Seby's Date

876 35 3
                                    

Sela's Pov

Papalakad na ko sa mansion nang makita kong paparating narin si Abby nag kasalubong kami

"Wow, di ka late" pag bibiro nya hinampas ko sya ng mahina

"Ano na namang plano mo ngayon?" Tanong ko sakanya "Pasayahin ka, bakit?" Banat nya pa

Narandaman ko ang paginit ng mga pisngi ko "kamatis tara na" pamumuysit nya "HEH!!" galit na kinikilig kong sigaw sakanya

Dumating na yung van at sumakay na kami, di ko alam kung saan ako dadalhin neto pero sabi ko nga sasama nalang

Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakarating kami sa mall

"Tara naaa!!" Excited nyang sinabi at hinila ako papalabas ng Van

Pumasok kami sa mall at agad agad pumasok sa isang shop ng mga damit
At nag susukat

"Uy ang ganda nito bagay sayo" aniya
"Pero mas bagay tayo" dugtong nya habang may hawak ng isang black na dress "Heh, nakakailan ka na ah- pero ang ganda nga nyan" sabi ko at hinablot ang dress mula sa kamay nya

"Tapos kana?" Tanong nya mula sa labas ng dressing room binuksan ko ang pinto

"Bagay ba?" Tanong ko

"Wag ka sa akin mag tanong ng ganyan kasi kahit sako lang isuot para sa akin maganda parin" aniya na may kasama pang kindat

Feel ko namumula nanaman ako

"Oo bagay mo, sobra" dagdag nya
"Bilhin ko ba?" Tanong ko sakanya habang nagbibihis sa loob

"Oo kahit yan pa isuot mo araw araw di ako magsasawa tignan ka" banat nya muli

Nakaka ilan na tong babaeng to mag tatransform na talaga ako bilang kamatis pag di pa sya tumigil

Lumabas ako dala dala ang dress na dali dali nyang hinablot sa kamay ko
"HOY!" sigaw ko sakanya papalabas ng fitting room ng makita ko syang nasa counter at binabayaran na ang dress

"Magkano raw?" Tanong ko sakanya habang naglalakad kami papunta sa arcade

"Isang kiss lang daw" sambit nya at itinuro ang pisngi nya Itinulak ko ang mukha nya

"So kiniss mo yung cashier?" Pag dedeplekta ko sa banat nya  "Bakit Ikaw ba yung cashier?"

ANO BA NAMAN TO NAKA SCRIPT BA TO KAYA KAHIT ANONG SABIHIN KO SAKANYA KAYA NYANG SAGUTIN?!?!?!? Kasi kung ganon, hello Selamatis hue hue

Kinunot ko nalamang ang noo hanggang sa marating namin ang arcade

"Paramihan tayo ng Ma shoshoot" sabi nya pagkatapos bumili ng tokens at intinuro ang basketball na laro

"Hmph, Tara na!" Sabi ko sakanya at binigyan nya ako ng tokens sabay naming hinulog ito at Nag simula ng maglaro

Halos lahat ng bato nya nashoshoot ngayon ko lang nalaman na magaling pala sya

Natapos na ang laro at tinignan ko ang score ko

68

"HAHAHAH yabang mo kanina ah" sabi nya at napayuko nalang ako at sinipa tong machine

"Hoy tignan mo score ko" tumingala ako para tignan ang score nya

143?

"I Love You" sabi nya ng nakangiti
"Kahit banaman sa basketball, Abby, meron ka paring banat" sabi ko nang natatawa "effort yan ah" sabi nya at pinunasan ang pawis mula sa kanyang noo

"Tara laro pa tayo" pag aaya ko sakanya at hinila sya sa 'Just dance' na game

"Sayaw ka na"

"Di ka sasayaw??"

Falling game [ ✓ ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon