Napatay Ko Si...

35 0 0
                                    

Wala na kaming choice kundi pumunta sa old building ng school.

Kung bakit naman kasi nakikipaglandian sila kay Eugene eh alam naman nilang pikon 'yung tao.

Ayun, ihinagis 'yung bracelet ni Ynna nung mahablot nya.

Ang lakas nga niya eh. Lagpas pa sa puno ng Akasya  'yung pagkakabato niya, pataas. Kaya kung hindi kami nagkakamali eh sa bandang old building nga napunta 'yun.

Idagdag pa na nakarinig kami ng nabasag na salamin, tsk. Baka pumasok sa isa sa mga kwarto nung building.

Kailangan naming makuha 'yung bracelet. O baka si Ynna lang.

Sabi ko nga sa kanya hayaan na lang niya 'yun, ibibili ko na lang siya ng bago. Eh ayaw daw niya ng bago tsaka may sentimental value na raw 'yun sa kanya.

Sabagay, sabay-sabay kasi naming binili 'yung mga bracelet na 'yun noong nakaraang linggo.

Ako, si Ynna, si Jenny at si Lorelai.

Plain pink 'yung sa akin. White na may stars 'yung kay Jenny na halos 1/4 na lang e nasa siko na niya sa sobrang payat ng babaeng 'to. Medyo shiny naman 'yung kay Lai. Black na may flowers 'yung kay Ynna, at ito ang hahanapin namin.

Gabi kami pupunta dun kasi bawal talaga pumunta dun sa old building dahil baka mahulugan daw ang mga estudyante ng mga debris.

Bukod talaga kasi sa pagiging luma nito, sira-sira na rin ang two-story building na ito. Hindi lang maipagiba nang tuluyan dahil sa kakulangan sa pondo ng school.

At ayun nga. Habang naglalakad kami papuntang old building matapos akyatin 'yung bakod sa likod ng school, naalala ko 'yung kwento-kwento ng faculty members.

May mga bulung-bulungan na may kaluluwa daw na namamahay sa old building ng school namin. Ewan ko kung totoo, hindi ko naman nakikita tsaka wala akong kaalam-alam sa nature ng mga multo-multo na 'yan at mga kaluluwa.

Kaya ako sumama rito.

Na sana hindi na lang.

Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin nanghihila na si Jenny para umuwi.

Pero nandito na rin kami eh. Sayang naman effort ng pagpunta namin.

"Guys uwi na tayo, please." Si Jenny 'yun.

"Jenny naman, nakaakyat na tayo ng bakod at lahat, ngayon pa ba? Ugh." Medyo naiiritang sagot ni Ynna.

At namayani ang katahimikan sa amin.

Medyo nagdadahan-dahan lang kami sa paglalakad at nag-iingat sa mga kilos namin, ayaw naman din kasi naming mahuli 'no. Baka ma-guidance pa kami, mahirap na.

Maingat naming tinungo 'yung old building.\

Dahan-dahan kami sa aming mga yapak..

Dahan-dahan..

Nang biglang..

"AAAAAAAAHHHH!!!"

Abangan..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Napatay Ko Si...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon