ALPHACLINT'S POV
"Pasok ka na", utos nya sakin. At pumasok naman ako. Hindj ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi rin kasi ako sanay na magpahatid or sumakay sa kotse ng iba. Mas sanay ako pag yung driver ko ang naghahatid sakin. Pwede rin si kuya at si dad pag may extra time sya.
"Mang Robert, daan muna tayo sa park. Bibili kami ng street foods", sabi nya sa driver.
What!!! Street foods? I dont eat street foods.
"Kuya Alvin, I dont eat street foods"
"Hindi naman marumi yun, tsaka suki ako don"
Seriously? Ang yaman din nila tapos kumakain sya ng ganon? Hindi nalang ako sumagot dahil baka sa iba na naman mapunta ang usapan namin. Pagkatapos ng ilang minuto ay tumigil ang sasakyan sa park. So sineryoso nya. Bahala sya. Hindi ako kakain.
"Clint, baba na"
"Ayoko"
"Bubuhatin kita sige ka"
Kahit hindi ako naniniwala na bubuhatin nya ako ay bumaba nalang ako. Mas malaki yung katawan nya sakin and sa tingin ko ay 6'1 yung height nya. Ang tangkas ng taong to.
"Kuya, dalawang baso ng tig-twenty pesos na squid balls", sabi nya sa vendor.
"Uy Alvin, sino tong kasama mo?", tanong ng vendor.
"Ahh sya si Clint kuyss, anak ng may ari ng school na pinapasukan ko, pinapabantay sakin eh baguhan sya dun e", explain ni Alvin.
Di na nagsalita ang vendor. Linuto nalang nya ang sabi ni Alvin at ako naman, nakatayo lang. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil hindi talaga ako kumakain ng ganito.
ALVIN'S POV
Paano ko ba mapipilit na kumain to eh hindi naman kami close. Gusto ko makipagclose sa kanya pero parang ayaw nya. Parang napilitan nga lang syang sumama sa akin. Napansin ko kanina pa nya linilibot ang mata nya. Iba talaga pag sobrang yaman. Hindi hindi babagay sa ganitong lugar. Eh ako, mayaman naman ako pero kailangan na ibagay ko ang sarili ko sa ganitong lugar para hindi ako nag iisa.
"Ayaw mo ba dito?"
Pero nginitian lang nya ako. Yung ngiti na pilit lang. Kita ko sa mata nya na puno ito ng kalungkutan. Mayaman nga ito pero parang may kulang sa parte nya.
"Alvin eto na order mo o", sabay abot sakin ng nagtitindan. Inabot ko ito kasabay ng pagbigay ko ng bayad. Dalawa pa naman na tig-twenty pesos to. Paano ko uubusin kung ayaw ng kasama ko.
Nagulat nalang ako nung agawin nya sakin yung isa at saka sinimulang kainin to.
"Alam kong pipilitin mo ako kaya inunahan na kita", sabi nya habang kumakain. Nakakatuwa lang dahil hindi sya nagreklamo habang kumakain. Kaya kumain na rin ako. Pagkalipas ng ilang minuto ay natapos na namin ang kinakain namin at nagpasya kaming umuwi na.
Habang nasa byahe kami ay tahimik lang sya. Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa bahay nila.
"Thank you kuya Alvin", saad nya nung nakababa sya. "Bukas ulit", dagdag nya.
"Welcom Clint, sige bukas ulit", nakangiti kong sagot sa kanya.
Ngiti lang ang muling sagot nya sakin at pumasok na sya sa gate nila."Tara na po", utos ko sa driver.
Nakangiti ako habang tinatahak namin ang daan pauwi. Ano bang meron kay Clint kasi kanina pang nasa isip ko yung ngiti nya. Ang cute pa nya. Gusto ko na ba sya? Pero hindi naman ako bakla. Hindi pa kami close pero bakit parang namimiss ko ulit sya. May bigla akong naisip.
BINABASA MO ANG
What He Did Is Very Colorful
Romance"Me? A gay? No! Hindi Hindi ako mafafall jan" -Alphaclint "He's so cute and charming, but why do I have to fall in love to him? Am I gay?" -Alvin