Chapter 8 WHO ARE YOU?

3 0 0
                                    

Kathy's POV

Inimulat ko ang aking mga mata..
Bat anliwanag dito..
Parang pamilyar ang buong paligid..
Anong nangyayari??

Bat lumuluha ako..

Hawak hawak ko ang picture namin nina mama at papa..

" Bat ka umiiyak?? " tanong ng babaeng nakaitim na gown..
Mahaba ang buhok nito at ang mga mata ay grey-ish..

" H-Hindi ko alam.. " nauutal kong sagot... Bigla itong tumabi sa akin.
" S-sino ka?? " kunot noong tanong ko.

Ngumiti ito .
Maputla ang kutis nito..
Ang mga labi ang sobrang pula tila dugo...

" Kaibigan mo ako.. " sagot nito
" Hindi mo na ba ako naalala?? " tanong nito....

Umiling-iling ako..
" Ako ang lagi mong kasama noong bata ka pa lang.. "
" Ako ang nagagabay sayo at nagpoprotekta sayo.. "
Paliwanag nito .

Pinunasan nya mga luha ko gamit ang panyo nito... " Tahan na... "
Niyakap nya ako...
Sa una kumalma ako..
Pero patagal ng patagal..

Nararamdaman ko ang mga kuko nito na bumabaon sa likod...
Pahigpit ng pahigpit ang ginagawa nya..

" T-Teka... Ma-Masakit... "
Habol hininga kong wika...

Nararamdaman ko na ang dugo ko an tumutulo....

" Im your... Opposite.. "

..................

Zany's POV

Tanghali na..
At nagsisimula na ang palaro ng eskwelahan..
" Ikaw!!! " turo ng isang lalake sa akin.
Tinaasan ko ito ng kilay.
" Ikaw!! Ikaw yung isang estudyante na target ang secretary!!! " excited nitong wika habang turo turo ako..

Kita sa mga mata nya ang pamumula..
Baliw na ata toh..
" HaHAHAHA!! Sa isang tulad mo!!
Mapapatay si Kathy Lazunith Sordezo?!! Impossible HAHAHAHAH "
halakhak nito..

" Kung.. Gusto moo.. Kami na lang papatay sa kanya HAHHAHA! "
Anyaya nito..

Nilayasan ko na lang ito..
Nababaliw na nga.. Mukhang naka-drugs..

Bawat daan ko sa hallway ay nga nagkakalat na mga bangkay...
Nakakatakot ang mga itsura nila..
Halos hindi na sila naawa sa mga ginawa nila..

Sobrang brutal...
Binalatan ang buong mukha..
Binuka ang anit...
Tinatanggalan ng mata at ilong..

Hindi ko magawang tignan ang nga ito.. Pano pa kaya kung papanoorin ko pa..  Di ko kayang pumatay ng tao..
At mas lalong di ko kayang patayin ang bestfriend ko...

Ang nakakapagtaka bakit si Kathy lang ang nasama? Hindi ba't hindi kasali ang mga top 10 sa laro na toh?
Ang gulo naman neto!!!
Umiiba ang rules!!!
Teka.. May rules ba talaga?

Balak ko sanang tumungo sa rooftop para makapagpahangin.. Ngunit anng makarating na dun.. Naka-block na lahat ang daan patungo sa taas..
Puro may kahoy at bakal..

Kumunot noo ko nang  may napansin akong papel na nakaipit doon..
Aakmang kukunin ko na dapat yun nang mapatakip ako ng tenga..

Anlalakas ng nga sunod sunod na mga sigawan sa bawat sulok ng buong academy... Mga sigawan nila nakakapanindig ng balahibo...

Di ko alam kung bakit bigla na lang ako nahihilo.. Napaupo ako sa lapag .
Palakas pa ng palakas ang nga sigawan.. Mas nahihilo pa ako..

Mariin na pinikit ko ang mata ko nang maramdaman ko ang isang lalaking yumakap sa akin..
Naririnig ko ang mga bulong nito..
Hindi ko maintindihan ang sinasabi nito pero tila ba may ibinubulong na spell ito..

MAHO NO FUSHIGI ACADEMY -Hidden Academy-Where stories live. Discover now