Unfinished Business (OneShotStory) *AHalloweenSpecial*

70 1 0
                                    

*KRRINNG KRRINNG KRINNGG*

Nagising ako bigla nung mag ring ung phone ko.

"HELLO?"

[Kriszelle?]

"Josh!? Nakauwi ka na galing Canada!?"

[Ah, oo. Tara labas tayo.]

"Teka, 2:30am palang ah?"

[Hahaha. Ayos lang yan. Para walang masyadong tao. Nasa tapat na ako ng apartment niyo.]

Tumingin ako sa bintana kung nandun nga talaga siya.

"Sira ka talaga!"

[Hahaha. Labas ka na!]

"Sige bababa ko na phone ko ha. Mag aayos lang ako."

[Sige.]

Nagmadali akong magbihis at mag ayos dahil after 3 years, magkakasama kami ulit ng boyfriend kong si Josh.

Nung lumabas ako sa gate sinalubong niya ako.

"Zellle!"

"Josh!" Niyakap niya ako ng mahigpit...... at TEKA. Wala akong makita. Madilim ah. Ahh, nilagyan niya pala ako ng piring sa mata.

"Uy. Anung trip mo bakit mo ko nilagyan ng piring sa mata, ha?" Hindi ko talaga alam kung anung balak nya. May sorpresa siguro to.

"Basta. May pupuntahan tayo." Iniisip ko kung saan ba talaga kame pupunta. Unti-unting lumamig ang paligid.

"Uy, nasan na tayo. Nilalamig na ako!" Habang ginagabayan niya ako sa paglalakad.

"Nandito na tayo! :)" At tinanggal niya ung piring sa mata ko. Nakikita ko lang puro puntod at nitso. So, nasa ....... o.O

"Sementeryo?! Bakit nandito tayo?!" Nginitian niya lang ako.

"Teka lang ha? May nakalimutan lang ako banda dun." Tumakbo siya palayo sa akin dahil sabi niya nga may kukunin siya.

Bigla nanamang nag ring ung phone ko.

*KRRINNG KRRINNG KRINNGG*

"Hello?"

[Zelle, nasan ka?]

"Mommy? Nasa sementeryo po kasama si Josh."

[Ha? Panung magiging kasama mo si Josh eh patay na siya.]

"Patay?"

[Oo, nag crash ung eroplanong sinasakyan niya pauwi dito sa pinas. Papunta nga kami sa bahay ng Mommy at Daddy ni Josh para damayan sila eh.]

*CALL ENDED*

Napatulala ako nung marinig ko kay Mommy na patay na si Josh. Hindi ko na sinagot ung phone. Bigla akong kinilabutan. Kung patay na si Josh, sino ung kasama ko ngayon?

"Zelle." Narinig kong nagsalita si Josh sa likuran ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"J-j-j-j-j-j-j-j-j-Josh?" Nauutal na ako sa sobrang kaba.

"Tama lahat ng narinig mo sa mommy mo."Naglakad siya papunta sa harapan ko.

"H-h-h-h-h-h-h-h-Hah?" Bumibilis na yung tibok ng puso ko.

"Pauwi na sana ako dito sa Pinas. Masaya ako nun kase makikita na kita ulit. Ang kaso, nag crash ung eroplanong sinasakyan ko. At may isang bagay akong hawak-hawak nun na ayaw kong bitawan dahil ibibigay ko un sayo." Hindi ako makapaniwala na kaharap ko si Josh kahit alam ko na ngayon na patay na siya at kaluluwa na lang niya ang kausap ko ngayon.

"A-a-a-a-ano ung bagay na yun na ayaw mong bitawan dahil ibibigay mo sakin? Tsaka bakit mo ko dinala dito sa sementeryo?"

"Dinala kita dito sa sementeryo kase dito kita unang nakita at dito rin ang lugar kung saan hindi mo na ako makikita pang muli. At dito ko rin gagawin ito.............."

May kinuha siya sa bulsa niya at lumuhod siya sa harapan ko. Isang napakagandang singsing ang kanyang ipinakita sa akin.

"Ito ung bagay na un Zelle. Yayayain sana kitang magpakasal dahil Apat na taon na ung relasyon natin at ayaw kitang pakawalan dahil mahal kita. Kaya bago ako pumunta sa paroroonan ko, tatapusin ko muna ang Unfinished Business ko. Zelle, WILL YOU MARRY ME?" Unti-unting namuo ang mga luha sa mata ko.

"Yes Josh. YES!" Alam kong wala nang magagawa ung sagot ko dahil ang kaluluwa na lang ni Josh ang nasa harapan ko pero kahit ganun, gusto kong maging masaya siya sa pag alis niya.

Tumayo siya at niyakap niya ako.

"Thank you so much Zelle. I love you!" Hinalikan niya ako sa lips at sumabay ang pag agos ng luha ko sa unti-unting paglaho ng kaluluwa niya.

🎉 Tapos mo nang basahin ang Unfinished Business (OneShotStory) *AHalloweenSpecial* 🎉
Unfinished Business (OneShotStory) *AHalloweenSpecial*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon