Chapter 1

25 3 0
                                    

Xyril's POV

Hi I'm Xyril Dela Vega isa akong Grade 10 student and im 15 yr/old. Well hindi ko na kailangang magpakilala ng lubusan dahil makikilala niyo rin ako,kung sino nga ba ako sa kwentong ito...

Isang umagang pinakahihintay ko ang pagpasok sa paaralan at unang araw siyempre excited ako kung sino ang makakasalamuha ko sa buong taon,ano kaya ang magiging takbo ng buhay ko. Hinihiling ko na maging maayos dahil ito na ang huling taon ko bilang Junior High School,mag aaral ako sa Supreme Academy University,isa sa mga sikat na paaralan sa buong province of Isabela ang SAU,sa totoo lang ay kinakabahan ako dahil mag isa lang akong pupunta sa paaralan at hindi ko alam kung ano o paano ang gagawin ko pagtungtong doon.

Pagkabangon ko ay agad akong pumasok sa banyo para maligo. Wala sila mama ngayon maaga silang umalis dahil may pupuntahan raw at nakapag handa  na ng almusal ko bago umalis kaya maliligo nalang ang aking gagawin para pagkalabas ko ng kwarto ay kakain at aalis na.

Nang matapos na akong maligo ay agad akong nagbihis at nag ayos,inihanda ko na ang lahat ng gamit ko pagpasok, sa totoo lang ay naihanda ko na hindi pa nagsisimula ang pasukan ay naihanda ko na. Nang maihanda ko na ay lumabas na ako sa kwarto para kumain at pumasok na. Kinakabahan ako at nahihiya

'Paano nalang kaya kung maraming mga tao doon?napabuntong hininga ako sa isipin nakakahiya mag isa pa man din akong pupunta doon'

Hindi kasi ako sanay sa mataong lugar oo alam kong paaralan,lalo na't unang araw ng pagpasok ito pero..hayyst ewan ko ba bahala nalang

Medyo malapit lang ang paaralan sa bahay namin kasi saskay lang ng jeep at aabutin ka lang naman ng trenta'y minuto bago makarating. At nang makalipas ang ilang minuto nakarating na ako sa paaralang papasukan ko bagong lipat ako ng paaralan dahil napakalayo masyado ng pinang galingan kong paaralan medyo sa bayan pa kasi iyon at mahirap ang sasakyan lalo na kung wala kang service kaya napagdesisyunan nalang namin nila mama na lumipat nalang ng paaralan malapit lang naman ito sa bahay namin kaya okay na rin sakin 'yun nga lang at bago na namang uniporme,bagong taong makakasalamuha.

Isang malawak na lugar hindi ko inasahan na malawak pala ito akala ko'y isang ordinaryo at parang sa nakikita kong Unibersidad pero hindi ganito kalaki.

Sa 'di kalayuan sa Unibersidad ay bandang kanan may parking lot at malawak rin ito. Entrada pa lang ng paaralan ay makikita sa taas nito nakasulat "Welcome to  Supreme Academy University"unang tingin mo pa lang hindi mo masasabing isa itong pampublikong paaralan,malaki pero simple lang.

Nang mamasdan ko ang labas ay pumasok na ako. Pagpasok na pagpasok ko bumungad sa aking paningin ang tatlong gusali.

At tuluyan na nga akong pumasok,naglakad-lakad,pinagmamasdan ang buong lugar. Inilibot ko ang aking paningin sa bawat sulok na aking madadanan at gaya ng sabi ko malawak siya. Hanggang sa matunton ko ang isang gusali ito yung pinaka una,halos magkakatabi kasi ito pero may espasyo pa ring namamagitan.

Alin kaya rito sa tatlong gusaling iti ang magiging silif aralan ko? Tanong pa sarili

Tumingin ako sa aking relo at nakita kong maaga pa kaya nagpatuloy pa rin ako sa paglilibot,nilibang ko muna ang sarili hanggang sa nagulat nalang ako dahil sa lakas ng pagkakatunog ng isang Bell.

Wala akong alam at mas lalong hindi ko alam ang aking gagawin,nagpalinga-linga ako sa paligid at pinagmasdan ang mga estudiyanteng naglalakad at ang iba naman ay tumatakbo huh?bakit tumatakbo?. Ipinilig ang ulo sa pag iisip na ewan(hano raw?)

Wala na akong nagawa sinundan ko na lamang ang mga estudiyante na ewan ko kung saan patungo hanggang sa laking hanga at gulat ko nang.....ang laki! Oo at malaki dahil narito ang lahat sa isang tingin ko ay Ampitheater at hindi ko inaasahan marami na palang mga estudiyante doon hmm nakakapagtaka

Everytime I wear a MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon