"Lahat ay lilipas din, walang mauulit. Ni hindi na pwedeng balikan, pwedeng alalahanin na Lang. Paanong sa paglipas pa'y lalong kumikirot? Itutuloy pa ba? O ihihinto na? Malabo, minsan ako, minsan nararamdaman ko, o kahit ikaw mismo. Di mo pansin iyon? Tila bulag ka sa katotohanang ako'y iyong napapaasa, bagkus Ang alam mo'y kilalang-kilala mo na ko base lamang sa ginagawa ko. Kasalanan ko, Oo may kasalanan akong di ko na din maitatama, pero paumanhin sa mga panahong iyon. Tila di pa ganong kalinaw at kaliwanag sa'kin ang lahat. Nagdusa ka dahil doon. Di ko alam Sarah na tila sumisisid pailalim Ng karagatan Ang nararamdaman ko sa'yo. Tila di ako makaahon kahit anong gawin ko. Kahit alam kong malabo mong paniwalaan ito, mas mabuti Ng malaman mo. Di ko Alam Kung paano sasabihin. Tila tinutulak Ng mga dahilan Ang pagkakamali ang nararamdaman ko na makarating sa iyo. Natatakot man o naduduwag, gustong-gusto kong tumaya kahit Alam Kong talo na. Ngunit tila, ang laki Ng mawawala. Maaaring maging isang ala-ala na Lang din ang Kung anong mayroon Tayo ngayon. Masakit, mahirap, pero ni Hindi ko pa naabot Ang sakripisyong ginawa mo para sa akin. Magiging makasarili ba ko kung hihilingin kong wag kang hayaang mahulog sa iba at kung pwede, sa akin ka na lang gaya ng dati? Magiging makasarili ba ko kung aangkinin kita kahit di Kita pag-aari? Wala akong magawa, nagseselos at nasasaktan ako tuwing nakikita kang masaya sa iba. Ngunti tila pagkatapos ay napapalitan ito ng mapapait na ngiti sa tuwing naiisip kong mas mabuti na yon na maging masaya ka sa iba kaysa masaktan at malungkot ka dahil sa'kin. Tila basong may tubig, unti-unting lumalamig, unti-unting lumalabo tsansang maging Tayo. Hindi Tayo pwede, ako na ang nagtatakda sa isip kong Hindi na maibabalik Ang lahat sa dati. Bawat araw, mayroong naiba. Hindi dapat ako masanay sa tao dahil bawat araw, iba-iba ang pag-iisip at nararamdaman Ng tao. Sarah, salamat sa ilang taong nandiyan ka sa tabi ko lalo na sa tuwing nasasaktan ako kahit sa totoo'y kasabay nito ang sakit na dulot ko sa'yo. Patawad Sarah, alam kong maaaring maraming magbago pagkatapos nito. Ni hindi ko alam kung kaya pa ba kita harapin pagkatapos. Pero mukhang di na kita mahaharap pang muli. Hindi man na mababalikan, ngunit ang tanging hiling ko lang, ay sana huwag mo akong makalimutan. Sa paglipad ko patungo sa pangarap ko, sana'y kasabay ka ding nasa taas kahit wala ka na sa tabi ko. Tila isang karma lang ang nangyari, patawad ngunit hindi ko talaga ito inaasahan. Sa aking huling araw Ng paglaban, siguradong ako'y mabibigo, at matututo ng palayain ang nararamdaman ko kagaya ng ginawa mo. Ni hindi ganoong kadali sabihin, ni gawin. Tila ito'y huli na, at ako'y NASA hangganan na.
Paalam, Patawad. Mahal kita, Sarah."
Isang liham na aking ipinadala sa kanya, bago ako tuluyang makarating sa mundo ng kawalan, ngunit walang katiyakan.
Alam kong hindi ganoong kadali magpaalam, Lalo na sa taong mahal mo. Alam Kong mas makakabuti to at mas magiging masaya siya Ng Wala ako..
