Bakit nga ba tayo madalas nasasaktan? Diba dahil umaasa tayo? Umaasa na mabalik ang dati. Umaasa na mapansin ka nya. Umaasa na sana pahalagahan ka nya at di ka saktan. Umaasa na maging mala fairy tale yung love story natin. Yung merong happily ever after. Yung asa tayo sa mga alita niyang ikaw lang at wala nang iba pa. Yung pangako niyang kayo lang dalawa forever Madaming klase ng umaasa pero ang pinaka matindi ay ang "UMASA NA MAHALIN KA NYA PABALIK". Sabi nga nila "the more you expect the more you get hurt". 'Di natin maiiwasan na umasa pero tandaan mo ito kapag umasa ka humanda ka masaktan. Dahil hindi lahat ng inaasahan nating mangyrai ay nangyayari.