Nakakainis Ka Na!!!

35 5 6
                                    

Nielle's POV

"Hi! I'm Nielle (Niyel) !!!" Sabi ko sa katabi ko. Shemz! Ang gwapong nilalang!

"And so?" Whatda?! Ang taray ni koya! Whatevz. I'm pretty sure na pakipot lang yan. Gosh! I so like him na since yesterday pa!!!! Geez. So conyo. -_-

"Can I----" "No you can't." Sagot nya agad kahit di pa naman ako tapos magsalita. Hmpf!!!

"Bastusan lang kuya?" Sarkastiko kong sabi. "Hindi, hindi." Sarkastiko nya ring sagot. Sabay *gulp ng-ngiti *gulp  SSHHOOOOOOCCKKKKZZZX!!!!!!!! Ampogi nya grabe!!!

******

Lumipas ang mga araw na di nya ko pinapansin. Shunga naman nito. -_-

Di nya pa ba aaminin sakin na nabihag na sya ng kagandahan ko?

Kelan pa? Naku talaga! Andaming torpe sa mundong ibabaw! Haaay. Ipapa-realize ko sa kanya yung feelings nya. Hihihi. Malay nyo di nya pa nare-realize. Hihihi. Magpapantasya nga muna ako kung paano sya aamin.

"Nielle, I like you. Ay mali, I love you Nielle" sabi nya habang nakaluhod sa harap ko. "I like you too, Rozuel." Sabi ko. (Kamakailan ko lang nalaman pangalan nya.) "Pwede bang manligaw?" Tanong nya. Shemz!!! Kinikilig ako!!! >\\\\\°\\\\\<
"Of course. Ikaw pa? Anong dahilan ko para tumanggi?" Sabi ko. OMGEEEEEEEEE!!!!!!!!

"Uuuyyy!!! Answeet!!Crush ni Rozuel si Nielle!!!!" Nagulat ako sa biglang sigawan ng classmates ko. Naputol tuloy yung daydream ko. -_-

Wait. Andaw sabi nila???

Processing....

Loading....

Transferring file....

KYAAAAAAAH!!!! >\\\\\\\\\< ANU DAW?! TOTOO?! WEH?! DI NGA?! IIIIIIIHHHHH!!!!! KINIKILIG AKO!!!!! KYAHH!!

"Crush mo ko Rozuel?" Tanong ko sa kanya. Aba. Bakit naka-pokerface lang sya! Bakit?

  "Rozuel, crush mo ba ko?" Tanung kong medyo kinikilig kilig pa.

"Hindi."

Boom. Basag. Basag si Ms. HeartKo. Ay. Hindi. Pakipot lang yan.

"Uuuuyyy. Liars go to hell, sige ka." Panunukso ko pa.

"Hindi nga." Sabi nya ulit. Ouch. Hindi, hindi Nielle. Pakipot lang yan.

"Tell the truth. Tell the truth." I chanted.

"Sabing hindi nga eh! Ba't ba ang feelingera mo?! Nakakainis ka na!!!" Sigaw nya na syang ikinagulat ko. Wag kang tutulo. Wag kang tutulo. Wag kang tutulo. Ay bwisit!!! Tumulo na yung pesteng mga luha!!! Shiz. Pinagmasdan ko ang mga kaklase ko na nakatingin lang samin. Halatang shocked pa rin. Ako, si Nielle Garcia, ang campus queen, FEELINGERA? Ouch. Parang tinutusok tusok ng itak ang puso ko. Tumakbo ako palabas ng classroom at pumunta sa rooftop. I'm pretty sure empty ito ngayon. Bumigay na ang tuhod ko at ngayon ay nakaupo na ako sa sahig. Walang tigil ang pag-agos ng luha mula sa aking mga mata. Mas lalo pa akong napaiyak noong biglang umulan. Ay bwisit!!!

Iyak lang ako ng iyak. Wala eh. Ansakit talaga. ANSAKIT TALAGA BWISIT!!!!!!

Nagulat ako ng may jacket na biglang pumatong sa balikat ko. Nilingon ko kung sino ang napakabuting nilalang na nagbigay sakin ng jacket.

O___O

"Rozuel?!" Sabi ko. Bakas ang pagkabigla sa aking mukha at boses. He just chuckled.

"Antanga mo talaga. Nagpaulan ka dahil sa sinabi ko?" Nag iwas lang ako ng tingin. May nakawala na namang luha mula sa aking mga mata. Nabigla ako ng punasan nya iyon.

"Ang tanga mo na nga, ang manhid mo pa. Di mo kasi ako pinatapos kanina eh. Ang gusto kong sabihin, hindi kita crush kase mahal kita. Eh ang drama mo. Tinakbuhan mo ko bigla." Sabi nya ng nakanguso. Aaaw. Ang cute!! Wait.

"Weh? Di nga?" Sabi ko ng may pag aalinlangan. He chuckled again.

"Oo nga. I love you." I smiled. Then he smiled.

"I love you too." Then he hugged me.

****End****

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 19, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nakakainis ka na!!! (Oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon