Hi, My name is Angelica Cullen. I'm 29 years old, and I am a teacher. Bakit ako nag- teacher? kasi gustong gusto ko talaga ang mga bata. Pre -school teacher ako sa Life Christian School. Kung lovelife naman ang tatanungin nyo I never been inlove, as in never! N-E-V-ER. Hindi naman sa mataas ang standards ko hindi ko lang talaga makita yung taong magpapatibok at magpapabago ng pananaw ko sa pag-ibig. Bast ako ayoko sa kumplikado, gusto ko sigurado. Hindi ako yung tipo ng girl na madadala mo sa chocolates and flowers and everythinng. In short hindi mo ako basta basta malalandi. Kaya nga siguro until now single ako.
By the way, you can call me "Pinky", malayo siya sa name ko pero there's a reason behind kung bakit yan ang nicknamae ko.
Noong nabubuhay pa si Mommy, everytime na may sasabihin siya sakin gusto ko laging may assurance. I always do the Pinky promise, alam nyo yon? yung pinaka maliit na daliri mo sa kamay. Sabi kasi nila pag ginawa mo yon sure na sure ka na totoo yung sinasabi ng tayo sayo. Na hindi ka lang sigurado, siguradong sigurado ka na tutuparin nya yung promise nya.
At naniwala ako doon... :(
Until one day, when I was 10 yrs old my mom passed away. Stages 4 cancer, tinago nila sakin buong akala ko simple lang yung sakin ni Mommy. Labas pasok kami sa hospital, pero wala akong narinig na kahit anong explanation kay Daddy. Ang naalala ko nalang umuulan ng araw na yun, tahimik ung parang nakakabingi tapos lumabas si Daddt galing sa emergency room. Niyakap nya ako at umiyak siya ng sobra. Yun ang huling natatandaan ko. Sobrang sama ng loob ko noon, hindi ako makakain, nawalan ako ng gana lumaban sa buhay at hindi na ako naniwala kay Mommy. Na-alala ko pa nung nag- pinky promise siya na hindi nya ako iiwan. Pero wala, hindi niya tinupad ang pangako nya. Then I realized na promises are made to be broken. Naging sigurista ako, hindi ako basta- basta naniniwala sa mga tao. Lagi kung sinabi sa sarili ko na hindi ako tataya sa isang bagay o sitwasyon na hindi ako sigurado, na hindi ako mananalo. At hindi ko na hahayaan na maniwala, masaktan at iwan ako ulit.
Noong namatay si Mommy, gumuho ang mundo ni Daddy. Para na siyang robot hindi mo na makausap, bihira na rin ngumiti. Minsan nga hindi na kami nagkikita sa isang bahay. Siguro kasi kamukhang kamukha ko si Mommy at di nya ako kayang tignan. Hindi niya ako kinausap mula pa noon.
Okay naman ang buhay namin, but unlike sa mga friends ko na sila Jael, Diane, Jai at Natasha ako siguro yung nasa middle class. Hindi naman kami mayaman, sakto lang. Pero pinag- aral ako ni Dad sa kilalang iskwelahan kasi siguro iisa lang naman akong anak at doon din kasi sila nagkakilala ni Mommy.
And daming dahilan para maging malungkot pero mas maraming dahilan para maging masaya. Kahit na wala na si Mom maramin naman akong friends. Pakiramdam ko they are angels from above. Lima kami sa barkada since elementary magkakaibigan na kami. At ako yung pinaka tahimik, hindi naman sa ayaw ko magsalita. Minsan tinatamad lanag ako. I'm a type of girl na pakikingggan ka kahit gaanon pa kahaba yung kwento mo. Mas okay kasi makinig kesa mag-salita.
Minsan naiisip ko na unfair ang mundo kasi maraming happy family pero ako eto feeling incomplete. Sa totoo lang hindi lang naman si Mommy ang nawala sakin, si Daddy rin. Simula ng araw na yon hindi na niya ako kinakausap.
Pero bless parin ako kasi I have my MommyLa. Ang pinaka mamahal kung Lola, ginawa nya ang lahat para punan ang pangungulila ko sa Mommy ko. Isa rin yon sa dahilan kung bakit pinili ko na maging Teacher, kasi si MommyLa ko ay retired Teacher. Maliban kay Mommyla, my dog din ako and his name is Brix, he's my best friend. I have a 12 yrs old Goldern retriever , mataba at color brown. Senior dog na siya, gift siya sakin ni Mommyla noong nag debut ako. For me, as long as I have Brix and Mommylaand my besties okay ako, wala akong time sa kahit ano. Kagaya nga ng sinsabi ko, hindi ako tataya sa isang bagay na hindi ako "SIGURADO".

YOU ARE READING
Fixing a broken Man
De TodoThis is the continuation from the story of SEXcetary of Jester and Jael. How do you fix a broken man? The Art of Loving a Broken Man With a Past Be Patient. This one is important. ... Listen. When he does open up to you, listen. ... Take Care. Be t...