~~~•~~~
~°~3rd Person POV~°~
habang kumakain ay pansin ni Katheryn na may nakatingin sa kanya pero pinag sa walang bahala nya lang ito
hindi maiwasang mapalinga linga ni katheryn sa paligid dahil hindi mapanatag ang loob nya
"ayos ka lang KC?" medyo nawala ang pag aalala ni Katheryn ng magsalita si Andrea sa tabi nya
nasa isang mall sila sa isang fast food chain wala silang pasok kaya naisipan nilang gumala at maglibang kaya naman mag kakasama sila
"Oo naman" pinilit nyang ngumiti para hindi nila mapansin na parang balisa sya mukha namang umubra pero hindi pa rin sila ganong kumbinsido sa sinabi ni Katheryn
"omg my paboritong fashion brand,they have bagong dress and its limited edition kaya i will buy it na mamaya when we tapos tapos to eat" masayang sabi ni Stephanie kaya naman napailing sila dahil sa pamamaraan nitong mag salita
"alam mo Steph kumain ka na lang" naiiritang sabi naman ni bea kahit na sanay na sya sa pamamaraan ng pagsasalita ni Stephanie ay naiirita pa rin sya rito
"I'm not like you kasi tsk" inirapan ni Stephanie si bea at napailing na lang ito sa kanya dahil pag nakipagtalo pa sya rito ay hahaba lang ang usapan
"saan pala tayo mamaya?" Binaling na lang ni Bea kila Selene na kumakain din ang atensyon
"Arcade?" Hindi siguradong sagot naman nito kay Bea
"matagal na pala tayong hindi nakakapag Arcade" lintayang ni Andrea kaya napatango naman sila
"ang dami naman kasi nating ginagawa wala na tayong time para magsaya" lintayang din ni Kiera na napabuntong hininga pa
"buti na lang at naisipan nating gumala kahit paminsan minsan lang" napatango sila sa sinabi ni sofia na para banag sangayon sila sa sinabi nito
hindi na nakisali ang iba sa usapan dahil abala sila sa pag kain samantalang lihim na napapalingon si Katheryn sa paligid at pinakikiramdaman ito
dati ay hindi nya ito iniinda pero nahahalata nyang lagi na lang may nakasunod o umaaligid sa kanya hindi lang nya malaman kung sino hindi nya rin ito sinasabi sa iba iniisip nya na baka wala lang ito o baka naman mali lang sya ng akala na may sumusunod sa kanya
tinuloy nya na ang pag kain dahil sya na lang ang nahuhuli pero napapalingon pa rin sya
nang matapos ang lahat na kumain ay napag isipan nila na sa Arcade na lang sila pupunta para malibang ang sarili kaya naman nagpahinga muna sila ng unti dahil kakakain lang nila
ng makapag pahinga ay nagsitayuan na sila sa kanya kanyang upuan at yung iba ay naguusap usap pero si Katheryn ay tahimik lang sumasabat lang sya kapag tatanungin sya ng mga ito
naglakad sila papuntang arcade pero yung iba ay gustong mag punta sa iba kaya nag kahiwa hiwalay sila
walo lang sila na pupuntang arcade kaya naman ng makarating sila ay sobrang saya ni chelsea habang bumibili ng tokens kaya napapailing sila na sumunod dito at bumili na rin ng tokens para makapag laro na
BINABASA MO ANG
【Villalus series】-『LAST SECTION』
Teen Fiction➪UNDER EDITING✍︎ Tyrone Jeist Villalus the cold hearted man at the same time a billionaire he didn't expect that he will fall inlove with a girl that will tame her in his demon side the girl who will change his life and the only girl who entered th...