A/N: Pagpasensyahan nalang ang grammar 😂
Nasa Incheon Airport pa kami at nag aantay ng sasakyan namin pauwi.Hindi nagtagal may lumapit samin na lalaking naka amerikanang damit.
"AnnyeongHaseyo" sabi nung lalaki, ano daw? Anong sayo? Nakita yata ni kalbong huang ang pagtataka sa aking mukha kaya natawa siya.
"annyeonghaseyo means hello in korean" napatango nalang ako kasi naguguluhan parin ako.
Ghaaaaaaad andaming poster ng mga artista dito, may blackpink, anjan si lee min ho, yung bts at exo. Nilapitan ko yun isa isa, kulang nalang sambahin ko mga poster nila. Wala na kong pakialam kung pagtawanan ako ng mga tao.
"Miss Lim, this way" sabay lahad ng kamay ni kalbong huang. Namamangha parin ako sa ganda ng korea.
"San tayo pupunta?" pupunta na tayo sa magiging tirahan mo. Napa tanga nalang ako sa gara ng sasakyan ni kalbo.
"eh paano yun di ko kabisado dito, paano pag naligaw ako?" tingin ako ng tingin sa kaliwa at kanan.
"wag kang mag alala, isang kanto lang ang pagitan ng titirahan mo sa school mo." hinayaan ko nalang siya magsalita habang ako'y nagtitingin tingin sa mga naglalaking gusali. Dati pinapanuod ko lang to sa tv ngayon nandito na talaga ako. Nagising nalang ako nung may tumapik sa balikat ko.
" andito na tayo" nalula ako sa laki ng gusali sa harap ko.
"dito ako titira?" gulat na tanong ko.
"Yes, sa 17th Floor ka" what the hell ang yaman ni Kalbong Huang. Hindi na siya nagsalita kaya umakyat na kami. Namamangha parin ako sa ganda dito sa loob, mula sa mga mubles, pintura, mga organisado lahat. Di ko na napansin na nasa 17th floor na kami sa sobrang ganda, #1758 yung room ko.
"Magpahinga ka muna at magbihis, Babalikan kita mamaya, magdidinner tayo. Wag ka mag alala treat ko."
"salamat po" umalis na siya kaya nagpahinga nga ko, mga isang oras din ako nakatulog kaya naligo at nagbihis na rin ako para ready na pag dumating si kalbo. Saktong 7pm dumating na siya kaya bumaba na kami ang pumunta sa nasabi niyang restaurant.
"saan to?" di ko kasi nababasa yung nakasulat, instik kasi.
"koki eumsikjeom means Meat Restaurant" hinayaan ko nalang siya at naunang pumasok.
"Annyeonghaseyo" sa gulat ko napaatras at napahawak ako kay kalbo.
"du myeong iyo" pinaupo niya kami sa pang dalawahang mesa at binigyan ng menu. (I'd like a table for 2 please)
"anong gusto mo?" tanong niya kahit hindi nakatingin sakin.
"eto nalang, bulgogi, japchae, bibimbap, gimbap hehe sorry gutom lang." di niya ko pinansin at tinawag ulit yung babae.
"two bulgogi, bibimbap, gimbap and one japchae and tteokkboki"
"What is the most popular drink here?" napatanong na ko kasi marami ako napapanuod sa mga korean drama.
" soju, makgeolli maam"
"Jeoneun soju reul joaheyo" sinulat lahat ni ateng yung mga inorder namin at umalis na. (i like soju)
"marunong ka pala magkorean"
"slight lang, kakapanuod ng kdrama" natawa nalang siya sakin.Habang hinihintay kami konting usap.
"Im Edward Huang" pormal na pagpapakilala niya.
"Althea Lim" walang halong pabalang.
Nung dumating na yung pagkain, nilantakan agad namin yun at tag isa kami nung soju, sarap talaga pag busog.
*buuuuuuuurp*
"opsss sorry, ansarap kasi" napa peace sign nalang ako sa mga taong nakatingin lalo na sa taong kaharap ko.
"Haha its okay, ang cute mo nga eh" natapos kaming kumain at binayaran na rin ni edward yung mga kinain namin.
"gusto mo bang maglakad lakad muna at mag grocery?"
"baka sirado na mga store dito tska nakakahiya"
"hindi yan tska sa myeongdong tayo pupunta. Gabi nag uumpisa ang kasiyahan ng mga tao dito"
"myeongdong sir?" napa palakpak ako sa sinabi ni edward, ghaaaaad makakakunta na ko dun.
"hahaha wag na sir, tito nalang itawag mo sakin o kaya papa."
"P-papa?"
"Hmm, wala na kasi akong anak"
"Ha? Bakit po?"
"nagkahiwalay kami nang asawa ko, dinala niya anak ko simula nun hindi ko na siya nakita."
"koryano po papa ko pero hindi ko siya kilala" nagkwentuhan lang kami hanggang sa dumating kami sa myeongdong.
"wala ka bang picture niya tsaka asan mama mo" napatigil ako sa tanong niya.
"wala na po siya, 15 ako nung namatay siya dahil sa cancer" mas lalo akong natigilan dahil sa pinakita niyang kalungkutan sa mga mata niya.
"Im sorry, papa nalang itawag mo sakin"
"sige po papa" hindi ko na siya pinansin at nag ikot ikot na sa myeongdong habang siya ay nakabuntot. Nagtingin tingin ako ng magagandang mga damit at pasalubong since 6 na buwan lang naman ako dito pero habang nag titingin tingin ako sa mga pagkain may grupo ng mga lalaki na balot na balot ang bumangga sa'akin. Natumba ko at naitukod ang mga kamay. Tinulungan nila kong tumayo.
"jeka bwado doenayo" hindi ko siya pinansin at pinagpagan ang sarili. (May I see it?)
"nae gwaenchana?" (are you okay?)
"okay ka lang?" sabay pa sila papa at yung lalaking nakabangga sa'akin.Hindi ko pinansin yung mga lalaki.
"Im okay papa" sabay talikod sa kanila.
"Miss Im sorry" hindi ko napansin na sumunod pala sila sa akin.
"Nah, im fine.Thank you" sabay ngiti sa kanila para tumigil na sila.
"Papa uwi na tayo, wag na tayo mag grocery puno pa naman ang ref." umuwi na kami dahil sa pagod namin at dun ko lang napansin na kasabay pala naming pumasok yung mga lalaki sa elevator, 17th floor ang pinindot ko habang penthouse yung sa kanila.
"nak maiwan na kita dito balikan nalang kita bukas" pagpapaalam niya nung naupo na ko sa sofa.
"hindi po ba pwede na dito na kayo matulog? Gabi na po, delikado nang umuwi"
"I like your suggestion pero may kailangan akong tapusin ngayon tsaka papunta na ang driver ko." ginulo niya ang buhok ko bago siya nagpaalam at lumabas.
Ano kaya ang magandang gawin? Pagod ako pero hindi pa ko dinadalaw ng antok. Nanuod nalang ako ng mga k-drama, descendants of the sun. Bagay na bagay talaga si Big boss at Beauty,sana makahanap din ako ng lalaking ganun.Hindi ko na napansin na nakatulog na ko.
Comment, Like, Share and Follow 💖
YOU ARE READING
Exchange Student Meet EXO
FanfictionAlthea Mariz Lim ay isang simpleng estudyante na nabigyan ng karangalan na maging exchange student sa loob ng anim na buwan at magiging kaklase mo pa ang isa sa pinaka sikat na grupo sa Korea. Bakit nga ba siya ang napili? Tatanggapin niya kaya ang...