"Ang Pagbukang Liwayway"
May kakilala ako.
Eloiza ang pangalan niya,
She's my schoolmate and an officer of the Central Student Council.
Nung mga panahon na nangyari to ay grade 11 palang ako at 3rd year college na siya.
Isang araw pinatawag si Eloiza para umattend ng seminar na may temang "Miss pakisip para walang masilip".
Dahil nung mga panahon na yun mainit pa yung isyu about dun sa hinihinalang nirape at pinatay sa lugar namin na nagngangalang Jennie.
Tatlong buwan nang nawawala si Jennie at hanggang ngayon ay di pa din nahahagilap o nakikita yung katawan o bangkay niya kaya inassume nang meron ngang masamang nangyari sa kanya.
Habang nasa seminar inutusan ng Adviser nila sa Council si Eloi,
"Eloiza, I need you to take pictures and ask some questions to the visitors for documentation purposes." Sabi nung adviser.
"Sige po Sir, nasan po yung DSLR?" Sabi ni Eloi.
"Ay eto oh Eloiza, ingatan mo ah, mahal yan, wala akong pampalit. Hahaha." Sabi nung Adviser.
Pagkatapos magtake ng pictures ni Eloi ay bumalik na daw siya sa adviser niya.
Pagtalikod ay nabunggo siya ng guidance counselor nila.
"Ay sorry po sir!" Sabi ni Eloi.
"It's okay. You're Eloiza right?" Sabi nung counselor.
"Yes po haha." Sabi ni Eloi.
"O anong ginagawa mo dito? For documentation?" Tanong ni Counselor.
"Opo sir. Kailangan din po para proof sa awarding haha." Sabi ni Eloi.
"Ay oo nga pala ikaw yung president ng council."
Sabi nung guidance counselor."Opo haha. Ay btw sir pwede po ba kayong matanong ng ilang questions?" Sabi ni Eloi.
"Of course. Ano ba yun? Wag lang yung controversial ah. Haha." Sagot ng counselor.
"Ah about po ito dun sa case ni Jennie yung nawawalang estudyante po." Sabi ni Eloi.
"Ah ok, ano naman itatanong mo about dun?" Sabi nung Counselor.
"Since Guidance counselor po kayo may mga instances po ba na pumupunta po sa inyo si Jennie? Like para po manghingi ng advice or nang tulong po sa inyo." Tanong ni Eloiza.
"Uhmm, this is controversial pero dahil president ka naman, basta wag mo nalang sasabihin sa iba. Sa adviser mo nalang." Sagot ng Counselor.
"Madalas siyang pumupunta sa office ko. Yun nga nang hihingi ng advice dahil daw nadedepress siya and dahil daw dun naapektuhan daw ang pag aaral niya.
"Di siya makalapit sa adviser nila dahil masungit daw yun tiyaka wala naman daw pakielam sa kanya. Yung mga magulang naman daw niya wala lagi, nagtatrabaho kaya di niya makausap." Sagot ng Counselor.
"Kailan daw po siya nagsimulang madepress?" Tanong ni Eloi.
"Simula nung naghiwalay daw sila ng boyfriend niya. Nalaman niya na niloko lang pala siya, ginawa siyang kabit kumbaga. And now etong si Bf daw e nabuntis na yung original."
"Lagi na daw niyang nasasaktan sarili niya."
"Tapos after naman daw nun naaksidente naman ang tatay niya."
"Naputol daw ang paa."
"Kaya pinapatigil muna siya sa pag aaral. Pinapatrabaho siya ng mama niya para makatulong sa mga gastusin."
BINABASA MO ANG
HINDSIGHT
Mystery / ThrillerEloiza is a journalist who uses psychometry to solve heinous crimes.