SHORT STORY #1

2.9K 16 1
                                    


"YOU CAN'T MARRY A MAN YOU JUST MET." - ELSA

ganun na ba tayo karupok? kaya nating mahalin ang taong hindi pa naman natin lubusang kilala. yung tipong nakilala mo lang siya online mahal mo na agad,

pinapakilala ko sainyo si Rose, isang babaeng napaka rupok. babaeng nag mamahal ngunit laging nasasaktan.

Si rose ay napaka simpleng tao, isa siya mga babaeng nag kakagusto rin sa kapwa niyang babae. Kaso mahilig siyang mag mahal ng kaibigan.

Kauna-unahang minahal niya ay si Mae, ang kanyang matalik na kaibigan. Ang kaibigan niyang maligalig, maingay, di kagandahan ang grades. Ngunit nahulog si rose dito. Oo maganda ito, mabait, lagi niyang sinisigurado na okay si rose.

Makalipas ang isang taon umamin si rose kay mae, alam ni rose na straight si mae at wala itong kasiguraduhan na magustuhan siya ni mae. At tama nga si rose nireject ito ni mae.

3 beses sinubukan ni rose makuha ang loob ni mae. Pero sa tatlong yun hindi ito nagwagi. Sumuko na ito at sinubukang kalimutan ang kanyang nararamdaman para kay mae.

Nag omegle ito at nag hanap ng makakausap, makalipas ang isang oras may nakausap itong matino.

"Hi F"18" sabi nito

"Hello F17" sabi ni rose

Nag usap ito hanggang sa napagdesisyunan nila na ibigay ang kanilang twitter acc.

na -follow na nila ang isa't isa at naging masaya ang kanilang paguusap. Nalaman ni rose na magaling kumanta si rain, napaka ganda ng boses nito at magaling rin tumugtog ng guitara. sunod sunod pinadalhan ni rain si rose ng mga kanta niya.

Pero hindi inaasahan ni rose na mahuhulog siya agad dito. Siya ang bumanat ng bumanat siya rin pala ang mahuhulog.

Buong araw silang nag usap hanggang sa dumilim na ang paligid. Nag paalam na si rain kay rose na ito ay matutulog na. Hinayaan na ito ni rose at sobrang ganda ng gabi nito. Nakangiti siya habang Nag iinuman sila ng mga pinsan niya.

"Hoy rose okay ka lang? Parang ang saya mo ata ngayon?" tanong ng pinsan nito.

Umiling nalang si rose at uminom na ng isang shot.

Matapos ang inuman kasama ang iba niyang pinsan, pumasok na ito sa loob ng bahay niya at nag handa na upang matulog.

Pag kapasok nito sa kanyang kwarto kinuha niya ang kanyang cellphone at pinadalhan pa ng mensahe si rain "goodnight sleep well, see u in my dreams" kitang kita mo sa kanyang mukha ang kasiyahan. Sinubukan niya istalk ang account ni rain sa twitter. Nagulat ito sa mga tweet ni rain

"Miss ko na siopao ko"

"Chat ko na kaya?"

"Ikaw parin ang mahal ko"

Nawala sa mukha ni rose ang kasiyahan at ito'y natulala nalamang. Napagtanto ni rose na padalhan si rain ng mensahe, kaso naisip nito na baka tulog na ito.

Hinayaan niya na muna ito at sinubukang kalimutan. At ito'y natulog na.

Magkasama ngayon si rose at rain at magkawak ito ng kamay ngunit biglang huminto sa paglalakad si rain. Humarap ito kay rose,

Nagtaka si rose pero nginitian niya parin ito.

"Rose sorry." sabi ni rain

"Ha bakit? Bakit ka nag sorry?" yumuko si rain at tumulo ang kanyang luha.

Inanggat ni rose ang mukha nito para tignan ito sa mata. "Rain bakit ka naiyak may nagawa ba ako?"

"Rose sorry mahal ko parin lyn." nagulat si rose at napatulala

"A-ano? Si lyn?" nagtatakang tanong nito, hinawakan ni rose ang kamay ni rain ng mahigpit

"Oo si lyn. sorry " tinanggal niya na ang pag kahawak ni rose sa kanyang kamay at iniwan itong naiyak.

Nagising si rose sa kanyang panaginip na naiyak. Sinubukan niya itong kalimutan at chinat niya agad si rain. Alam ni rose ang tungkol kay lyn. Si lyn ang isa sa mga ex ni rain at alam niya kung gaano niya ito minahal noon.

"Good morning." Rose.

Hinintay ni rose na mag reply si rain sakanya at makalipas ang sampung minuto nag reply na ito.

"Morning" Rain.

Tinanong ni rose si rain tungkol sa mga tweets na nakita niya kagabi. Sabi ni rain na wala lang ito.

Hindi tumigil si rose at tinanong paulit ulit si rain.

"Oo hindi ako okay, rose... mahal ko parin siya."

"Siya parin ang lagi kong naiisip."

Sabi ni rain kay rose

Nagulat si rose hindi niya ito inakala. At naalala niya ang kanyang panaginip.

Nalaman niya na mahal parin talaga ni rain si lyn. Sobra itong nasaktan. Dun niya na realize na minahal niya na nga si rain.

Kaso alam niya na hindi niya ito mababago kaya napagisip isip niya na mag stay nalang sila bilang kaibigan. Ngunit sobrang nasaktan si rose kaya mas pinili niya na i-block na ito at kalimutan.

mahirap mag mahal. alam niyo bakit? kasi di niyo alam kung yung taong minamahal niyo mahal rin kayo,

tapos malalaman mo may mahal pala siyang iba.

at hindi mo yun kayang tumbasan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 08, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SHORT STORIESWhere stories live. Discover now