RANDOM THOUGHTS #2

4 0 0
                                    

Habang nanonood ako ng isang palabas, biglang may pumasok sa isip ko. Huli ko na ng napagtanto na ako'y unti-unti ng nahuhulog saiyo. Ngayon ko lang din napagtanto na sa tuwing napapatitig sa iyong mga mata, puso't isipan ko'y nagwawala. Hindi alam kung dapat bang sumugal muli sa isang 'di siguradong pagmamahal. Ako'y naguguluhan, hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng iyong nararamdaman. Isa lang ba talaga iyang simpleng paghanga o tulad din iyan ng aking nadarama? Di ko lubos maisip na iyong mga simpleng pagsulyap sa iyo ay lalalim ng ganito. Hindi ko rin alam kung bakit bigla na lang ito pumasok sa aking isipan. Hindi dapat ganito ang aking iniisip dahil nasa kasagsagan tayo ng dilema. Pero ano bang magagawa ko, sa bawat oras na nagdadaan laging ikaw ang naaalala. Ayoko ng makaramdam ng pangamba, kung kaya't bigyang linaw.




Ano nga ba talaga tayong dalawa?

RANDOM THOUGHTS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon