Kabanata 17 - Masasaktan ko sya...

6 1 0
                                    

NARRATOR

Habang tumatagal sa pagsama ni Damon sa mga lakad ni Mr. Tan ay mas unti unti nyang nalilinawan sa mga tanong nya. Kaunti nalang ay malalaman na nya kung sino ba ang nag-utos sa pagpatay ng kanyang magulang. Pero habang tumatagal ay mas lumulubog naman ang damdamin nya para kay Cath. Mas lumalalim.

Wednesday afternoon ay dumaan si Damon sa PSI headquarter para daanan ang files na kahapon pa gustong ibigay ng matalik na kaibigan.

"Uy, AgentLL." Bati sa kanya ng co-agent ng makasalubong nya ito sa hallway.

Nakangiti nitong tinapik ang kasalubong saka nilampasan. Sumakay sya ng elevator patungo sa 3rd floor kung saan ang office ng Team Martian.

"Ayos!" rinig nya ng mabuksan nya ang pinto.

Tumambad sa kanya ang buong team na masayang nagsasalo sa tatlong kahong pizza na may ibat-ibang flavor. Napatingin silang lahat sa pagpasok ni Damon. Sinalubong naman sya ni Agent Watchdog na si Simon.

"Tamang tama ang dating mo ah." Aniya.

"Malakas talaga ang pang-amoy ni Damon." Natatawang sabi ni Agent 22.

"Maupo ka at saluhan mo muna kami." Si Agent 34. Ang kanilang leader.

Naupo si Damon sa bakanteng monoblock pagkatapos dumampot ng isang hiwa ng pizza.

"Ano pala ang nangyari doon sa I.T trainee na matangkad? Bakit may arm cast yun?" Tanong ng Agent baron. Napaubo si Damon ng marinig nya iyon.

"Sino yun?" Curious na tanong ni Agent 22. "Baka nasobrahan sa pag tatype." Tatawa tawa nyang kumento.

"Si Rafael ba? Nabalian ng kamay kahapon. Napatrouble siguro." Si Simon ang sumagot saka tumingin kay Damon.

"Hi guys!" Masiglang bati ni Coreen ng nakapasok sa opisina ng kanyang ama bitbit ang dalawang bucket ng buffalo wings. "I'm sure magugustuhan nyo ito." She added saka tuluyang pumasok.

"Wow! Mapapalaban yata tayo ngayon." Si Simon na hinimas pa ang tyan

Inilapag ni Coreen ang dala saka humalik sa ama. She open na bucket ng mapatingin sya kay Damon. Her smile widen.

"Damon. Nandito ka pala."

Naglagay si Coreen ng chicken wings sa platito at inabot kay Damon. Sabay sabay tuloy nilang kinantyawan ang dalawa at mga naghalakhakan. Okay lang ito kay Damon dahil sanay na sya sa mga kasamahan nila na ilang taon din nyang nakasama. Iiling iling lang ito at nagpasalamat sa dalaga.

Masaya syang umalis ng headquarter pero kasabay nya sa bago nyang biling sasakyan si Coreen upang ihatid sa mall. Along the way lang kasi ito kaya isinabay na nya at inihatid sa bagong bukas na milktea ng kaibigan ni Coreen.

"Thanks sa paghatid ha. Gusto mo bang pumasok muna sa loob? I will treat you." Yaya ni Coreen.

"Hwag na. Kailangan ko na din namang bumalik sa trabaho."

"Ganun ba? Maybe next time?" Ngumiti sya at hindi nawawalan ng pag-asa.

"Sure. Mauna na ako." Paalam ni Damon.

Mabilis na hinila ni Damon si Coreen ng mapansin nya ang rumaragasang mall cart na itinulak ng pilyong bata. Bumagsak ito sa kanyang dibdib. She feel awkward but then she smile after she realize what happened.

"Ayos ka lang?" tanong nito.

"Ah. Y-Yes. Thanks Damon." Aniya saka lumayo ng bahagya.

Namumula ito at hindi makatingin sa binata. Hinawi nya ang ilang buhok at inilagay sa likod ng kanyang tenga. Humingi naman ng tawad ang ina ng batang tumulak ng cart.

Swept OffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon