Chapter 1 : The Day Before Monday

6 0 0
                                    

Aaliyah's POV
 
  
 
Sa sikat ng araw tayo magsisimula. Mula sa paakyat na araw at mga sinag na dumadapo sa aking mukha na siyang gumigising sa akin.
 
 
Minulat ko na ang mga mata ko at umupo para mag unat unat ng buto at sabing..
 
 
"Good morning sunshine!"
 
 
Pagkatapos kong mag unat ng katawan ay tumayo na ako at dumeretso sa banyo para magbawas.
 
 
This is my routin everytime I wake up. Pagkatapos kong magbawas ay naghilamos na ako at nagsipilyo.

 
Tingin sa salamin ang sumunod kong ginawa at nag peace sign na para bang pinipicturan ako nito bago ako lumabas ng banyo.

 
Kinuha ko ang cellphone ko sa table sa gilid ng kama ko at bumaba na ako para kumain.
 

Again, Ako si Aaliyah Alexa Ordeveza. Inshort, just call me AA. 19 years old. Single and ready to mingle. Syempre maganda, matangkad at dyosa.
 

"Morning ma." si mama kaagad ang nakita ko pagkababa ko at nagbeso ako kay mama.
 

May kilala lang naman akong babaeng pinakamapagmahal na ina sa amin ni kuya. Single mother and never mag aasawa na daw. May dalawang anak. Pero yung lalaking anak ay mukhang impakto. Siya ay si Aileene Ordoveza.
 

"Morning din, AA." bati niya sa akin. Naabutan ko siyang nagluluto ng almusal. "Teka AA, maluluto na rin ito kumain ka na."
 

"Fine." balak ko kasing manood na muna ng tv sa sala kasi tiyak na matagal pa maluluto ang almusal.
 

"Pupunta ako sa mall ngayon, ma." sabi ko sa kanya habang nagsasandok ng kanin. "Bibili ako ng gamit ko para bukas"
 

This day is sunday and my plan is to buy my things for tomorrow. Bukas na kasi ang pasukan and good news, I'm a college student now! Bye being Senior High.
 

Syempre excited na ako.
 

"Anong oras ka naman aalis? Sabay na kayo ng kuya mong si Kyle." tanong sa akin ni mama. Eh hindi ko nga close si kuya eh. Halos asaran at panlalait lang ginagawa namin ni kuya sa isat isa. "Mama, ayoko nga."
 

"Bakit sa tingin mo gusto din kita kasama? No way!" Sakto namang bumaba si kuya kaya narinig niya tuloy yung sinabi ko.
 

Kyle Ryu Ordeveza ang kapatid kong ubod ng ahmmm pangit! Joke. Medyo gwapo lang mga 1%. Siya ay 19 years old. Siya lang naman ang pusa at ako ang aso sa aming dalawa. Arf arf!
 

"May naririnig ka ba mama na nagsasalita? Baka may natapakan ako" tinignan ko yung paa ko at umakto na parang may hinahanap.
 

"Ikaw ba kausap ko?" aba ang kuyam kunyari hindi ako kausap ah. Magantihan nga uli.
 

"Hala, may nagsasalita nanaman" tinignan ko ulit yung paa ko with matching may hinahanap kunyari ulit kung saan banda ko natapakan.
 

"Tumigil nga kayong dalawa." pag-aawat sa amin ni mama. "Halika na dito, Kyle. Kumain ka na din." pag aaya ni mama kay kuya.
 

Umupo na si kuya na nakasimangot ang mukha habang nakatingin sa akin. Natatawa na lang ako sa reaction niya. "Pffft. Anong mukha yan" hindi ko napigilan na hindi matawa sa kanya.
 

Sino ba namang hindi matatawa sa kanya. Plus, gulo gulo pa ang buhok. Hindi man lang nagsuklay.
 

"Sabay na kayong dalawa pumunta and thats final." napatigil tuloy ako sa pagtawa at tumingin kay mama.
 

"Ma!" sabay na sabi namin ni kuya kaya napatingin kami sa isat isa. Nakakunot ang mga kilay at noo namin sa isat isa.
 

Kung sabay kami baka sa kotse pa lang nag aaway na kami dahil nagaawagan kung sino magdra drive.
 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 25, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Oh Girl! I Hate ItWhere stories live. Discover now