Prologue

31 4 0
                                    

Masyadong mainit, 'yan ang hindi ko namiss


at siya...


Napakainit talaga sa Pilipinas. After three years, finally I'm back. My dad would probably be angry, mad actually if he sees me walking inside our mansion.


Galit na galit si Daddy sa bigla kong pagalis, ayon sa kwento ng Ate ko na si Jeana, siya lang ang nakakausap ko dito sa mula sa Pilipinas habang nasa Canada ako.


Papalabas na ako ng airport, dala dala ni Kuya Jose ang mga gamit ko, konti lang yun, hindi ako magtatagal, kailangan lang ako nina daddy sa kompanya, tatlong buwan lang, aalis ulit ako. Mawawala ulit ng parang bula, hindi ko na sinabing hindi ako mags stay for good, siguradong pipigilan lang nila ako.


Kung magpapapigil


Pagkalabas ko ay mga flash ng camera ang sumalubong sakin, mga nagtutulakang reporter na walang magawa sa buhay kung hindi pakialaman ang buhay ng iba.


I'm not even a showbiz personality para pagpyestahan nila.


"Ms. Dela Cuesta after three years staying in Canada, bakit kayo nagbalik?"


Pakialam mo?


"Ms. Janna are you back for good?"


"Ms. Dela Cuesta itutuloy niyo na po ba ang engagement niyo with Mr. Lopez?"


"Ms. Janna bakit bigla kang nawala sa mismong araw ng kasal mo?"


Pucha . Buti na lang at nakashades ako kaya hindi nila nakita ang nanlaki kong mata sa tanong ng mga chismosa na 'to.


Dire diretso lang ang lakad ko habang pinipigilan ng mga guards ang mga reporters. At sa wakas ay nakasakay na ako sa kotse namin. Shookt, so hot here.


"Kuya Jose, bakit po sila nandito? Akala ko po naman walang aberya ang pagdating ko." tanong ko sa driver namin. Matagal na rin siyang nagta- trabaho, nung highschool kami ay siya na ang naghahatid sa amin.


"Naku Ma'am sorry po, may nakasunod po ata sa akin kanina. Alam niyo naman po matunog ang pangalan niyo simula nu-"


"Ahh okay kuya, sige na. Drive ka na, ha? Tutulog lang ako. Alam mo na jet lag."


Tumango si kuya. Sumandal na ako, at tumingin sa labas. Ang dadaldal ng mga tao, daming sinasabi na ayaw kong marinig.


Muni muning nakatingin lang ako sa labas ng sasakyan, malayo pa ang bahay namin, marami pang akong pagdaaanang traffic at kung ano anong asungot.


Nagvibrate ang cellphone ko.


Ate Jeana:
Nasan ka na?

Vague Skies' Mistake [Her Love Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon