SNAP CHAT

1 0 0
                                    

Isang oras na akong naghihintay sa kaibigan ko pero wala pa rin siya, asan na kaya siya?
Kasalukuyang nandito ako ngayon sa Cafeteria katabi ng isang mall,maraming tao dahil tanghali na, karamihan sa mga kumakain dito ay mga emplayado ng stalls sa Mall.


Sumimsim muna ako sa inorder kong blue lemonade bago i-unlock ang phone ko para magtake ng photos.


Habang naghihintay ako sa kaibigan ko ay kinuhaan ko muna ng litrato ang pagkain na kakarating lang, ang babyback ribs na inorder ko.


Maraming litrato ang kinuha ko para marami rin akong pagpipilian dahil ipopost ko ito sa Instagram.


Isang litrato pa ang kinuha ko sa aking sarili para ipost ito sa Myday ng Facebook ko.


Pagkatapos kung kumuha ng litrato sa facebook app ay agad ko naman inopen ang Snapchat para libangin ang sarili ko, maraming filters ang pagpipilian, at dahil November ngayon at halloween, ang ginamit kong filter ay may kutsilyong nakabaon sa magkabilang ulo ko,pero bago ko pa naiclick iyon ay dumating si Krishna, ang kaibigan ko na saksakan ng ganda pero maarte,  pero dahil kaibigan ko siya ay tanggap ko siya.


Ganito palagi ang eksena namin kapag nagyayaya siyang maglunch dito sa Cafeteria na ito, isa sa mga dahilan kung bakit kami palaging nandito ay crush niya ang lalaking cashier ng cafe na ito.


"Queen, kanina ka pa dito? I'm so sorry dahil It was so traffic and di kita na text kanina because there was no signal sa road", pambungad niya dahil late siya


"It's okay Krish. Hey look at your crush, simula ng dumating ka ay tumitingin na siya dito oh", sabay turo ko sa crush niya na may kinakausap na customer at pasulyap sulyap sa inuupuan namin.


"Talaga?" tanong ni Krish. tumango naman ako para sumang ayon sabay sumimsim sa Blue Lemonade ko.


"Oh, nagsnapchat ka pala?" Ani Krish sabay kuha ng phone ko at nagselfie sa filter na pinili ko


"Nastory ko na ha, don't try to delete it. I'm gonna be super mad at you if you do" dagdag pa niya sabay sauli saakin ng phone ko


Umorder narin si Krishna ng baby backribs at blue lemonade at dahil nachecheapan siya sa price ng cafeteria na ito ay nilibre niya ako at pangbawi niya narin daw dahil ilang oras akong naghintay.


Bago kami umalis sa cafeteria ay tinawag siya ng crush niya habang tumatakbo papunta sa aming direksyon.


"Hi! Can I have your number miss? Kasi matagal na kitang crush simula nung pumunta kayo rito" Ani ng crush niya pero sa akin nakatingin.


"Hello, I'm Krishna, I'm glad na you want my number..." sabat ni krishna pero pinutol ng crush niya


"Hi I'm glad to meet you but, I was referring to her," sabay turo sa akin " What's your name?" dagdag niya habang nakatingin sa akin


nabigla ako dahil akala ko ay si Krishna ang kausap niya.


"Ha? Hindi ako nagbibigay ng number eh, pero ito ang kaibigan ko pwede siya. I'm sorry." Ani ko sabay presenta kay Krishna na mangiyak iyak na sa kahihiyan


"OH, Okay lang. WAg nalang" ani ng lalaki sabay talikod sa amin

Tiningnan ako ni Krishna na parang galit at iniwan ako.

Simula nun hindi na ako kinausap ni KrishnaNaiintindihan ko kung bakit pero miss na miss ko na siya, alam kong galit siya sa akin kaya hinayaan ko nalang muna.


AT ngayon ay bored nanaman ako, usually kasi kapag di kami magkasama ni Krish ay nagvivideocall kami pero ngayon wala na, at dahil nga bored ako ay kinuha ko ang phone ko at inopen ang Snapchat.

Laking gulat ko dahil hindi pa nag eexpire yung picture ni Krishna sa Snapchat stories ko na ilang weeks na, baka nag error lang ang app kaya ganyan.

Namili ako ng filters at ang pinagtataka ko ay tapos na yung halloween at lahat ng filters ay ganun parin. 


Pero okay lang, kaya pinili ko ang may black flowers na lumilitaw kapag tinitilt mo yung ulo mo kasabay ng paglitaw ng creepy na itchura mo sa filters at may lumabas sa likuran mo na Grim Reaper at tila sinasak sak ka nito ng paulit ulit, kinuhaan ko iyon ng video at ipinost sa stories ko.



Ilang araw ang nakalipas ay may tumawag sa phone ko unknown number, sinagot ko iyon

"Hello?"


"Queen, si Krishna! May pumatay kay Krishna!" hagulgol ng mommy ni krishna


"PO?! bakit po anong nangyari? Pupunta po ako diyan hintayin nyo po ako"

Nang nakarating ako, nakita ko ang ambulansya sa labas ng bahay kasabay ng pagbaba ko sa tricycle ay nakita ko ang nakahandusay na katawan ni krishna sa sahig may nakatarak na dalawang kutsilyo sa kanyang ulo at nakamulat pa ang kanyang mga mata. 


Puno ng dugo ang kanyang damit at katawan. Napagtanto ko na ang damit na suot niya ay magkaparehas sa suot niya nung nagpicture siya sa snapchat, at ang posisyon ng kutsilyo ay magkaparehas din sa picture.


Nanlambot ang aking tuhod at di makapaniwala sa tinamo ng aking kaibigan, Narito ako ngayon sa Funeraria at dito pinaglalamayan ang namayapa kong kaibigan na si Krishna, Bukas ay huling araw na kasama namin ang katawan niya.


Para siyang anghel sa damit at itchura niya. Nagdadalamhati ako sa dinanas ng kaibigan ko. Sobrang sakit na ang kaisa isahang kaibigan mo ay wala na. 


Sa sobrang pag iyak ko ay nakatulog ako katabi ng kabaong ni Krishna.


Ilang Linggo na ang nakalipas ng iniwan kami ni Krishna, Ilang linggo narin akong wala masyadong kain at tulog, Ang Dorm ko ay tila naging kulongan sa dilim nito at kalat na parang basurahan. Sobrang lungkot at nakakawalang gana mabuhay.


Ilang linggo ko na ring hindi nagagamit ang cellphone ko dahil sa pagkawala ng kaibigan ko, pero ngayong araw ay napag isipan kong mag unwind at tingnan ang labas ng bahay, nagbabakasakali akong makita ang kasayahan sa kabila ng lungkot na dinanas ko.


Naligo ako at naglinis ng dorm, binuhayan ko ang ilaw at matapos kung linisin lahat ay nagpahinga ako, kinuha ko ang cellphone ko at inopen ang Snapchat ko para mag update ng stories pero nagulat ako at nakitang naroon parin ang litrato at video namin ni krishna, sa kalagitnaan ng pagtataka ko ay may nahulog na itim na bulaklak sa cellphone ko at pinagtaka ko ulit iyon dahil wala namang bulaklak sa dorm ko, unti unting namatay ang ilaw at sa pagbukas ulit ng ilaw ay nakita ko ang isang itim na anino na may dalang scythe pero bago ko pa na aninag ang ichura ay naitarak niya na ang dalang scythe sa aking likod at unti unti akong nawalan ng buhay.

SNAPCHATWhere stories live. Discover now