FROG PRINCE Finale

3 0 0
                                    

🐸🐸🐸👑The Frog Prince👑🐸🐸🐸🐸🐸

This is a work of fiction. Names, Characters, Places, Events , and incidents are either the products of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events are purely coincidental.

All rights reserved. No part of this story may be reproduced,distributed,or transmitted in any form or any by means, without the prior permission  of the Author.
PLAGIARISM  IS A CRIME!😠

A/N: Warning!!  Caution!!!  Live wire is on!! Before reading the ------the Frog Prince----make it sure that you'll read the Chapter 1,2,3,4,pre-quel the book 1/story 1 -------In-Relationship with Mr. Band Leader----- 

------🐸🐸👑The Frog Prince👑🐸🐸------

GENRE: TeenFiction

🐸👑Chapter FINALE. ☺☺☺😘😘😘

"Kamahalan...." Mahinang sabi ng kanang kamay ng hari na nagngangalang Jose. Nakayuko ito na tila nagbibigay galang sa mahal na prinsepe.
"Bakit ganon?... Bakit? kailangan maulit ang nangyari? ang nangyari kay amang hari,mismo, sa akin.. " Naguguluhang sabi ng mahal na Prinsepe. Hindi magawang tanggapin ng prinsepe ang balita na mula sa konseho, may mahal na siya, meron nang nagpapatibok ng kanyang puso. Walang iba kundi si Ruchelle Jana... Hindi pwede na siya ay ipakasal sa hindi niya kilala.

Nasa loob sila ng silid daluhan kung saan dito pinagkakasunduan ang mga pribadong usupan. Nakaupo sila sa misa na yari sa matibay na kahoy at may ukit itong titik alibata.

"Mahal na Prinsepe, ayon sa pagkasunduan ng mahal na haring Edson at reyna Analyn kailangan mong pakasalan ang anak sa labas ng reyna sa takdang panahon" Napatingin si Jose kay Prinsepe Daniel seryoso ito basi sa pananalita.

"Ibig mong sabihin.. Planado ito ni ama at ng reyna?" Nakaawang ang bibig ng prinsepe. Gusto niyang tumutol subalit isa itong Kasunduan.

"Tama ka, kamahalan" Kumbinsidong ng konseho. Napailing nalang ang prinsepe napahawak ito sa kanyang sentido.

"Pwes!  Gusto kong makilala ang babaeng pakakasalan ko, dalhin niyo siya saken, sa lalong madaling panahon!" Deklara ng Prinsepe sa buong konseho.

Napatango ang lahat na tila may pinapahiwatig na kailangan iharap nila ang Prinsesa sa mahal nilang Prinsepe.

"Masusunod kamahalan!" Sabi ng buong konseho.

Pagkatapos ng Usapan..

Nagpadesisyonan ng Prinsepe Daniel Smith Padilla A. K. A Danilo na magpahinga muna sa loob ng kanyang silid.  Maraming bumabagabag sa kanyang isipan. Gaya ng pagpakasal sa babaeng hindi niya gusto.  Napahiga ang Prinsepe sa kayang malapad at malambot na kama at naamoy nito ang halimuyaw ng fabricon mula sa kumot.

"Ama... Sabi mo gagawin ko ang lahat sa ngalan ng Pag-ibig.." Sabi ng Prinsepe na may lungkot sa kanyang boses. 

"May mahal na ako ama... " Dugtong nito habang nakapikit.  Pagkatapos sabihin yon ng Prinsepe.  Nakatulog na ito nang dahil sa pagod buong umaga.Kailangan niya ng sapat na enerhiya mamayang gabi para harapin ang Prinsesa na nagmumula sa Kahariang Vallehermoso.

Samantala,  Pauwi na ng bahay si Ruchelle Jana galing UCI  (UNIVERISITY OF CUBAY INC.)  Dismayado siya sa narinig niya sa kanyang ultimate crush. Lies and betrayal ang nangyari mismo sa araw na 'to.  Nagsinungaling sa kanya Si Danilo pero sa kailaliman ng kanyang damdamin.  Natutuwa siya at nanabik.  Si Danilo ay si Prinsepe Daniel Smith ng Kahariang San Carlos.  Napangiti ang dalaga kaya hindi di yon pwede, may atraso sa kanya ang binata

UCI (University Of Cubay Inc.)  8 Stories. Where stories live. Discover now