Heartache

17 2 0
                                    

Carmela's Point of View

Ringgg! Ringgg!

Tinigil ko ang pagtatype sa laptop at kinuha ang cellphone para sagutin ang tawag.

"Hello?" bungad ko.

"..."

Napakunot ang noo ko. Sino ba 'to? Inilayo ko muna sa tainga ko ang telepono upang tingnan ang name ng caller.

Ah, si Ian pala. "Hello Love? Napatawag ka?"

"..."

Ba't ayaw magsalita nito?

"Ian? Hello! Napipi ka na diyan." pang-aasar ko.

"Carmela, may gusto sana akong sabihin. H'wag ka sanang magagalit."

Napaayos ako ng upo. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit ang seryoso naman ng boses nito ngayon?

"Bakit? Ikakagalit ko ba yung sasabihin mo? Huwag mo na lang sabihin." pagbibiro ko.

"Baliw ka talaga. Seryoso kasi." sagot niya

"Joke lang. Ano ba 'yong sasabihin mo?" tanong ko

"..." narinig ko siyang nagbuntong hininga pero 'di pa rin nagsalita pagkatapos ng ilang minuto.

"Napipi ka na naman diyan."/ "I want to break up with you." sabay naming sabi.

Dire-diretso, walang preno. Parang nabingi ako. Hindi ko na marinig yung asong kanina pa tahol ng tahol.

"Ano ulit?" parang tangang tanong ko.

"Magbreak na tayo, Carms. I'm sorry." parang nakokonsensya niyang sabi.

"Ah." napahigpit ang hawak ko sa cellphone.

"Carms?"

"Ha?"

"Murahin mo 'ko, sigawan mo 'ko, kahit ano." tila bumalik sa'kin ang utak kong nilipad nang marinig ko ang boses niyang parang kinakabahan na ewan.

Huminga ako ng malalim.

"Ano bang gusto mong marinig sa'kin? Magdrama ako? Isigaw ko sa'yo yung mga linyahang dahil lang sinabi mo na gusto mo na makipagbreak, magbebreak na tayo? Kasi ano?! Bakit?! Hindi ka na masaya? May natitipuhan ka ng iba? Pagod ka na? 'Yon ba? 'Yon ba ang gusto mong marinig sa'kin..." nanghihinang binitiwan ko ang mga huling salita.

"Oo..." mahinang sabi niya.

Hindi ko na mapigilan ang mga luha kong mag-unahan sa pagpatak. Ng boses ko sa paghikbi.

"Pitong taon, Ian. Yung seven years na pinagsamahin natin, itatapon mo na lang ng basta-basta? Bakit? Sa anong rason? May nabuntis ka ba kaya bigla kang nakikipagbreak? O nalaman mong baog ka? At talagang sa telepono ka nakipagbreak, hindi man lang sa personal para nasampal man lang kitang gunggong ka!" umiiyak na tanong ko.

"I'm sorry... I'm really sorry, wala akong lakas ng loob harapin ka kasi hiyang-hiya ako sa kasalanang nagawa ko. That the reason I'm breaking up with you is because- tama yung pangalawa- I mean unang rason na sinabi mo..." mahinang sagot niya pero narinig ko ng malinaw. Mas lalo akong napaiyak. Hindi ko alam ang sasabihin ko nang tumama ang isa sa mga hula ko.

"I'm sorry, Love. Mahal na mahal kita. I'm really sorry. I love you. I'm sorry..." sabay baba ng tawag. 

I can't breathe. Sumasakit ang lalamunan ko. Gusto ko sumigaw pero parang inalisan ako ng boses.

Knock! Knock!

"Sandali lang!"

Mahirap pero kinalma ko ang sarili ko at nagpunas ng luha bago pagbuksan ng pinto ang kumakatok.

Si mama pala. Yumuko ako ng kaunti para hindi niya mapansin ang namumula kong ilong at mata.

"Anak, yung mga kaibigan mo nasa baba- teka, may sakit ka ba? Ayos ka lang?" tanong niya sabay hawak sa balikat ko.

Tumikhim ako bago sumagot. "Ayos lang po. May sipon lang. Tara na po sa baba."

Nagpatiuna na ako para hindi na mapansin pa ni mama ang itsura ko. Pagkababa ko ay nagtaka ako dahil patay ang ilaw. May kuryente naman sa taas. Hinanap ko switch at in-on iyon. Pagkabukas ng ilaw ay hindi sapat ang salitang gulat para idescribe ang nararamdaman ko.

May mga balloons, nandoon ang mga kaibigan ko, pamilya ko at si... Ian. Mga nakangiti sila.

Ano 'to? Happy break-up event? Icecelebrate namin paghihiwalay namin?

"Anak, lapit ka na do'n!" tinulak ako ni mama na nasa likuran ko na pala papunta kay Ian. Sinalo naman niya ako.

"Okay ka lang, love?" tanong niya pero nakatingin lang ako sa kanya.

"Hala kayo, pinaiyak niyo si Carmela. Ang pula ng mata at ilong oh!" sabi ng isa sa mga kaibigan ko. Napatingin ako sa kanila. Mga nakangiting 'di mapagkakatiwalaan.

"It wasn't my idea to called you earlier, love." nagitla naman ako sa pagbulong ni Ian. Hindi ko namalayang nakulong na pala ako sa yakap niya.

"Ano..." naguguluhang tanong ko.

"Yung mga kaibigan mo kasi mapilit, iprank daw kita bago magpropose. Corny daw kung walang twist na mangyayari. But that would be the last time I would that kind of thing, I swear. I feel terrible making you cry." he said apologetically while hugging me tighter.

My jaw dropped. I glared at my good-for-nothing friends. Gusto ko sanang sabunutan isa-isa para magtanda pero nagprocess yung isang word sa utak ko.

"Propose?"

He smiled. Bumitiw siya sa pagkakayakap sa'kin at lumayo ng kaunti sabay luhod sa isang tuhod. I gasped when he brings out the small box and opened it. A ring is sitting pretty on it.

"Hindi man ako magaling sa romantic words but I just wanted you to know Carmela, we've been together for seven years. Ang daming up's and down's na ang napagdaanan natin. Ang daming selosan, tampuhan, sigawan, iyakan, at suyuan na ang nalagpasan natin. With this ring, I want to continue to be by your side as your husband, and you as my wife if you will let me. Sa hinaba-haba man ng prosisyon, gusto kong sa simbahan ang ating tuloy. Kaya love, will you let me have the honor of having you as my wife? Will you marry me and spend the of our lives together?"

Bago pa ako makasagot ay nagsigawan na ang mga kaibigan at pamilya ko. Nakangiting kinakabahan na nag aanticipate naman si Ian. Tawa at iyak naman ang nagawa ko habang sumasagot ng "Oo".

- - - -

A/N: Ilang beses ko siyang inedit at ito na, tapos na. Haha! c: I hope you guys liked it! Votes and comments are highly appreciated. (If you find this lame, ipagpaumanhin niyo po~)

Stay safe everyone. God bless.

HeartacheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon