Epilogue.

22 0 0
                                    

"Everyone says that love hurts but that is not true. Loneliness hurts. Rejection hurts. Losing someine gurts. Envy hurts. Everyone got these things confused with love. But in reality love is the only thing in this world that covers up all the pain and makes someone feels wonderful again."

+++

"Ha--" balak ko sana siyang batiin pero matapos naming magkatinginan ay hindi man lang siya ngumiti at dire-diretsong naglakad. Anong problema niya?

"LQ?" biglang singit ng isa kong kaklaseng lalaki. "Pare, nagpapatawa ka ba? Hindi ko naman girlfriend 'yun.." sabi ko sa kanya.

Kaibigan ko lang si Hannah. Dati kaming magkaklase nung highschool at ngayong college na kami nasa pareho kaming pamantasan pero magkaiba ang aming kurso. Paminsan-minsan ay nakakasalubong ko siya. Ngumingiti naman siya sa akin at binabati ako pero nitong mga nakaraang araw ay pakiramdam ko iniiwasan niya ko. Pwede rin namang hindi niya ko napapansin o wala lang siya sa mood. Ewan ko ba.

"Hindi mo girlfriend pero kung tignan mo tuwing nagkakasalubong kayo e parang lulusawin mo na. Bakit di mo ligawan?" panunukso ni Frank sa akin. "Sira! Ano bang pinagsasasabi mo diyan? Wala akong balak na ligawan siya."

"Bakit, natatakot ka mabasted?"

"Hindi."

 

"Lokohin mo lelang mo pare. Naduduwag ka lang." ang kulit talaga ng isang 'to.

"Paano ko papatunayan sayo na hindi ako takot mabasted?" sabi ko sa kanya. "Pustahan tayo. Ligawan mo. Kapag napa-oo mo, gagawin ko lahat ng gusto mo. Kapag binasted ka, wala kang dapat gawin."

"Ha? Wala akong dapat gawin?" Manalo o matalo wala akong gagawin? Pustahan ba 'yun?

"Makikita mo, hindi ko na kailangan magsabi ng consequence kapag nanalo ako. May kapalit ang lahat ng gagawin natin, pare."

******

"Pare! Ikaw ha. Ginawa mo rin pala 'yun pustahan. Kunwari ka pa. Napasagot mo na siya! Oo na, alipin mo na ako. Anong dapat kong gawin?" biglang sulpot at sabi ni Frank. "Hindi ko--"

"Pustahan? Pinag-pustahan niyo ko?!" galit na sabi ni Hannah. Narinig niya kami.

Sht. "Hannah, hindi ganun--" sinubukan kong magpaliwanag at hawakan siya pero kinabig niya lang ang kamay ko at tumakbo.

Hindi na ako nagsayang ng oras at hinabol siya pero hindi ko na siya naabutan. Hinanap ko siya kung saan-saan pero wala siya. Pinuntahan ko na rin sa bahay nila pero hindi pa daw siya umuuwi. Nasaan ka na ba Hannah?

******

"Hannah!"

Sa wakas, matapos ang ilang araw ay nakita ko rin si Hannah dito sa school. Ilang araw siyang hindi pumasok. Hinawakan ko agad ang braso niya para hindi siya makaalis. "Bitawan mo ako. Makikipag-usap ako sayo." simple niyang sabi.

Nabuhayan ako ng loob sa sinabi niya kaya binitawan ko na siya. "Hannah, it's not what you think. Hindi ako pu--"

"Let's stop this. Mag-break na tayo. Dapat noon pa lang alam ko ng mangyayari ito. Highschool pa lang tayo, alam ko ng walang pag-asa na magustuhan mo ako. Umasa pa ko. Kasalanan ko ito."

"Highschool? Anong ibig mong sabihin?" Huminga siya ng malalim at sinabing "Tapos na tayo. Hindi na magbabago ang isip ko."

"Hannah! Sandali!"

Umalis na siya.

******
"Risa! Risa! Nasaan si Hannah? Sabihin mo na sakin, please."

Ilang araw ko nang hindi nakikita si Hannah. Ibang kaba na ang nararamdaman ko. Ang sakit na. "Miguel, natatandaan mo noon? Sabi ko may balak siyang umalis diba.."

******

Kanina pa ako takbo ng takbo dito sa airport. Hindi ko alam kung saang banda ng lugar na ito ko siya kailangan hanapin. Nalibot ko na ata lahat. Wala akong maramdaman na pagod. Ang mahalaga makita ko siya. Hindi ko kakayanin na mawala siya.

Kanina ko pa rin siya tinatawagan pero hindi siya sumasagot.

No, not again.

"Miguel, siguro dapat na lang natin tanggapin na mula noon hanggang ngayon hindi tayo para sa isa't isa. Sana maging masaya ka. Goodbye."

Tuluyan ng tumulo ang luha ko ng mabasa ko ang text na kakapadala niya lang sakin.

Wala na. Sumuko na talaga siya sa relasyon naming dalawa.

******

"Lokohin mo lelang mo pare. Naduduwag ka lang." ang kulit talaga ng isang 'to.

"Paano ko papatunayan sayo na hindi ako takot mabasted?" sabi ko sa kanya. "Pustahan tayo. Ligawan mo. Kapag napa-oo mo, gagawin ko lahat ng gusto mo. Kapag binasted ka, wala kang dapat gawin."

"Ha? Wala akong dapat gawin?" Manalo o matalo wala akong gagawin? Pustahan ba 'yun?

"Makikita mo, hindi ko na kailangan magsabi ng consequence kapag nanalo ako. May kapalit ang lahat ng gagawin natin, pare."

"Hindi na, pare. Hindi ko siya kayang saktan. Hindi ako makikipagpustahan sayo. Gusto mo malaman kung bakit ayaw ko siyang ligawan? Dahil minahal ko na siya dati mga highschool pa lang kami at tanggap ko ng wala kaming pag-asa. Sinubukan ko na noon, nabigo lang ako. Ngayon, nakapag-move on na ako."

+++
A/N:
Pinag-iisipan ko pa kung isusulat ko 'yun nangyari nung highschool sila at kung 'yun mangyayari after nito or dapat ba ganito na lang 'yun story. Tignan natin!Haha! Ano sa tingin niyo?

Kung may tanong kayo comment lang. :>

Sana nagustuhan niyo. <3

Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon