What happens after..

22 0 0
                                    

"What we all want in life: to travel, fall in love and be happy."

+++

"Ha--" balak ko sana siyang batiin pero matapos naming magkatinginan ay hindi man lang siya ngumiti at dire-diretsong naglakad. Anong problema niya?

"LQ?" biglang singit ng isa kong kaklaseng lalaki. "Pare, nagpapatawa ka ba? Hindi ko naman girlfriend 'yun.." sabi ko sa kanya.

Kaibigan ko lang si Hannah. Dati kaming magkaklase nung highschool at ngayong college na kami nasa pareho kaming pamantasan pero magkaiba ang aming kurso. Paminsan-minsan ay nakakasalubong ko siya. Ngumingiti naman siya sa akin at binabati ako pero nitong mga nakaraang araw ay pakiramdam ko iniiwasan niya ko. Pwede rin namang hindi niya ko napapansin o wala lang siya sa mood. Ewan ko ba.

"Hindi mo girlfriend pero kung tignan mo tuwing nagkakasalubing kayo e parang lulusawin mo na. Bakit di mo ligawan?" panunukso ni Frank sa akin. "Sira! Ano bang pinagsasasabi mo diyan? Wala akong balak na ligawan siya."

"Bakit, natatakot ka mabasted?"

"Hindi."

*****

"Uy, si Miguel!" rinig kong sabi ni Risa malapit sa akin. Dati ko rin siyang kaklase nung highschool at hanggang ngayon magkaklase pa rin sila ni Hannah dahil pareho sila ng kurso.

"Hi, Miguel!" masigla niyang sabi nang makalapit sila sa akin. Kasama niya ang mga kaklase niya at si... Hannah. "Uuwi ka na?" tanung ni Risa. "Ha?" lutang kong sabi. "Uuwi ka na daw ba." this time si Hannah na ang nag-ulit. Mas malapit siya sa akin kaya mas naintindihan ko. "Hindi ko alam e." sabi ko. Hindi ko kasi sure kung may prof kami o wala. "Di alam sariling sched. Nubayan. Tara na nga." sabi ni Hannah at lumakad na papalayo hila-hila ang mga kaibigan niya.

Fine.

******

"Miguel!" rinig kong sigaw ni Risa. "Oh, andyan pala kayo." sabi ko at ngumiti.

Nasa library kami ngayon. "Hindi ka sumali sa Mr. USS?" tanong sakin ni Risa. "Ha? Hindi. Sa Mr. Department lang ako sumali." ngumiti ako uli. "Eeehh! Bakit? Di naman namin mapapanuod 'yun para sa department niyo lang 'yun!" pagmamaktol ni Risa. Meron kasi pageant ang deparent namin, meron din para sa buong university. 'Yun sa department namin kami-kami lang na magkakapareho ang kurso ang makakapanood.

Nasabi ko na bang nandito rin si Hannah kasama ni Risa? At habang magkausap kami ni Risa ay ramdam kong nakatitig lang siya sa akin. Hindi ko siya matignan dahil natatakot ako na ialos niya ang tingin sa akin sa oras na tignan ko siya.

Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon