Chapter 1

21 2 1
                                    



Pagkatapos nang huling klase ko ay nagpunta na ako sa paborito naming cafe. Makikipagtagpo ako kay Dyle, ang best friend ko.

Habang papunta ako sa parking lot nakasalubong ko si Christopher, syempre kasama na naman ang girlfriend niya, napatingin ako sa baba. Kabarkada ni Ate Ji ang Kuya niya, hindi naman porke magkaibigan ang kapatid namin eh kailangan magkaibigan din kami.

Dumiretso ako sa iniingat ingatan kong Chevrolet Volt ko, regalo ito ni daddy nung 18th birthday ko. I never really had a thing for cars, kahit anong kotse ayos lang, ayaw ko rin ng flashy cars that would catch attention. As much as possible I want to be invisible. And I guess I succeeded because so far, walang lumalapit sa akin na sino man to offer friendship o manligaw just because they thought I was rich. Well that's my family's wealth not mine.

Pagpasok ko sa cafe ay agad kong nakita si Dyle na kumkakaway kaway, nilapag ko ang denim jacket ko sa upuan at niyakap siya, minsan na lang kami magkita ni Dyle, wala kasi ang gusto niyang kurso sa university ko.

"Janna, sobrang namiss kita. My gosh, three days akong nabusy. Ikaw? Anong pinagkaka-abalahan mo?"

"Medyo nab-busy ako dahil sa thesis ko. Alam mo na graduating." Sabi ko sa kanya na may halong pangaasar, kase ang gaga architecture ang kinuha so dalawang taon pa ang bubunuin niya bago makatapos, kawawa naman.

"Naku, buti ka pa, ako? Magtitiis pa nang ilang taon at magrereview sa board. Teka umorder ka na ba?"

Umiling ako at nagpaalam na oorder muna. Habang nasa counter napalingon ako sa couple na kumakain sa gilid. Shoot, si Christopher at ang girlfriend niya. Bago pa ako mahuling nakatingin ay inalis ko na ang tingin ko sa kanila.

Pagkaupo ko ay nakabuklat na ang planner ni Dyle habang nilalagayan ng sandamakmak na pending activities ang task-to-do list niya.

"Ganyan ka ba kabusy, sis?" Napatunghay siya.

"Sorry sis ha? Malapit naman nang matapos ito." Sumandal muna ako sa upuan at hinintay na matapos si Dyle at ang order ko.

Mas naunang matapos yung order ko kaya tumayo na ako para kunin yun, ala pesto pasta at strawberry smoothie. Sa pagkuha ko ng tinidor ay nakita ko na naman si Christopher. Nagkatinginan kami at agad akong nagiwas ng tingin.

Marahas kong naibaba ang pagkain ko na ikinagitla ni Dyle. She looked at me shocked of what I did, her big eyes are got bigger.

"Okay ka lang?" tanong niya with much concern.

"Andito si Christopher, kasama yung girlfriend niya." Pabulong kong sabi sa kanya.

Long time crush ko si Christopher Lopez, magkaibigan ang pamilya namin. Bata pa lang ako ay siya na ang crush ko. Sobrang sikat niya sa campus, kaya lahat ng naging girlfriend niya ay kilala ko. Sa ngayon ang babaeng ito ang pinaka matagal, 1 year and two months, pero kahit ang dami niyang girlfriend ay gustong gusto ko pa rin siya. Isa na ring dahilan kung bakit ako nasa school na yun ay dahil sinusundan ko siya. Isang taon lang ang tanda niya sa akin, irregular siya kaya hindi siya nakagraduate on time.

"Gaga ka, anong ginawa mo?" Ang bibig talaga nitong si Dyle.

"Wala, nagkatinginan lang kami. Yun lang." Napamake face na naman siya.

"Yun na yun? Ganyan na ang reaction mo?" Napasandal siya.

Inirapan ko na lang siya at kumain. Kumain na rin siya ng order niyang blueberry cheesecake at iced coffee, pinipigilan ko siyang magkape, makaka-apat siyang session ng kape sa isang araw, least na yan, ayaw pa rin magpapigil mahimbing pa rin naman daw ang tulog niya kahit kape na ang laman ng dugo niya.

Vague Skies' Mistake [Her Love Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon