Prologue

4 1 0
                                    

Naglalakad kami ngayon sa gilid kalsada habang hawak niya ang kamay ko papuntang food park na aming kakainan. Sa paglalakad ay nakikita ko ang bandang likuran niya. Nakasuot siya ng puting damit, short na di aabot sa kanyang tuhod at sa hitsura ng kanyang likod ay napapansin mo ng gwapo ang kanyang mukha.

Maraming tao na rin ang nakikita kong nagtitinginan sa aming dalawa at ramdam kong nakikita at napapasin niya rin ito ngunit imbis na pansinin ay hinahayaan niya lang. Bigla namang nasagi sa isipan ko ang ex ko na hindi ako sigurado kung ex ko na nga ba siya. Hindi naman talaga kami totally nagbreak, basta dumating na lang yung araw na hindi na siya nagparamdam kaya ngayon hindi ko alam kung tama ba to ngayong nagbabalik siya.

Habang naglalakad ay hawak hawak pa rin ni Dexter ang aking kamay. Nagdadamihan na rin ang tao sa paligid at doon ay nakakarinig na rin ako ng bulong-bulungan. Hindi ko alam kung ano ba tong dapat kong maramdaman. Kung magiging masaya ba ako kasi nandito ang taong mahal ko sa tabi ko o malulungkot dahil sa mga naririnig ko.

Hindi mawala sa akin ang pag-aalala sa sinasabi ng iba hanggang sa matanaw na nang aming mga mata ang aming pupuntahan. Nakita kong mas maraming tao ang meron dito kumpara sa mga lugar na aming nilakaran kanina.

Nakatyempo naman ako na walang taong nagpapadaan sa dinaanan namin ito. Napahinto ako at tinanggal ang pagkakahawak ni Dexter sa aking kamay. At doon na nagsimulang magulo ang isipan ko. Tumingin siya sakin at nakita ko sa kanyang mga mata ang pagtataka.

“Bakit? May problema ba?” tanong niya sakin habang ako ay nakatingin sa food park na nagraramihan ang mga tao. Tiningnan din naman niya ito at nang mapansing ang mga tao ang tinitingnan ko ay muli siyang nagtanong.

“Sila ba ang iniisip mo?” tanong niya na siyang dahilan para bumaling ang tingin ko sa kanya.

Tumango lang naman ako bilang tugon at saka nagsalita. “Hindi tama to.” Mahinahon kong pagkakabigkas habang pinipigilan ang pagtulo ng aking mga luha.

“Panong hindi tama? Wala naman mali sa ginagawa natin ah? Sila lang yung nagiisip nun.” Ika niya.

“Bakit mo ba ginagawa to? Paano ka nagkakaroon ng lakas ng loob na hawakan ang kamay ko sa harap ng maraming tao?” tanong ko sa kanya.

“Kasi mahal kita. At alam kong mahal mo rin ako kaya may lakas ako ng loob ng ipakita sa kanila na mahal kita… Mahal mo rin naman ako diba?” naluluha niyang tanong na hindi ko naman kaagad nasagot. Hindi dahil sa hindi ko siya mahal kundi dahil sa hindi ko alam kung dapat ba?

“Sabihin mo, mahal mo naman ako diba? Huy! Mahal mo naman ako diba?” paulit-ulit niyang tanong na siyang dahilan kung bakit nagsimulang pumatak ang aming mga luha.

“Oo… sa tuwing kaharap kita, sa… tuwing kasama kita. Masaya ako sa mga araw at oras na yun. Kaya oo! Mahal kita… pero… sa tuwing nakatalikod ka? Ewan ko? Hindi ko alam kung tama ba? Kung dapat ba?” sagot ko sa kanya habang patuloy sa pag ago sang aking mga luha sa aking mga pisngi.

“Bakit? Wala naman tayong ginagawang masama ah? Wala sating mali. Hindi ito MALI!”

“At hindi rin to TAMA dahil KASALANAN ‘TO!” sumbat ko sa kanya na parang ikinagunaw ng mundo niya. “…hindi ito tama, hindi ito mali kasi kasalanan to.” pag-uulit ko sa mahinahon na pananalita.

“Kasalanan ba ang magmahal? Ganun ba?” tanong niya.

“Hindi!” tipid kong sagot habang patuloy ang pagpatak ng luha naming dalawa.

“Oh? Eh ano? Dahil ba sa parehas tayong lalaki?”

“Hindi ko kasi alam kung ikaw ba talaga ang piliin ko o si Ash?”

“Bakit ka mamimili? Eh iniwan ka na nga lang niya ng di nagpapaalam.”

“Dahil di ko alam ang rason niya ‘nun.”

“So ngayon alam mo na? Siya na ba ulit ang mahal mo ngayon?”

“Gulong-gulo na ko! Hindi ko na alam kungtama pa ba to, kung niloloko ko na ba ang ibang tao pati si Ash.”

“Sinasabi mo yan kasi natatakot kang husgahan ng iba. Kelan mo ba hindi papansinin sila? Wala silang pakialam sa buhay natin. Hindi nila buhay to. Paki ba nila! Isipin mo naman tayo!”

“Kahit anong gawing pag-iwas sa kanila. Kahit anong hindi pagpansin sa kanila. Hindi mawawala sa atin ang mag-alala. Parte sila ng mundo, may gawin ka mang mabuti o masama, maganda o hindi, kasalanan man o kabutihan. Lahat yun kitang kita nila. At yun yung pinakamasamang nangyari sa mundo. LAHAT NAKA-RECORD.”

He grabbed the back of my neck and he suddenly kissed me. I felt his smooth and reddish lips touched my lips. Pagkatapos ay tinanggal niya ang pagkakalapat ng aming mga labi at muling nagsalita habng malapit pa rin ang mukha namin sa isa’t isa.

“Hindi mo man lang ba magagawang ipaglaban ang tayo? Hindi naman kasalanang maging bakla ah? Hindi naman natin kasalanang mahalin natin ang isa’t-isa.”

“Dex..ter? I’m sorry! Pero… HINDI AKO… BAKLA! At ayokong maging bakla.”

At doon na nagsimulang bumaha ng luha ang aming mga mata. Sa pagkakataong ito’y rinig ko ang paghagulhol naming dalawa at saka ako kumalas mula sa pagkakahawak niya sa akin at pagkakalapit ng aming mga mukha.

“Kuya Dexter?”

Kinabahan naman ako ng narinig kong may nagsalitang isang babae sa aking likuran. Hindi ko alam kung bakit ganun na lamang ang kaba sa dibdib ko siguro’y dahil na rin sa natatakot akong may makakitang tao sa aming dalawa.

Hindi ko alam kung lilingurin ko ba ang babaeng nasa likot ko o tatakbo na lang ako palayo upang hindi na rin niya makita ang mukha ko. At napagdesisyunan kong tumakbo na lang.

Tatakbo na sana ako palayo ng muling magsalita ang isang babaeng nasa likuran ko na nakatunugan ko at pamilyar ang boses.

“Kuya Dexter? Ikaw nga! Sino ‘tong…”

Dala ng curiosity ay lumingon ako sa aking likuran upang Makita kung sino ang babaeng nakakita sa amin. Laking gulat ko na siya ring ikinagulat nung babae ng Makita namin ang isa’t-isa.

“Lance?” bigkas niya sa pangalan ko.

“Ash?” sabi ko na lalong nagpabilis ng kaba sa dibdib ko.

“Kayo?” pagtataka niya at pagtingin-tingin niya sa aming dalawa ni Dexter.

Nakita ko ang namumuong luha ni Ash sa kanyang mga mata at nang hindi niya makayanan ay tumakbo siya palayo sa aming dalawa.

“Ash! Wait! Let me explain!” sigaw ko at sinundan siya habang naiwan si Dexter sa kinatatayuan niya. Hindi pa man siya nakakalayo ay nahila ko ang kanyang kamay at nang maiharap ko siya sa akin ay agad niya akong binigyan ng isang malakas na sampal sa kaliwang pisngi ko.

“Lance? Bak…la ka? Bakla kayo? Ang bababoy niyo! At dito niyo pa talaga naisipan ha?” sambit niya na halatang nagpipigil siya ng galit dahil nga sa open itong lugar na kinaroroonan namin.

“Ash! Let me explain!” pagpapakalma ko sa kanya at akmang hahawakan ko ang kanyang kamay ng bigla niya ulit akong sinampal ng pagkalakas.

“Wag mo kong hawakan! Paano mo…?”

Hindi na niya natapos pa ang sasabihin niya. Sa halip ay umalis na lamanag siya at agad na nagpapara ng taxi.

“Ash! Ash, wait!”

“Wag mo kong susundan!” ika niya sabay sakay sa loob ng taxi. Kinatok katok ko naman ang taxi at pinipigilang umalis ngunit hindi pa rin ito huminto at nagpatuloy lang sa pagmamaneho.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 22, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LSC: Love, Secret, and ConfusionWhere stories live. Discover now