Malakas nga ba ako?

85 2 0
                                    

I 'am strong, but I' am tired, that was the last phrase that I have said after he left me.

I'm strong because I' am willing to endure the pain just to be with him.

I'm strong because I'll do anything just to make him stay.

I'm strong all throughout the time even if I feel that I'm all alone and he's not there for me.

Akala ko lahat ng iyon ay sapat na pero nagkamali ako, Akala ko perfect na ang lahat eh yung tipong happy ending na ang last destination namin.

Akala ko wala ng bullshit na mangyayari pero hindi mali ako nabuhay lang pala ako sa puro akala pero sa lahat ng akala na naisip ko hindi nasama ang akala na kasinungalingan lang pala ang lahat.

Nagkakilala tayo sa di inaasahang panahon naging magkaibigan, mag bestfriend at di kalaunan nagkagustuhan.

Lahat ng effort nakita ko sayo mula sa conversations up to midnight, pagpapalakas ng loob ko pag natatakot ako at pagpapatahan sa akin noong mga panahon na ang pakiramdam ko ay nag iisa nalang ako.

Akala ko hindi na matatapos lahat ng masasayang araw na meron tayo pero nagkamali ako dumating yung time na nagkakalabuan na tayo.

Nawala lahat ng efforts mo walang tawag, chat, o text man lang. Akala ko nung una busy ka lang talaga pero mali ako maling mali.

One Sunday morning nagpasya akong magsimba inaya kita pero sabi mo hindi pwede kasi may activity kayo sa school.

Ako naman pumayag kasi alam kong priority mo ang studies mo kaya go push lang ako na mag isa kausapin si Papa God.

Pinuntahan ko yung church kung saan tayo una nagkita at kung saan din tayo nagging laging nagsisimba.

Bumalik lahat ng memories, lahat ng happy memories na binuo natin ng magkasama.

Pero lahat ng memories na yun nabasag akala ko nananaginip lang ako, akala ko nanlalabo lang ang mga mata ko pero mali ako.

Nakita kita may kasamang iba, hawak hawak mo ang kamay nya at ang saya saya nyong tignan.

Yung mga ngiti mo yun yung mga ngiti na lagi mong pinapakita sa akin mga ngiting alam kong totoo at nagsasabing masayang Masaya ka.

Sinabi ko sa sarili ko wala lang yon malayong kamag-anak lang yun o di kaya ay kaibigan lang pero nagtatalo ang puso at isip ko sinasabi ni brain na wag ako maniwala kay heart kasi totoo lahat ng nakikita ko pero ang sabi naman ni heart na baka false alarm lang yun wag muna ako manguna.

Pinili ko mag bulagbulaga, pinili kong magpakatanga sinunod ko si heart dahil may tiwala ako sayo alam kong hindi mo ako lolokohin, hindi mo ako sasaktan dahil alam mo lahat ng pinagdaanan ko.

I tried to call you and ask you kamusta ang so called "school activity" mo sabi ok lang nagging busy ka dahil puro seminar at talk ang nangyari at sabi mo pagod kana kaya magpapahinga kana.

Oo nalang ang nasagot ko at after noon wala man lang "I Love You" at binaba mo na ang phone mo.

Alam mo ba kung ano ang naramdaman ko?

Ang sakit, ang sakit sakit gusto kong sumigaw nung mga oras na iyon gusto kitang sampalin at sabunutan dahil sa mga sinabi mo.

Kasi ang sakit eh sobra alam mo yung pinagkatiwalaan kita lahat ng trust issues ko kinalimutan ko.

Yung takot kong mapalapit sa iba dahil in the end iiwan lang nila ako kinalimutan ko yon eh pero in return ito lang pala ang makukuha ko?

Siguro nga ang tanga ko ang tanga tanga ko nabuhay ako sa lahat ng akala at ang pinaka masakit akala ko happy ending tayo.

I'am Strong, but I'am tiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon