Nasa bahay ako ngayon. Nag f-fb. Ka-chat ko ang aking bunsong kapatid. Actually, hindi ko siya totoong kapatid pero tinuturing ko siyang totoong kapatid parang ... Kuyakuyahan niya ako. Her name is Mica. 1st year hs. Schoolmate ko siya :))
Ako nga pala si Andrew. 15 yrs. old 3rd year highschool. Nag-aaral sa Malian Int'l School sa Vancouver, WA. :))
Conversation with Mica
(A - Andrew.. M - Mica)
A: Bunso, kailangan kita ngayon.
M: Kailangan ? Bakit kuya?
A: Diba sabi ko sa'yo sasabihin ko sa'yo problema ko..
M: Aah.. yeah ung last week. Akala ko naman kung anong kailangan mo. Serious na serious??
A: Bunso naman ee.
M: Haha. Kidding aside, yung love-related na problem mo po ba ung ikukwento mo?
A: Oo, kaya makinig ka.
M: Sabi ko nga. Go! Spill!
A: Naasar kasi ako sa sarili ko eh. Pinakawalan ko pa ang taong minahal ako at minahal ko ng sobra.
M: Eh? pinakawalan mo? Bakit naman?
A:Ikukwento ko nga diba?
M: Oo nga . Sabi ko nga -_-
A:Nagsimula kasi siya last vacation. Umuwi kami ng Pinas.
Pag sa Pinas kasi lagi akong wala sa bahay. K
So kmi nung bestfriend/pinsan ko, Klein, lagi kaming nasa comp shop nagdodota.
Pero nung kalagitnaan nung vacation ko. Nagpunta kami ng computer shop.
Tas may dalawang tao sa pwesto namin.Eh dalawang babae pa yun kaya naghintay na lang kami.
Tapos umalis yung katabi na upuan nung mga dalawang babae. Eh gusto na namin maglaro.
E di tumabi na lang kami sa kanila.
Tapos kilala pala ni Klein yung isang babae.
Inintroduce niya ako. Andrew ito si Hershey. Hershey ito si Andrew blahblahblah
Tas nagulat ako Hershey? As in yung chocolate?
Oo daw. Tas nag smile siya.
Tapos siya katabi ko tas si Klein katabi nung isa
Eh bago kami magdota nagfb muna kami ni Klein.
Nakita ni Hershey na naglalaro ako ng Tetris nun kaya nag-aya siya maglaro.
Syempre, inadd ko kasi nag-aya siya magtetris eh.
So ayun naglalaro kami.
Hanggang dumating na yung mga kadota namin tas maglalaro na sana kami ng dota.
Pero hindi na ako sumali kasi nga kalaro ko pa ng tetris si Hershey.
Tas ayun. Nung natapos kami maglaro.
Nakidota na ako.
Hindi pa rin siya umaalis dun sa compshop.
pero yung kasama niya umalis na.
So magkatabi pa rin kami.
May kausap siya sa fb na kachat na kaklase. Eh tinanong nung kaklase na yun yung number niya.
E di nakita ko rin number niya. Sabay save ko kaagad.
Mga 3:00pm umalis siya ng computer shop. Tas tinext ko siya ng ":P"
