaw nangmagising.........at naramdaman ko na lang umiikot ang paligid at bigla akong bumagsak sa lapag.


Nang magising ako laking gulat ko dahil  nasa bahay na ako.


Kaya tumakbo ako papunta kay mama at tinanong ko ito.


"Mama paano ako nakapunta dito diba nasa bahay ako nila alex tsaka aalis na ako baka mahuli na ako sa school"


"Anak, 6pm na ng gabi wala ng pasok!"

"Huh?"

"Hinatid ka dito ni Alex, sabi nya may bigla ka daw nahilo at biglang nawalan ng malay. Buti na lang at hinatid ka dito nila alex."


mamaya maya ay biglang nagtanong si mama sa akin.


Ate! BurgerWhere stories live. Discover now