CHAPTER 1

19 1 0
                                    

School

First day of school,
Syempre nandyan yung mga kaibigan na babatiin ka, maguusap tungkol sa bakasyon na nangyari sayo.

May ibang transfer na walang kakilala na tahimik lang sa isang sulok, na akala mo nasa bundok dahil hindi saulo ang buong paaralan.

Nandito din yung naghahangad ka ng maganda at maayos na sections.

Mga old students na naghahanap ng Gwapo at Maganda.

Mga hambog na mahilig maghanap ng ibubully....

At isa na ako don, hi ako nga pala si Brianna Deborah Wheeler pwede niyo kong tawaging Rian or Deb, 18 years old. Transfer ako ng school dahil napaaway ako doon, paano ba naman binato ako ng walis tambo! Alangang hayaan ko diba?! Kaya ang ginawa ko binato ko ng bunot sa ulo hahahaha solid yung tunog eh! At syempre dahil maldita ako wala silang nagawa kaya no choice lumipat nalang ako.

Nagreready nako para sa unang pasok ko, nakacivilian lang ako. At kung tatanungin niyo ako kung ano suot ko? Simpleng maong na pants at medyo malaking tshirt lang naman. Hindi kasi ako kasing arte ng ibang babae! -,-

Bumaba nako para magbreakfast at doon ko naabutan sila mommy, daddy, kuya, at bunso kong kapatid.

"Goodmorning" bati nila Daddy.

"Morning" hindi ko ugaling magsalita ng mahaba tinatamad ako -.-

"Aga aga ang sunget!" Biglang sabi ni Kuya Kevin.

Problema netong bayot na 'to?!

"Pake mo? Gaya ka." Lagi nalang eh kakasura kausap tong lalaki na 'to! Sarap pukpukin ng kaldero!

"Sarap mo talaga kausap kahit kailan!!" Pasigaw niyang sabi.

"Kevin! Kumakain tayo bakit kaba sumisigaw?!" Biglang suway ni Daddy kay Kuya.

Buti nga sa'yo!

"Tsk! Kasi etong unica iha niyo nuknukan ng sungit!" Sabi niya.

"Alis nako." Sabi ko.

"Hoy! Wait moko sabay na tayo hehe!" Sabi ni Kuya. Di ko nalang siya pinansin.

Sumakay nalang ako sa motor ko. Mas trip kong magmotor kaysa magkotse. Ang cool lang hahaha!-_-

"Magkotse nalang tayo kapag ikaw napahamak pa d'yan jusko!" Wow tatay na tatay ha sarap sipain!>_<

"Pwede ba hayaan mo nalang ako! Napakakulit mo kalalake mong tao!"
Ayoko sa lahat epal, lalo na't gusto ko pang gawin!

"Okay, see you nalang sa school! Hintayin moko sa parking lot ha!"

Ang kulit talaga ne'tong panot na'to!!

"Sige sige bahala ka." Baka kasi hindi ako tigilan sa sobrang kulit ba naman eh.

Kasalukuyang nasa Parking Lot ako, syempre kasama ko yung mokong. Bumaba ako sa motor ko upang pumasok na sa school.

"So, paano ba yan? Goodluck! Ingat ka sa kanila ha?" Ano ako bata?!

"Sus, sila ang mag ingat sa'kin! Osige na pasok nako bye." Tinaas niya nalang yung kamay niya upang magpaalam.

Pag pasok ko pa lamang ang dami ng matang mapanghusga. Hello?! Tao kaya ako! Narinig ko silang nagbubulungan at sigurado ako yung pinaguusapan nila.

Everything ChangesWhere stories live. Discover now