Breaking News
Isang Space Rocket ng NASA ang nagcrash matapos umanong magkaroon ng malfunction sa engine system nito, kasama sa mga nakasakay na astronaut ay ang kababayan na'ting si Justin Esdratomo. Hinihinalang hindi na sila nakaligtas pa dahil sa pagsabog na naganap, hanggang ngayon ay hinahanap pa din ang katawan nila. Ang MRS 20 Space Rocket Ng NASA ay nagbabadya sanang lumipad papuntang Mars, ngunit sa kasamaang palad ay tila nagkaroon Ng problema sa Engine system nito kaya't Hindi na tumagal ang space rocket Ng nasa sa himpapawid at rumagasa pababa ng kalupaan Ng nagsanhi din Ng pagsabog. Yun lamang Ang at---
Pinatay Ang TV*
"Hindi... Hindi! Justin.. bakit ka tuluyang namaalam? Please, bumalik ka... Huwag mo namang tuparin ang sinulat mo sa'kin... Justin... Hu..hu.. *Humihikbi*"
"Oh Sarah, bakit ka umiiyak? At nakatitig ka pa sa picture ni... Justin? Bakit may nangyari ba? Namiss mo na ba siya? Naging successful ba landing nila?"
*Patuloy sa paghikbi*
"Hindi ko alam, wala ding may alam. Hindi pa dapat itong nasa sulat ang huli niyang pamama-a-la..m.."
"Bakit may nangyari ba Sarah?"
"Nagcrash ang space rocket nila dahil sa engine system failure..."
"Ano? Sana naman... Nakaligtas siya sa crash.."
"Malabo yon Kimmy, sumabog ang rocket nila pagbagsak sa kalupaan.. huhu.."
"Wag ka na umiyak Sarah, pagdasal na Lang na'ting nakaligtas siya lalo Na't di pa naman di ba natatagpuan katawan nila?"
"Sana nga, ang hangganang sinasabi niyang gusto niyang marating ay sana'y sa kalawakan... wag agad sa kalangitan.. Hindi ko kaya Kimmy.. Hindi ko Kaya.."
"Aminin mo nga sa'kin Sarah, may gusto ka ba Kay Justin?"
"Uhmm.. di ko din Alam.. pero di na iyon mahalaga, Ang mas mahalaga, pagdasal na'ting makaligtas siya."
"Tahan na Sarah.." *Niyakap*
"Bakit pa kasi pareho niyong pinipigilan nung nararamdaman niyo sa isa't isa? Dahil alam niyong hindi pwede? Hay.. ngayon maaaring humantong na iyan sa hangganan.. Magpakatatag ka Sarah, ikaw din mismo ang pumili sa sarili mong maging matatag, at palayain niyang nararamdaman mo para sa kanya tulad noon."
Present
(Sarah)
System: The rocket will launch in 10..
"Okay, get ready! Especially you Sarah."
"Yes Sir!"
"9"
*Sa isip* Eto na Justin
"8"
Maabot na din Kita
"7."
Sinabi mong gusto mong kasabay mo ako sa taas, kahit Wala ka sa tabi ko
"6"
Patawad, Kung tila Hindi ko nasabi sa'yo
"5"
Ngayon, ako Ang tutupad sa pangarap mo.
"4"
Nasaktan ako Ng sobra sa huling pamamamaalam mong hindi ko inakala
"3"
Anduga mo
"2"
Sana hinintay mo ko
"1"
Kasi eto na ko ngayon, maglalakbay patungo sa hangganan, Ng Wala ka na sa tabi ko
"Launch."
"Now we're launching! Hold tight to your seats."
Eto na, ramdam ko ang vibration gawa ng papalipad pataas. Napapikit n Lang ako sa sobrang kaba..
.......
"Sarah! Sarah! Gising na haha."
"Justin? Oh bakit ba?"
"Tara! May pupuntahan Tayo!"
"Saan na Naman Justin?"
"Alam mo na, sa may magandang sighting na night sky!"
