Ability 3

4 2 0
                                    

Stitch's P.O.V


Pinagmasdan ko si Psycho na lumalakad patungo sa kanyang lola at lolo. Niyakap siya ng mga ito at hindi tumagal ay kumalas din siya. Bakas sa mga mukha ni Psycho ang kasayahan ngunit agad din itong napawi. Pinagmasdan ko sila hanggang sa umuwi na ang mga ito.


Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay agad akong tumungo sa Pricipals Office. Pag dating ko don ay agad kong nakita ang aking lolo na palabas na sana ng pinto. Nakabusangot ang kanyang mga labi at hindi maitimpla ang kanyang mukha.




"Good afternoon Lo, what's the problem?" Bati ko sakanya at agad naman itong lumingon patungo sa direksyon ko.


"Kanina pa kita hinihintay Apo" Ayan nanaman magagalit nanaman yan. RUN


"Sorry Lolo kasi magkasama kasi kami ni Psycho, hinatid ko lang siya sa may gate at inabtay na maka-alis"


"HAHA HAHA may namumuo na atang closure sainyong dalawa ha" Tinignan ako ni lolo ng makahulugan at sinuri niya ang aking mukha. Ano  ba maissue ata tong matanda na to.



"Wala po lolo we're just friends and it's really a pleasure na maging magkaibigan kami"


"Friends lang ba talaga apo?"





"Friends lang talaga Lo".




"Oh baka?"





"Baka ano?"





"Friends with benefits" Sabi niya sabay humagalpak ng tawa. Nagkibit balikat nalang ako  at umalis kami kaagad ni lolo.



Umalis na kami ng kanyang office at patuloy na lumalakad papunta sa kanyang sasakyan dahil naka park ito. Habang naglalakad kami ay patuloy kaming nag-uusap tungkol kay Psy.



"Lo, alam niyo ba na may napapansin ako kay Psy"





"Napapansin mo na siya Apo? So ano na yun friends with benefits? Edi tama ako" Sunod sunod na tanong niya sakin at agad na humagalpak ulit ng tawa.




"Alam niyo Lo ma issue po kayo"




"Bakit iba ba?"





"Iba kasi ang ibig sabihin ko Lo, may kakaiba rin daw si Psy na napapansin minsan daw akala niya na may sumusunod sa kanya at kanina nakita ko siyang may iginuguhit tapos sa hulisabi niya lahat daw ng iginuguhit niya ay ang nasa panaginip niya."

"Baka nagsisimula ng gumana ang kanyang ability apo."





"At eto pa ang kanyang mga napanaginipan daw ay tugma sa pagkapatay ng parent's niya basi sa kwento ng lola at lolo niya ay parehos daw talaga ito sa mga iginuhit niya. May iginuhit din siya kanina na sanggol na nilalagyan ng marka sa liig."



"Baka normal na panaginip lang iyon apo."



"Hindi po ata, ang sa iginuhit niya na sanggol ay parang siya."



"Paano mo naman na sabi iyan apo?"


"Kasi lolo ang marka po sa sanggol na iyon ay kaparehas sa kanya, ipinakita niya sakin iyon."




Pinag usapan namin ni lolo ang lahat ng ito hanggang sa makarating kami sa aming bahay. Kaming dalawa lang ni lolo ang nakatira dito dahil ang mga parent's ko ay nasa kastilyo sa aming mundo. Mundo na puno ng kapanyarihan, at meron isang kapangyarihan na nangingibabaw sa lahat. Kapangyarihan na walang katumbas. At anhf nag mamay ari nito ay isang munting sanggol na hindi pa nila kilala.



Nasa tapat na kami ng pintuan at hinihintay ko nalang si lolo na buksan ang pinto dahil nasa kanya ang susi. Una akong pumasok dito at inintay na makapasok si lolo. Ni-lock ko muna ang pintuan at agad na tumungo sa aking silid, si lolo naman ay nasa kusina.


Pagkapasok ko sa aking silid ay laking gulat ko na may bolang tumalbog patungo sa akin. Hindi lang isa kundi dalawa. Baka may taong pumasok dito sa bahay. Agad kong naalala si lolo at dali dali akong bumaba at tumungo ng kusina. Nakita ko si lolo na normal na nag luluto.

"Lo may nakapasok sa bahay." Kinakabahan kong sambit at pilit na tinatahan ang aking pakiramdam.



"Ha?!" Sigaw. niya na nagpa pintig ng aking magandang tainga.



"May pumasok kako sa ating bahay."




"Dito lang tayo sa kusina walang aalis."



"Bakit? Takot po kayo Lo?" Sabi ko at pinagmasdan ang mukha ng matanda gulat siguro ito sa aking sinabi.



"Sinong nagsabing n-natatakot ako h-ha"




"Ako po"




"Loko kang bata ka alam mo na iyong sitwasyon natin at nag loloko kapa talaga ha."


"Nasa kwarto po ata sila Lo."



Umalis kami at tumungo sa aking kwarto. Dahan dahan kong binuksan ang aking pintuan at pumasok kami ni lolo. Pina andar ko ang ilaw at laking gulat ko na ang bumungad sa amin ay isang sulat. Ito ay naka lagay sa aking dingding at nakasulat gamit ng dugo.


Hindi ko inaasahan ang isinulat nito.

Ang ika-labing anim na kaarawan ng itinakda ay siya din ang araw na masasaksihan nito ang kanyang kapangyarihan.



"Ano ang ibig sabihin nito apo?"






"Hindi ko din alam lolo pero pag-isipan ko."



Pagkatapos ng pag uusap na iyon ay agad na akong humiga sa aking kama. Ilang minuto ko din pinag isipan ng mabuti ang mga salita na ito ngunit ni isang detalye ay wala akong maisip.

Ilang minuto ay pumasok sa isip ko si Psycho at ang mga nanyari kanina sa school. Then reality hits me hard as fvck wala pala akong regalo bukas para kay Psy kaarawan pala niya sh*t. Pinag isipan ko kung ano ang ireregalo ko kay Psy.


Nawala sa isipan ko ang mga salita na nakasulat sa aking kwarto dahil sa kay Psy. I don't know what gift should I gave her. Bigla kong naalala ang binigay ni lola sa akin, isa itong kwintas na may nakalagay na letrang P ito nalang ang ibibigay ko kay Psycho. Naalala ko pa noon ang habilin sakin ni lola na ibibigay ko ito sa matalik kong kaibigan.

--------------------------------------------------------------
A/n:

Hi peoples sana po magustuhan niyo ang update na ito. Please mag vote po kayo kung sakali. I will continue writing this story even if I haven't have any readers :> Thankyou Godbless and Lovelotsssss






Ability (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon