Unang pagkakataon kitang nakita
Puso ko ay nabighani mo na
Mga labi mo'y nakakauhaw bigla
Nginitian mo ako ng di ko inakala
Sabi ko sa sarili ko, Ikaw na nga!Nagpakita ka ng motibo
Na tila saakin ikaw ay may gusto
"Nandito lang ako" yan ang iyong pangako
Dinamayan mo ako sa lahat ng kabiguan ko
Sa pagkakataong iyon akala ko
Ang ikaw at ako ay magiging TAYOAkala ko pareho tayo ng nararamdaman
Sa hinaba-haba ng ating pinagsamahan
Sa lahat ng kasiyahan
Pati sa mga kalungkutan
Ikaw at ako ang nagdamayan
Akala ko balang araw tayo ang magkakatuluyanHanggang sa ako'y iyong binigla
Sabi mo "tulungan mo naman ako sakanya"
Nagtaka ako, "Ha? Sinong siya?
"May gusto ako sa kaibigan mo" tugon mo pa
Hindi ko alam kung ako'y iiyak ba
Akala ko ako, Hindi palaHindi ko mawari kung tama ba
Hindi ko namalayan, tinanong ko kita
"Ako? Hindi mo gusto?" pagbabalasakali ko
Nagulat siya at nginitian ako
Sa katotohanan nagising ako
Sapagkat,"kaibigan ang turing ko sayo" ang lumabas sa bibig moSabi ko sa sarili ko
Bakit hindi ako?
Diba ikaw ay nangako?
Bakit hindi ako?
Ngayon ko lang napagtanto
Para sayo ako ay matalik lamang na kaibigan mo.
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry (Tagalog)
Teen FictionAkala mo nasa tamang tao kana Pero hindi pala kayo parehas ng nadarama 💔 Sa huli kaibigan ka lang pala 💔