Takipsilim
Pauwi na ako.
"Mama bayad ho! sa terminal ako ng van ah."
Ako nalamang ang natirang pasahero ng multi-cab.
"Manong, dyan na lang sa gilid, at bibili pa ako ng hopia para pasalubong"
Huminto ang van. Ngumiti ako kay manong driver at:
"Salamat ho!" nakangiti kong sabi sa kanya.
Bumili ako ng dalwang box ng hopia upang may pasalubong ako sa aking mga tseketeng pag uwi sa bahay.
At baka tuluyang gabihin, nagmamadali akong tumawid ng kalsada upang makasakay agad ng van.
Walang lingon lingon sa kanan o kaliwa, ay mala kidlat kong tinawid ang kalsada patungong terminal. Nang di ko namalayang may paparating palang isang humarurot na sasakyan.
Nataranta ako nang makita kong mag iisang metro na lamang ang layo ng sasakyan sa akin. Nakatayo lamang ako at napatingin sa nagkukumpulang tao na kumakaway sa akin.
Pinilit kong tumakbo, ngunit may isang katangkarang lalaki sa may kalayuan ang tila nakatayo lang. Di ko makita ang mukha niya. Naka hood ng itim. May hawak na hawak na kawit sa kamay. Tumango ang lalaki sa akin at tumitig. Kasing talim ng espada ang tumusok sa aking puso nung akoy titigan ng lalaking ngayon ko lamang nakita.
Napayuko ako, at muling tumitig sa lalaki. Ngunit bigla siyang naglaho na parang isang bula. Hinanap ko siya sa paligid pero di ko na matagpuan. Maya maya pay bigla na lamang nandilim ang paningin ko. Nagpulasan ang mga tao. Nagsisigawan. Maya maya ay nabingi ako ng katahimikan.
Tahimik, ang tahimik ng paligid. Wala akong marinig na isang ingay.
Malamig sobrang lamig. Nanunuot ang lamig sa aking katawan. Ang buong kapaligiran ay nabalot sa karimlan. Sobrang kapal na kadiliman ang aking naramdaman. Maya maya pay bigla akong naka kita ng umiindap na liwanag. Hanggang sa isang tuwid na liwanag ang aking nakita.
Nasa dulo nito ay may nakita akong lalaking nakahood na may hawak hawak na kawit. Ito na ang lalaking nakita ko kanina.
Nakayuko siyang humahakbang ng mahinahon patungo sa akin. Habang ako ay nakahiga sa ilalim ng sasakyan. Pilit kong iginagalaw ang aking mga paa pero di ko kaya. Tila may gulong na naka ipit dito.
Ilang saglit pa ay nakarating na nga sa akin ang lalaking naka hood. Hinawakan niya ng isang kamay ang sasakyan,itinulak paitaas upang kanyang maiangat na tila kasing gaan lamang ng isang papel ito. Isang napakalalas na nilalang na ngayon ko lamang nakita sa tanang buhay ko.
Nang wala ng nakaipit sa aking katawan ay agad akong tumayo. Pinagpag ko ang alikabok sa aking katawan. At dinampot ang mga tumilapon kong gamit sa daan. Di mahugang karayom ang mga tao na nakapaligid sa daan na tila baga naki ki usyoso.
Maya maya ay nakita ko na ang humaharurot ambulansya. Patungo sa banggaan.
"Bat may ambulansya, eh ayos na ayos na rin naman ako?"
Nang maayos ko na muli ang aking dala dalahin ay naisip ko ang mamang tumulong sa akin. Di ko pa siya napapasalamatan. Agad kong nilibot ang buong terminal upang hanapin siya at mapasalamatan.
Pero dahil matangkad at may hawak hawak na kawit, agad ko siyang natuntun sa may van na puti. Nakatayo lamang siya doon. Gaya ng pagkakita ko sa kanya kanina. Nakayuko lang siya.
Agad kong binaybay nagdidikit dikitang usyusero. Na tila baga isa lang akong hangin sa paningin nila. Mabilis akong nakawala sa kumpulan ng mga tsismosa't tsismoso.
Pumunta ako sa kanya upang mapasalamatan siya. Ngunit nakatayo lang sya sa may van habang hawak hawak ang kawit. Walang imik imik.
Binuksan niya ang likurang pintuan ng van. Bigla akong natakot dahil di pa Norte ang byahe ko. Tumanggi akong sumakay. Nagsalita siya:"Tara na sir ikaw na lang ang inaantay ng van, Last Trip na to ngayong araw."
Sabay alalay sa akin paakyat ng van.
Ayaw kong sumama ngunit may tila bagang hangin na tumulak sa akin pasakay sa loob ng sasakyan.
Puno na nga ang sasakyan at isa na lang ang inaantay upang maka alis ito.
Don ako pina upo sa bandang hulihan,dahil medyo may kapayatan at bata bata pa rin naman.
Agad isinara ng konduktor ang sasakyan. Pinagmamasdan ko ang mga kasama kong pasahero sa loob ng sasakyan.
Lahat sila ay nakatitig sa labas na tila sinusulit pagmasdan ang ganda ngunit masalimuot at magulong mundo.
Tiningnan ko ang lalaking nakaupo sa aking unahan. Ngunit naka titig lamang siya sa labas. Napaisip ako. Napaka familiar ng sombrerong suot suot niya. Parang ito ang nagmamaneho ng humaharurot na sasakyan kanina.
Gusto ko syang kausapin, ngunit sumakay na ang driver sa sasakyan. Inayos niya ang kanyang kawit at inilagay sa isang case. Inayos ang nagulong hood. Nagsalita siya:
"Maligayang pagsakay mga kapatid, tayo ay patungo na sa lugar ng kapayapaan, walang problema, walang pasakit, walang kagutuman. Hope you enjoy your flight!"
Dagling pumaitaas ang sasakyan habang napabaling ang attensyon ko sa katawang nakahimlay sa daan na pinag uumpukan ng mga tao sa ibaba. Hawak hawak ko ang naka plastik na hopia pampasalubong para sa aking mga anak.
Tumulo ang luha.