Para sa mga Single Version 2

52 0 0
                                    


Pag daw may mangga, mayron dapat bagoong

Pag merong suka, mayron ding chicharon

Pero bakit yung iba, walang partner na katumbas?

Ganon yata talaga no? Kapag sa pag-ibig ay malas.


Walang babati araw-araw kundi Smart o Globe

Wala ka ring katext kahit parating may load

Walang mangungumusta sa bawat araw mo

Mabadtrip man maghapon, walang susuyo sayo


Walang magtatanong kung, "Kumain ka na ba?"

Kaya ikain mo nalang yan, tataba ka pa

Wala rin naman kasing may care sa figure mo

Di man sexy o NO abs, walang lalambing sayo


Tuwing Valentine's Day, walang natatanggap

Banned ka rin sa mga couple shirt shops

Pag bumili ng buy1 take 1, wala man lang kahati

Kapag namamasyal, mag-isa lang palagi


Tuwing manonood ng sine, palaging mag-isa

Wala man lang kayakap, kahit sobrang lamig na

Tingin nalang sa mga magjowang magkaakbay

Kaya pag horror ang showing, mag-isa ka ring mahimatay


Kung wala kang kuting, wala sayong lalambing

Kaya mabuti pa, matulog nalang nang mahimbing

Kung wala kang aso, walang sayong hahalik

Umalis man ng bahay, walang maghihintay bumalik


Pero para pagaanin naman ang loob mo

Di lahat ng single ay solo hanggang dulo

Baka hindi palang dumadating ang iyong TADHANA

Kaya ang iyong SINGLE LIFE, i-enjoy mo muna!


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Para sa mga Single (Tula #28)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon