November 7, 2013
Maaga akong pumasok kanina sa paaralan isang himala at nauhan ko si mina ang kaibigan ko lagi kase sya nauuna pumasok, nakakatuwa kasi sa buong buhay ko ngayon lang ako pumasok ng ganto kaaga kahit hindi naman ganon ka importante ang araw na to
May secret admirer pala si mina at araw araw siyang binibigyan ng mga kung ano ano at ngayon naman ay chocolate at kape na galing sa starbucks, at may naka lagay pang "good morning:>" nakakatuwa diary dahil sa secret admirer ay naiinspire pumasok si mina ng maaga at nagagawa syang pasayahin
Pero ayokong masaktan si mina at sasagipin ko siya sa nag-aabang sa sakit sa dulo, sasaktan lang sya ng lalaking ito balang araw kaya nakaisip at gumawa ako ng Paraan para matigil na ito hanggat maaga pa buti nalang at maaga ako naka pasok kaya malaya akong makakakilos sa loob ng walang iniisip na taong makakakita
Gamit ang upuan ay pumatong ako dito at kinuha ang isang bumbilya galing sa kisame dinurog ko ito gamit ang makapal kong libro hanggat sa mapino ito matapos ay binuhos ko lahat ng iyon sa kape ni mina at tinapon ang ibang parte ng bumbilya sa basurahan
Sa pag kakaalam ko kase ay nakakalason ito narinig ko lang ito sa isang matanda na ito ang ginagamit pang lason sa sitwasyong ito nais ko sanang subukan kung totoo bang nakakalason ito para magamit ko ulit ito sa kung sino man ang gusto ko lasunin
Matapos malinis ang ibang kalat sa loob ay agad kong nilisan ang room dala dala ang aking bag at tumambay muna sa canteen para kumain
Tas noong nakita ko si mina na papasok ay nag mamadaling nag lakad agad ako patungo sa classroom
Pag ka pasok ni mina sa classroom ay sinalubong sya ng sari saring panunukso dahil sa pagkaining nasa upuan nya tinukso nila ito at ang iba pa ay kinukulit sya kung sino ang kanyang secret admirer
Malas nga lang talaga at natagalan si mina sa pagpasok kaya nahuli na may secret admirer sya ng aming nga kaklase
Ilang saglit ay biglang tumahimik ang lahat at tinigil ang panunukso sa kanya dahil halos ang lahat nay nag tungo sa kanilang kinaaabalahan habang ako ay tahimik na nakatingin kay mina hinihintay inumin ang kape
Ng wala na lahat ng atensiyon kay mina ay naka hinga na sya ng maluwag at kinain ang chocolate pansin kong gutom na gutom si mina dahil sa mga malalaki niyang pag kagat sa chocolate at hindi tumagal ay ininom na den nya ang kape
Titig na titig ako sa kanya at medyo natatawa dahil wala siyang kaalam alam na may lason yonAt maya maya ay bigla napatigil sa pag inom si mina at agad na may niluwa sa kanyang kamay at gulat na gulat sya ng makita kung ano ito at kung hindi ako nag kakamali isang bubong itong niluwa niya ilang saglit pay Hindi na nya napigilan pat napadura at suka sya ng dugo at sa ilang mga dugo na nasuka nya ay may kasamang bubog kaya agad nilang tinulungan ito patingo sa clinic
Sana ay malagutan ng hininga si mina para den naman ito sa ikabubuti nya
Gaya ng inaasahan ko lahat ng kaklase namin ay nag tataka sa nangyare at gulong gulo sila sa nangyare kay mina ang iba naman ay sabi baka may nag lagay ng lason o ang secret admirer nya ang nag lagay ang ilan naman ay kinulam at kung ano ano pa
At nung hapon ay nag tungo lahat kame sa clinic para kamustahin ang lagay ni mina ngunit pag dating namin ay wala na ito at nasa ospital na dahil hindi nakaya gamutin at sa kasamaang palad ay buhay pa ito naka stable na ang lagay niya tuwang tuwa ang lahat pero ako ay hindi
Sa likod ng palpak kong trabaho hindi ko maiwasang makontento, hindi ko man siya napatay ay nagawa ko naman siyang takutin sa pagtatanggap ng regalo muna sa kanyang admirer kaya siguradong sigurado ako na hindi na ito magpapakatanga sa isang secret admirer
Kaya naisip ko na isa akong mabuti at tunay na kaibigan
Nagmamahal
Alice
BINABASA MO ANG
Diary Of Death
Mystery / ThrillerTara at tuklasan ang istorya tungkol sa isang babae na may nakakahindik na kagustuhan pumatay