"Paboritong paborito mo talaga iyon eh no?"
"Hehe, Tara na!"
"Okay."
.....
"Wow, di talaga nawawala ang ganda ng tanawin ng kalawakan mula dito!"
"Oo nga."
"*Bulong* Parang ikaw Lang hehe."
"Haha ito naman nambola ka pa."
"Alam mo? Pangarap ko talagang maging Astronaut."
"Hala, bakit Naman?".
"Ewan ko, masyado na Kong napamahal sa buwan, mga bituin at sa buong kalawakan. Tila hindi ako magiging kontento habang di ako nakakarating sa tila hangganan na iyon."
"Ganon ba? Iiwan mo na ko? Huhu."
"Nako, nag-inarte ka pa. Siyempre di naman ako permanente don. Ang gusto ko nga.. makasama din kita doon."
"Ay, Justin ha bumabanat ka na naman."
"Hindi, seryoso ako. You mean so much to me, even all this time."
"Yiee, Sana all. Napapakilig mo ko ah."
"Hays, kala puro buro tss."
"Haha nainis na siya."
"Basta, gusto ko makarating sa taas, at ikaw din."
"Nako, baka di ko Kaya yon."
"Tsaka sino makakalokohan ko don? Nakakaboring hahaha."
"Aba, masanay ka ding wala ako. Di sa lahat Ng pagkakataon ay nandiyan ako sa tabi mo."
"Siguro nga.. *Humikab* Nakakaantok talaga dahil sa tanawin na 'to. Ang kalmado sa pakiramdam no Sarah?"
"*Humikab din* Oo nga.. *mahinang salita* Lalo na't kasama Kita... Haha tulog muna ko dito."
"Hoy, bawa matulog diyan sa lupa."
"Pake mo ba? Eh gusto ko eh."
"Hays, sige humiga ka na lang sa'kin."
"Yieee sige.."
...................
"Sarah. Sarah?"
"*Dinidilat Ang mata* J-Justin?"
"Who's Justin? Nevermind, we're now on the outerspace look!"
"Oh.."
*Sa pagmasid sa ganda Ng kalawaka'y napalitan ito ng mapapait na ngiti.*
Sana Justin, kasama kita dito kagaya Ng pinangarap mo sa'ting dalawa... pero wala na kong magagawa. Pareho man tayong nasa hangganan, tayo'y magkaiba. Ako'y ngayo'y nasa kalawakan, at ika'y siguradong nasa kalangitan.
Hanggang ngayon nalulumbay pa din ako, dahil sa pagkawala mo. Wala na kong magagawa, dahil Ang lahat Ng iyo'y parte na lang ng mga magandang ala-ala..
Paalam Justin, ngayon naiintindihan ko na kung bakit gustong-gusto mong makarating dito. Nakakamangha, napakaganda, ngunit mararamdaman mo din ang pag-iisa. Halos ngayon
Lang napagtantong hinayaan kong maramadaman mo na mag-isa ka lamang. Alam mong hindi tayo pwede, dahil bukod sa matalik tayong magkaibigan, ay no'n ko lang nalamang ikaw pala ang nawawala kong pinsang pinaampon noong pinanganak ka pa lang. Nagulat ako ng pumunta ko sa iyong libing, naroon humihikbi ang tita ko na kapatid ng aking ina. Pinili mong marating ito upang tuluyang lumayo, mula sa'kin at sa nararamdaman mo.
Tanggap ko na, kahit sobrang sakit, na wala ka na at parte ka na Lang Ng aking makulay na nakaraan at ala-ala.
Paalam, Salamat sa lahat Justin. Mahal na mahal kita..
News
The 3rd space rocket, which is also the 3rd space mission, named MRS 30 has successfully landed in Mars after weeks and months of travelling. The NASA comes back with a full force space rocket after the crashed of MRS 20 5 years ago which fails their second landing on Mars. The MRS 30 space rocket are ridden by the Astronauts, Neil Philips, Carl Saric and Sarah Gomez.